II. The Project

575 22 4
                                    

II. The Project

“ARA GISING NA!! BAKA MAHULI PA TAYO SA CLASS NATIN!!” Ginising ni Carol si Ara.

“Cars ang aga pa oh.” Katwiran naman ni Ara.

“Anong maaga ka diyan? 8 NA PO! MAY CLASS PA TAYO NG 9!”

“AY NAKO CAROL! BA’T DI MO AKO GINISING KANINA?!?!”

“HOY PARA SABIHIN KO SA IYO, KANINA PA KITA GINIGISING! Nagpatulong na nga ako kina Mika at Kim para magising ka. Kaya lang pati sila hindi ka magising.”

“Eto na nga, mag-aayos na.”

Kumain na ng almusal si Ara, naligo na siya at nag-ayos na para sa kanyang klase.

“WAFS! Aalis na kami ni Carol. Pakisabi nalang sa iba kasi nagmamadali na kami eh.” Paalam ni Arak ay Kim.

“Oh sige wafs.”

~~~~~~~~~~~~~

Bago matapos ang kanilang klase, binanggit ng kanilang prof. ang tungkol sa kanilang project, “As we discussed yesterday, ang susunod niyong project ay by pairs. May partner na ba kayo?” Tanong ng kanilang prof.

“Yes, prof.” Sabi nila.

“Okay ganito yung project. Kailangan niyong mag-isip ng isang business na pwedeng imanage ng mga students. Lahat kayo ay required na magbigay ng paper para sa proposal niyo. Deadline ng project na ito ay sa Wednesday. Friday palang naman today so mahaba-haba rin yung time para magawa niyo yung proposal. So no excuses kung bakit late niyo maisusubmit. Nakuha niyo ba?”

“Yes, prof.”

“Okay. May extra time pa naman tayo, wala na akong ididiscuss so I'll give you 10 minutes para makapag-brainstorm na kayo.”

 Nag-usap na sina Jeron at Ara.

Tanong ni Jeron, “Ars, may plano ka na ba?”

“Uhm, wala pa akong maisip eh. Ikaw may naisip ka na?”

“Hmm….. T-SHIRT SHOP KAYA?” Suggestion ni Jeron.

“Eh andami na nating t-shirt shop dito eh.” Napaisip si Ara…..

“Coffee shop kaya? Kasi pag nag-aaral ako, umiinom ako ng coffee para di ako makatulog. Tsaka ang ingay rin kasi sa dorm kaya pag gusto ko ng tahimik na lugar, dun ako pumupunta. Tsaka malapit na rin yung Finals natin.” Kwento ni Ara

“Ganyan rin ako kasi pag ang ingay ingay ng mga teammates ko, pumupunta ako ng coffee shop para tahimik.” Sabi rin ni Jeron.

“Itayo natin siya sa may Taft para sa mga students. Open siya from 3pm to 6am.” Sinuggest ni Ara.

“Sige sige. Ikaw na bahala dun sa menu ng shop. Ako na ang bahala sa pagresearch ng income and revenue ng mga coffee shop dito sa Manila na hindi franchised. Magpapatulong nalang ako kina Mama at Papa.”

“Ah okay good idea."

"Okay, 10 minutes is over. Class dismissed. Enjoy your weekend."

Sabay na lumabas sina Jeron at Ara dahil pinag-usapan nila kung kailan nila magagawa yung proposal at mapagsama-sama yung mga naresearch nila.

“Ara, pwede ba nating gawin bukas?” Tanong ni Jeron.

“Ay pasensya na Jeron, uuwi ako sa Pampanga. Sunday pa ng gabi balik ko. Sa Wednesday pa naman yung deadline eh.”

“Sa Monday nalang natin ipagsama-sama yung mga naresearch natin... Ay Ara, may training pa pala kami. Sige, bye ingat.”

“Uuwi na rin ako. Bye.”

AN: So eto na. I’ll try my best na pahabain yung mga ibang chapters. Thanks again sa sister ko (mentioned in the previous chapter) for the “Coffee Shop” idea. J Keep on supporting!

Fix YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon