CHAPTER 5

263 6 0
                                    

P.O.V. CASPER

Habang naglalakad ako ay may narinig ako tumawag sa akin na pamiliar ang boses..

"Casper tulong"

Hindi ako pwedeng magkamali kay Mae ang boses na yun.. agad ako nagteleport para mahanap sya at nakita ko sya nakatayo sa sulok at nakita ko ang isang batang babae na  gumagapang paĺpit kay Mae.... tinignan ako nang masama ng multo bago ito naglaho.

Pupuntahan ko na sana sya nang mapansin ko ang painting na kamukha ko.

"Ako ba ito?" magiliw ko itong pinagmasdan.

"Teka pang hindi naman ganyang ang ilong ko ah...pero yung mga labi ko gayang gaya mo" natutuwang sabi ko.

"Hindi ikaw yan at bakit ka ba nandito diba tinulungan na kita makalabas ng hospital" naiinis na sabi nya..

Ang totoo ay naisip ko na baka dahil sa halik nya kaya may kunti ako naalala yung nga lang medyo blued yung mukha... saka wala ako ibang mapupuntahan.

Maya maya pa ay biglang nagising ang mama nya at inutusan na sya matulog nito kaya minabuti ko na muna umalis. pero bago ako nakapaglaho ay hinawakan nya ang mga kamay ko.

"Please dito ka muna natatakot ako sa multong nasa ilalim ko ng kama" pakiusap nya.

Nakita ko sa mata nya na seryoso sya sa pakiusap nya... Pinagbigyan ko ang hiling nya at binantayan ko sya hanggang makatulog.

Nang mapansin ko nang tulog sya ay naisip kong halikan sya dahil sa malamang di na nya ito mamamalayan.

Nagpunta ako sa gilid nang kama kung saan sya nakaharap... dahan dahan kong inilapit ang mga labi ko sa labi nya.... at nang akmang mahahalikan ko na sya.

"Wag wag ka lalapit... multo... maawa ka sa akin....... casper casper asan ka?" mahinang sigaw nya saka  winasiwas ang mga kamay nya...

"Grabe, tulog na nga nanakit pa" mahinang sabi ko dahil tinamaan ako sa mukha ng kamay nya.

Naisip ko baka napapanaginipan nya yung mga multong kinakatakutan nya.... kaya di ko na itinuloy ang balak ko.... bakus ay pinagmasdan ko na lang sya... pero nang makita ko ang mga labi nya ay naatemp na naman ako halikan...

"Ano ka ba Casper...ngayon ka lang ba nakahalik at pati sya pinagpapantasyahan mong halikan?" sabi ko sa sarili ko.

Natawa na rin ako dahil hindi ko alam ang sagot sa tanong ko dahil nga wala ako maalala....

...........
P.O.V. MAE

Napakaganda ng gising ko para bang nakatulog ako nang mahimbing...

"Ahhh!" sigaw ko nang pagmulat ko eh nakita ko ang mukha ni Casper.

Mahimbing itong natutulog sa tabi ko... at dahil sa pagkabigla ko ay nahulog ako sa kama...

"Bakit anu meron bakit ka sumisigaw?" tarantang pumasok si mama sa kwarto.

"Ano po kasi may ano.......may daga..... oo tama may malaking daga ako nakita ma" natarantang sabi ko.

"Naku naman kala ko na kung napano ka....hala bumangon ka na at may pasok ka di ba"

Tumango na lang ako... at nang makaalis na si mama ay saka ko sya binalibag ng unan dahil tinatawanan ako ni Casper... buti nalang at tumagos lang ang unan...

"Ano ginagawa mo sa kama ko.....teka pinagsamantalahan mo ko nung natutulog ako." pinandilatan ko sya saka ako nagtakip ng dibdib.

"Hindi ah... nakatulog lang ako saka wala naman ako makikita dyan" pasimple nya itinuro ng nguso ang dibdib ko.

CASPER MY BOYFRIEND IS A GHOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon