IV. Stuck In The Moment
Lunes na naman, ang pinakaayaw na araw ng karamihan sa mga estudyante.
ARA
“ARA!!! HOY GUMISING KA NA! KAKAIN NA! AYAN KA NANAMAN EH!” Ang pagsigaw ni Carol ay narinig sa buong dorm. Kaya naman hinanap nila kung saan nanggaling ang sigaw.
“CAROL! ANO BANG SINISIGAW-SIGAW MO DIYAN?” Tanong ni Kim.
“KIMMY! SI ARA KASI ANG HIRAP NANAMAN GISINGIN!” Sabi ni Carol.
“LET ME DO MY JOB.” Sabi naman ni Kimmy.
Pasigaw na siya nang nagising na si Ara.
“ETO NA GIGISING NA!” Pagalit na sigaw ni Ara.
Kumain na si Ara kasama ang iba pang Spikers. Pagkakain ay naisipan na niyang maligo kaso naunahan siya ni Mika na siyang ikinainis nito kasi si Ara ang laging nauunang maligo.
“HOY REYES AKALA KO BA AKO LAGING NAUUNA?!”
“EH IBA NA NGAYON EH! MAY DATE KAMI NI GAB KASI WALA KAMING KLASE! SI PROF KASI MAY PUPUNTAHAN DAW!” Sigaw ni Mika.
“OKAY BAHALA KA NA NGA DYAN! PASALAMAT KA HINDI AKO NAGMAMADALI.”
Pagkatapos naman ni Mika ay nakaligo na rin si Ara. Nagpaalam na sina Ara at Carol sa ibang Lady Spikers.
“GIRLS, AALIS NA KAMI!” Pagpapaalam nila.
~~~~~~~~~~~~
“Everyone, listen up! So, I’ll give you this period para gawin na yung proposal niyo. And by the way, extended yung deadline ng proposal niyo sa Thursday kasi alam kong mahirap talagang pag-isipan at gawin ang isang business proposal. May kailangan kasi akong puntahang meeting. Goodbye, class!” Sabi ng prof. nila.
“Thank you and goodbye, Prof!”
Ay wow! So ibig sabihin…. Haaayyy walang class. Makakasama ko na rin si Jeron, I MEAN uhm… magagawa na namin yung business proposal. Ano ba ‘tong pinagsasasabi ko? Wala ‘to okay? Wala ‘to.
JERON
“HOY TENG! BUHAY KA PA BA? KANINA KA PA NAMIN GINIGISING AH! KAKAIN NA!” Sigaw ni Thomas na may pang-aasar.
“ETO NA PO MANG THOMAS! PALIBHASA SMALL BUT TERRIBLE….”
“MAY SINASABI KA?!” Pagalit na pagtatanong ni Thomas.
“WALA PO. SABI KO BABABA NA AKO! Parang nagising ka sa maling side ng kama. Badtrip ka ata eh. Bakit naman?”
“Eh kasi naman eh. Diba alam mo namang nililigawan ko si Arra? Eh di siya pwedeng makipagdate eh.” Malungkot na pagkwento ni Thomas.
“Bro, mamaya na natin ‘yang pag-usapan after training. Maliligo na ako.”
“Sige, bro.”
Pagkaligo ni Jeron ay agad naman siyang nagbihis at naghanda para sa school.
“ARCHERS! AALIS NA AKO!” Pagpapaalam ni Jeron sa mga Archers.
~~~~~~~~~~~~
“Everyone, listen up! So, I’ll give you this period para gawin na yung proposal niyo. And by the way, extended yung deadline ng proposal niyo sa Thursday kasi alam kong mahirap talagang pag-isipan at gawin ang isang business proposal. May kailangan kasi akong puntahang meeting. Goodbye, class!”
“Thank you and goodbye, prof!”
Yes! Buti nalang walang class! Pero naiinis rin kasi ginising-gising ako ni Mang Thomas. Labs ata ako ni Thomas eh. JOKE LANG GUYS!! Masaya rin ako kasi makakasama ko na rin si Ara! AH… EH…. ang ibig kong sabihin, magagawa na rin naming yung proposal namin. Ano ba ‘tong feeling na ‘to? Jeron, wala ‘to.
BINABASA MO ANG
Fix You
FanfictionDalawang taong nasaktan at takot nang umibig, paano nila matutulungan ang isa't isang matutunan muli kung paano magmahal? A Jeron Teng and Ara Galang Fanfiction