III. Connections

523 22 1
                                    

Jeron

"Haayy buti nalang weekend na pero kailangan ko pang magresearch para sa business proposal paper namin ni Ara. Kamusta na kaya si Ara? Ah……. Eh…… I mean nakapagresearch na kaya siya? Anyways, magpatulong na nga kina Mommy at Daddy."

“Ma, Pa, kailangan ko po ng tulong niyo para sa business proposal namin.” Sabi ni Jeron.

“Anong business ba ‘yan anak?” Tanong ng kanyang Mommy.

“Uhm.. coffee shop po. Kasi naisip namin na kailangan ng students sa Taft ng pwedeng tambayan sa gabi para mag-aral. Okay naman po ba yung idea?” Pagpapaliwanag ni Jeron.

“Oo naman anak. Ahhh sige. Magtanong ka kay Jeric. Ang alam ko, may kaibigan siyang may-ari ng isang restaurant pero tutulungan ka rin naman namin pagdating sa revenue ng mga café na hindi franchised. May kaibagan kami ng Mama mo na may café sa The Fort.” Sabi ng Daddy niya.

“Thank you, Ma at Pa.” Pagpapasalamat ni Jeron.

“SIge anak, aalis na kami ni Alvin. Bye.” Pagpapaalam ng kanyang mga magulang.

 TInawagan na niya ang kanyang kuya para magpatulong.

“Hello, kuya?”

“Oh Jeron. Napatawag ka?”

“Ah kasi sabi ni Daddy na may kaibigan ka daw na nagmamay-ari ng restaurant. Gusto kong magpatulong sa kanya para sa business proposal namin.”

“Oo, meron nga. May restaurant yung family ni Kevin Ferrer, yung teammate ko. Itetext ko nalang sa iyo number niya. Kilala ka naman nun eh kaya makakatulong siya sa inyo.”

“Thank you talaga, ahia.”

“Sure, shoti. Sige na mag-ttraining na kami.”

“Bye kuya.”

Hinintay ni Jeron ang text ni Jeric para makausap na niya si Kevin.

Parang phone ko yung nagring. Sana natext na ni kuya sakin yung number.

Pagkakita ng text ay agad na tinawagan ni Jeron si Kevin.

Jeron: “Hello bro! Si Jeron ‘to.”

Kevin: “Oh bro. Paano mo nakuha number ko?”

Jeron: “Alam ni kuya number mo kaya hiningi ko na kasi kailangan ko ng tulong.”

Kevin: “Anong tulong naman ‘yang kailangan mo, bro?”

Jeron: “Kasi may business proposal kami para sa class. Eh nabanggit ni Daddy na may friend si kuya na may restaurant tas sabi ni Kuya na ikaw daw yun. Magpapatulong sana ako sa research namin, kung okay lang.”

Kevin: “Okay lang naman, bro. Ano bang maitutulong ko?”

Jeron: “Ah bro, kailangan kasi namin ng business reports ng restaurants and coffee shops.”

Kevin: “Yun lang pala, pwede naman kaso restaurant lang yung amin.”

Jeron: “Okay lang ‘yun. Ah, may mga kilala rin kayong may-ari ng mga coffee shops?

Kevin: “Oo naman. Maraming business partners sila Mama na may-ari ng coffee shop, bigyan na lang din kita ng contact numbers.”

Jeron: “Thank you talaga pare!”

Kevin: “Wala ‘yun! Daanan mo na lang sa resto namin sa Espanya, alam nang kuya mo kung saan yun.”

Jeron: “Sige! Salamat ulit!”

Nakahinga na nang malalim si Jeron dahil nagawa na niya yung parte niya sa proposal.

~~~~~~~~~~~~

Ara

Habang nasa Pampanga siya, inisip niya na gawin na ang parte niya sa proposal. Naisip iya kung nakapagresearch na si Jeron.

Kamusta na kaya si Classmate? Ay este kamusta na kaya yung pagreresearch niya? Ara, focus sa pagreresearch.

Nagresearch na siya ng menu para sa coffee shop nila.

Hmm parang okay ‘to ah.

Eto! Pwedeng pwede!

Mukhang masarap ‘to!

Nakahanap na siya ng mga pwedeng pagkain sa kanilang coffee shop. Pero di siya masatisfy ng lubos sa mga nahahanap niya kasi masyado ng common ang mga ito.

Haaayyy makapag-Twitter nga muna.

@VSGalang: haaayy stress. Where to find good recipes of pastries? 😐

@BillieCapis: @VSGalang magluluto ka Arabells?

@VSGalang: @BillieCapis Hindi haha para sa project namin sa Entrep. May alam ka ba?

@BilieCapis: @VSGalang Ara, mahilig ako sa food pero magaling lang akong kumain haha. May kilala akong friend na may bakeshop. I think she can help you.  I can DM you her number if you want.

@VSGalang: @BillieCapis thank you

This time, sa DM na sila nag-uusap

@BillieCapis: Arabells! 09*********

@VSGalang: Thanks talaga!

@BillieCapis: Arabells i-DM mo nalang siya. I think Joanna’s online right now. Pero ayan yung number in case. Diba you know her naman?

@VSGalang: Ah yes. Thanks again!

Nag-DM si Ara kay Joanna,

@VSGalang: Hi Joanna! I was wondering if you can help me with some recipes ng mga pastries.

@JoannaRobles: Hi Ara! You came to the right person. I can e-mail you some if you want.

@VSGalang: Thanks!

@JoannaRobles: You’re welcome.

Naisip ni Ara na i-DM si Jeron tungkol sa proposal.

@VSGalang: Jeron! Kamusta na yung pagreresearch mo? Nakahanap na ako ng pwedeng recipes sa proposal natin.

@jeronteng: Mabuti naman at nakahanap ka na. Nakahanap na rin ako ng makakatulong para sa business reports ng coffee shops.

@VSGalang: Yes! Makukumpleto na natin yung proposal.

@jeronteng: Oo nga eh. Pero kailan tayo pwedeng magmeet?

@VSGalang: Sige soon.

 @jeronteng: Okay. Goodnight na! :)

@VSGalang: Goodnight!  :)

AN: So here it is! Sorry kung medyo late na yung UD ko :) Hope you enjoyed this chapter. Keep on supporting! Thank you ulit kay Ate @alway_enchanting sa pangungulit sa akin na magsulat. :)) 

Fix YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon