CHAPTER 4

254 6 0
                                    

P.O.V. CASPER

Matagal ako nag-isip kung magpaparamdam pa ba ako kay Mae o hindi na dahil baka lalo lang ako malungkot na wala na ako makakausap.

Napagdesisyonan ko pa rin magpakita sa kanya kahit sa huling pagkakataon..

"Just wanna say bye" mahinang sabi ko...

Pinagmasdan ko ang pagalis nya nang biglang makita ko ang maliwanag na aura nya at naalala ko yung tinig nang una ko sya makita

"Isang liwanag ang makikita mo... sa dilim ng buhay mo... sya ang susi upang mahanap mo ang daan na tatahakin mo"

Agad ako na paisip...

"Liwanag... sya ang susi.... daan natatahakin.... tama sya lang ang paraan para makaalis ako dito at mahanap ko ang pamilya ko" nakangiting sabi ko.

Nabuhayan ako nang loob kaya nagmadali ko syang hinabol at buti nalang ay nahawakan. ko ang kamay nya at nakita ko na nasa labas na ang kamay ko...

"Mae ako ito...hilain mo ang kamay ko" mabilis kong utos.

Agad naman nya ako hinila hanggang sa pwersahan nya ako hinatak at nang makalabas na ako at nakita ko na mahuhulog na sya sa hagdan ay sya naman ang hinatak ko hanggang mayakap ko.

Dumampi ang mga labi nya sa labi ko nang biglang parang may energy na pumasok sa katawan ko at napapikit ako..

Bumalik ang ala-ala ko noong 5 years oĺd palang ako habang nasa isang park kami.

"Casper andyan na si daddy hahabulin na kita" nakangiting sabi ni Daddy habang tumakbo paikot sa slide...

"Daddy habol ..habol.." masayang sabi ko...

"Pagod na po ako... tara dito naman po tayo sa swing daddy tapos itulak mo po ako nang malakas"

"Tama na yan at kumain muna tayo" tawag ni mommy mula sa picknic table.

Nawala ang pagtrowback ko nang kumabig palayo si Mae...pagmulat ko nang mata ay nakita kong papalayo na ang tricycle na sinakyan nila.

Mga ilan minuto rin ako nagisip kung may connection ba ang mga halik ni Mae sa pagbalik ng kunting alala-ala ko? o nagkataon lang?

Sinubukan ko hanapin ang park na nasa ala-ala ko halos sinuyod ko na ang buong paligid pero di ko maala-ala kung saan banda yung park na yun. muli akong naglakad lakad... kung saan saan na ako nakapunta pero di ko talaga mahanap.

.........
P.O.V. MAE

Pagkadating namin galing hospital ay dumeretso ako sa kwarto at pabagsak ako na nahiga sa kama.

"Sa dinami dami ba naman ng first kiss ko sa isang multo pa" bulong ko sasarili.

Hindi ako mapakali kakaisip sa nangyari kanina...panay ang kapa ko sa labi ko na kanina lang ay nahalikan ng multo.

Buti nalang at pinayuhan ako ni doc na magpahinga muna ng isang linggo... kung hindi ay di ako makakapaconcentrate sa pag-aaral.

Dumaan ang ilan araw ay di pa rin nagpapakita sa akin si Casper..Inisip ko nalang na baka nahanap na nya ang pamilya nya.

"Bakit namimiss mo?" pang-aasar ng aking konsensya.

"Hindi noh.... ang akin lang di manlang sya nag-thank you..... sa pagtulong ko sa kanyang makaalis doon" mabilis kong depensa.

"Nababaliw na yata ako at kinakausap ko na ang sarili ko.... Minabuti ko nalang libangin ang sarili ko sa ibang bagay..Naisip ko nalang na magpinta na syang hubby ko.

CASPER MY BOYFRIEND IS A GHOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon