CHAPTER 14

283 7 0
                                    

P.O.V. CASPER

Nang nasa hospital kami ay napansin ko ang humahangos na mag-asawa.

Sinundan ko ang mag-asawa...habang sinusundan ko sila ay muling sumakit ang ulo ko at pumasok ang mga pangitain na naalala ko nung una na blured ang mga mukha..... pero ngayon ay clear na sakin ang lahat.... naalala ko na... na ang mag-asawa ay walang iba kundi ang parents ko.

Laking gulat ko nang makita ko mula sa bukas na pintuan ang isang doctor at maraming nurse na may nirerevive.

Parang tumigil ang oras ng makita ko ang sarili ko pala ang nirerevive ng doctor.

Hindi ko namalayan na pumapatak na ang mga luha ko habang pinagmamasdan ko ang pagrevive sa akin katawan at tumigil ang doctor...

Nakita ko kung pano maglupasay si mama sa kaiiyak habang tinatawag ang pangalan ko..

"Casper" narinig kong sigaw ni Mae mula sa dulo ng hallway habang tumatakbo ito palapit sa akin.

Napansin ko na unti unti na akong naglalaho.... mula sa paa paakyat sa bewang.

Mahigpit ko syang niyakap.

"Hindi pwede!!!! hindi mo ako pwede iwanan nalang..... mahal kita...." hagulgul na sabi nya.

"I love you Mae" yung ang huling nasambit ko bago ako naglaho.

.............

P.O.V. MAE

Hinanap ko agad si Casper sa buong hospital...

Para na akong mababaliw sa kakahanap lalo na at kinutuban ako ng hindi maganda.... pakiramdam ko parang may mangyayaring masama.

Hanggang sa nakita ko sa dulo ng isang hallway....Mabilis akong tumakbo.

Napansin ko na parang naglalaho sya kaya di ko na nakayanan at napaiyak na ako saka ko sya niyakap ng mahigpit.

"Lord wag muna ngayon hindi pa ako handang mawala sya sa akin" bulong ko sa sarili ko..

Napapikit nalang ako nang maramdaman ko sya na naglaho na.

"I love you Mae" ang huling narinig ko mula sa akin tenga.

Pagmulat ko ng mata ay wala na sya sa harapan ko... hanggang sa marinig ko ang isang may edad nang babaeng umiiyak.

Para nagunaw ang mundo ko....at napakabigat ng mga paa ko humakbang nang makita ko ang iniiyakan ng babae ay walang iba kundi si Casper.

nakita kong tinakpan ng doctor si Casper ng kumot at narinig ko sinabi nya sa staff nya ang time of death.

"Sabi mo di mo pa ako iiwan.... sabi ko sayo iibibigay ko sayo ito ng personal diba" sabi ko habang unti unti ako naglalakad at hawak hawak ang kwintas.

Sinalubong ko ang doctor.

"Doc. please lang po baka pwede nyo pa ulitin kahit isang beses pa... hindi pa sya patay doc" sabi ko sa doctor habang umiiyak.

CASPER MY BOYFRIEND IS A GHOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon