6

644 15 1
                                    

"Thank you for coming with me." Nakangiting sabi ni Zebby. Nagaantay kami ng appointment nya for counseling.

"Hindi ako pwede pumasok sa loob but I'll wait outside, iikot muna ako during your session. You can call me when you're done." Ngiti ko.

I made sure na may makakarinig ng mga sinasabi ko. Maramirami din ang dumadaang nurses and patient since nasa ground floor kami.

Nang tawagin si Zebby para pumasok ay tumingin sya sakin at ngumiti. "Kaya mo yan." Bulong ko bago sya pumasok.

Umikot ako ng ospital, looking for familiar faces. Marami akong kakilala na nakasalubong na nagpapacheck up kaya okay na yung check list ko na makita ako sa ospital with zebby. Ang maging mabuting kaibigan.

You need to make your image clean and pretty. People love that. It makes the story much more interesting.

After an hour bumalik na ako para sunduin si Zebby. Nagthank you ako sa psychiatrist niya. Making sure that he will remember me.

Pagkahatid ko sa bahay kay Zebby ay agad din akong umuwi.

"You know, ang tahimik mong tao. Tagal na nating friends and tagal ko nadin nakikitulog dito pero ikaw di ka masyado palakibo no?" Kwento ni Darleen habang kumakain siya ng crackers.

"Sabagay college palang ganyan kana. Buti nalang talaga nagkaasawa ka. Kala ko tatanda kang dalaga."

Umiling ako habang tumatawa siya sa sinabi niya. Gusto ko siyang lagyan ng bread knife sa leeg pero hindi pwede. Masyadong close connection si Darleen. Baka lumabas pa ang ibang tinatago kong lihim.

"Ikaw kelan ka magaasawa?" Tanong ko pagkaupo ko sa tabi nya. Kinuha ko ang remote ang hininaan ang volume ng TV, masyadong malakas.

"Kapag maputi na ang uwak. Wala akong type." Bulong niya.

"Huling boyfriend mo pa si Al, sure kang hindi ka bitter?" Tumawa ako sa sinabi ko dahil binato nya ako ng couch pillow.

"Nyeye. Al is past. Past is Al." Litanya nya. "Ilabas ang alak! Kailangan ko ng Alak! Para makahanap na ako jowakels." Tumakbo papuntang kusina si Darleen. Natapon ang crackers sa sofa kaya napabuntong hininga ako. Ang dumi talaga niya.

Nilinis ko ang natapon na crackers at agad na itinapon.

"Ano bayan Ems! Wala kang alak? Buhay ka pa ba?" Inis nyang sabi, padabog siya naglakad pabalik ng couch.

"Sa labas ka uminom kung gusto mo. Alam mong mahina alcohol tolerance namin ni Nemo."

Umirap siya bago tumayo at tumakbo sa kwarto niya. Wala pang 15 mins ay bumalik na siya at nakabihis, nakapink bralette at black highwaisted shorts siya with hells. "Nomi lang ako. Maglock ka, may dala akong susi. Bye frennypie!"

Naglinis ako ng mga kalat ni Darleen sa bahay pagkaalis niya. Kung hindi ko lang kailangan ng alibi, pati ikaw Darleen pinatay ko.

Napangiti ako sa bagong naisip, bakit hindi ko isama si Darleen sa plano ko with Zebby & Al. Mini reunion kumbaga.

Serial Killer: She DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon