Fix You

1.9K 23 4
                                    

Athazagoraphobia is the fear of being ignored or forgotten.

Nakabalik na si Ara na galing sa Baguio dahil binisita’t inalagaan niya ang kanyang lolang may sakit. Naisip niya munang ibaba ang kanyang mga maleta sa bahay nila at tsaka siya pumunta sa MOA dahil magkikita sila ng boyfriend niya.

Sinabi niya sa sarili niya, “Teka parang boyfriend ko yun ah. Bakit may kasamang ibang babae?”

Sinundan niya ang dalawa at may narinig siya na tiyak na kinagalit niya ng sobra.

“Babe, tara kain tayo dun,” sabi ng babae.

“BABE”

“BABE”

“BABE”

“BABE”

Sinugod niya ang dalawa, “WALANG HIYA KA, NAWALA LANG AKO NG ISANG BUWAN, PINAGPALIT MO NA AKO. NAKALIMUTAN MO NA BANG MAY GIRLFRIEND KA, KEVIN?”

“Babe, sino siya?” Tanong ng babae kay Kevin.

“Ahh… ehh… di ko siya kilala. Tara na.” Sagot naman ni Kevin.

“HOY WAG KANG UMALIS, DI PA AKO TAPOS SA IYO………. FERRER!!!” Sigaw ni Ara habang humahagulgol.

"Siguro nga, nakalimutan na niya ako. ANG SAKIT GRABE! Ang mas masakit, unang beses akong nagmahal ng husto at nagkaroon ng boyfriend. Pinangako niyang di niya ako sasaktan pero sadyang mas malala pa siya sa matanda kung makalimot. At dahil dun, takot na akong magmahal kasi ayokong maiwan, ayokong mapasawalang bahala." 

 

~~~~~~~~~~

Philophobia is the fear of being in love or falling in love.

……..

”Pero babe anong problema?” Tanong ni Jeron.

“Ayoko sa iyo. Di ka bagay na maging boyfriend ko.” Sabi ng girlfriend niya.

“PERO MAHAL NA MAHAL KITA JOANNA!” Sigaw ni Jeron.

“Pasensya na pero hindi ko na talaga kaya.” Sagot ni Joanna at tuluyan nang umalis.

“BAKIT SINABI MONG MAHAL MO AKO?” Sigaw nang sigaw si Jeron.

Narinig parin pala ni Joanna ang pagsigaw ni Jeron, "Nakakapagod din kasi, wala kang oras para sa'kin. Mas mahalaga kasi para sa'yo yung basketball at iba mong commitment, feeling ko minsan hindi mo ako girlfriend. Kaya ayoko na talaga, I'm sorry Jeron."

"Ang sakit palang maiwan ng taong mahal mo dahil kulang pa rin pala yung binibigay mo. Akala mo okay lang ang lahat, pero hindi pala. Ginawa mo na ang lahat, pero hindi pa sapat. Nakakatrauma yung nangyari. Natatakot na akong magmahal ulit. Ayoko ko ng maranasan yung sakit."

 

Fix YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon