CHAPTER 8

223 4 0
                                    

P.O.V. MAE

Pagdating nang sabado ay walang pasok kaya tulad ng pangako ko kay Casper ay tutulungan ko sya hanapin ang pamilya nya... nagpaalam ako kay mama na sasamahan ko lang ang kaibigan ko.

Pinavisualize ko kay Casper yung park na sinasabi nya kaya nakahanap ako ng clue kung saan matatagpuan yun..

Pagdating namin ng park ay nagikot ikot kami sa paligid nito, baka kasi may maalala sya...pero halos malibot na namin pati mga kalapit na kalye ay pinuntahan na namin... hindi naman ako pwedeng magtanong sa mga tao dahil nga nasa pamilya naman nya talaga ang katawan nito..

"Teka pahinga muna tayo" sabi ko saka ako naupo sa swing.

"Ok" matipid na sagot nya saka naupo rin sya sa isa pang swing.

Nakita ko ang lungkot sa mga mata nya, dahil nga nabigo kami sa paghahanap ng pamilya nya.

Tumayo ako sa swing at hinila sya na magslide at magbabo babo... inaliw ko sya para kahit papano ay sumaya naman sya... kahit na pinagtitinginan na ako ng mga taong dumadaan sa park kasi nga nakikita nilang mag-isa ako dun na parang baliw na isip batang tumatawa mag-isa.

Lumipas pa ang oras ay nagpasya na kami umuwi dahil malapit na magdilim at baka hanapin na ako ni mama.

"Thank you... kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko" sabi nya sa akin ng nasa kwarto na kami.

"Don't worry... Promise ko sayo na hahanapin natin ang pamilya mo" nakangiting sabi ko.

.......

Makalipas ng ilan araw ay iniwasan ko na makabangga si Andrea... tuwing makikita ko lalapit sa akin ay agad ako nagtatago at lumalayo..

Pero isang araw ay talagang hindi tumigil si Andrea sa paglapit sa akin.

"Teka lang Mae..." mahinahon sabi nya.

"Andrea ayaw ko ng gulo" matipid kong sabi saka ako umalis.

"Gusto ko lang magsorry" mabilis na sabi nya.

Pinigilan nya ako sa braso.

"Sorry talaga sa nagawa ko....sana mapatawad mo ako"

"Ok lang naman sana wag mo na uulitin kaya kalimutan mo na yun"

"Teka... para naman makabawi ako sayo... di ba gusto mo sumali noon pa sa cheering squad?" nakangiting sabi nya.

"Oo bakit?" nagtatakang tanong ko.

"Tamang tama kasi si Faith na balian ng paa at kailangan ko ng proxy para sa nalalapit na competition"

"Talaga? sige sasali ako." masayang sabi ko.

Matagal ko na talaga pangarap maging cheerleader.. madalas nga ginagaya ko pa ang mga simpleng moves nila sa salamin. kaya ng alukin talaga ako ni Andrea magcheering squad kahit proxy lang para sa intercollege competition ay di na ako nag inarte... Magstart na daw ako bukas pero... pano si Carlo?...

"Rhea may goodnews ako sayo" masayang balita ko nang nasa canteen kami.

"Ano? nanalo ka sa lotto? o baka naman sinagot ka na ni Carlo?" masayang tanung ni Rhea.

"Ano ka ba hindi yun.... kasi sinabi ni Andrea na isasali nya ako sa cheering squad" nakangiting sabi ko.

"Bes... nakalimutan mo na ba ang ginawa sayo ni Andrea.... sa malamang ay panibagong plano naman nya yan" kuno't noong sabi nya.

"Hindi Bes... nagsorry na sya at sinabi nyang hindi na nya uulitin.... saka bes alam mo naman na pangarap ko na talaga ito" hinawakan ko ang mga kamay nya.

"Ok.... basta hah mag-iingat ka pa rin sa kanila" paalala nya.

Tumango na lang ako.... kasi tama naman ang paalala nya na kailangan ko pa rin mag-ingat kay Andrea.

Pagkatapos ng klase ay hinanap ko si Carlo at sinabi ko na hindi ko sya masyadong matutulungan... kaya nag-eschedule nalang ako na tuwing sabado ko naĺang sya matulungan sa project nya.

..............
P.O.V. ANDREA

"Are you out of your mind Andrea at talagang isinali mo pa sya sa squad" inis na sabi ni Tin.

"Chillax lang girls may masaya akong plano" nakangiting tinanaw ko ang masyang si Mae.

Ang hindi alam ng bruhang yun ay wala naman talaga injury si Faith, dahil kinausap ko lang ito pero ang totoo ay nagpraktis paring kami sa ibang lugar.

Ginawa ko lang yun para hindi na sila magkita ni Carlo everyday.... Nang sa ganun ay maĺapitan ko pa rin ito dahil gusto ko na magkabalikan kami ni Carlo.

Nagsisisi ako na iniwan at niloko ko sya kaya ngayon gagawin ko ang lahat para bumalik sya sa akin... by hook or by crook.

Hanggang ngayon kasi ay mahal ko talaga si Carlo... handa ko sya ipaglaban ng patayan pag may magtatangkang mang agaw sa kanya...tulad ng ginawa ko sa mga ibang babaeng haliparot na lumalandi sa kanya.

"Akin lang si Carlo... walang sinoman ang pwedeng umagaw" matalim na sabi ko sa sarili..

Nang magsimula nang magpraktis si Mae ay nagkunyari ako na magiliw sa kanya... tinuruan ko sya ng lahat na dapat nya matutunan pati ang paglifting....

Habang pinagmamasdan ko syang masaya sa ginagawa nya... ay palihim naman akong tumatawa habang iniisip ko ang plano ko.

Makaraan ang ilan araw ay iti-turn over ko na sa iba ang pagtuturo kay Mae para mapuntahan ko si Carlo sa library.

"Hi can I have this seat?" malanding tanong ko kay Carlo.

Nang makita nya ako ay biglang nag-iba ang timpla ng mood ni Carlo.

"Marami naman upuan dyan diba" kuno't noong sagot nya.

Pero imbes na lumayo ako ay naupo pa rin ako sa tapat na upuan nya... alam ko kasing nagtatampo pa rin sya sa akin.

"Look.... Carlo Im just wanna say sorry... ilan sorry pa ba ang kailangan ko sabihin para mapatawad mo ako?" mabilis ko hinawakan ang kamay nya na nakapatong sa lamesa.

"Tapos na yun at nakamove on na ako kaya wala ka na dapat pa ipag-sorry" mariin nya ako tinignan saka marahan nyang binawi ang kamay nya.

"Mahal pa rin kita and I'll do everything to win you back" pag-susumamo ko.

"Just leave me alone" sabi nya saka sya umalis.

Hindi ko namalayan na may luhang tumulo mula sa akin mga mata...

CASPER MY BOYFRIEND IS A GHOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon