CHAPTER 3.5

11 3 3
                                    

*Nikka's POV*

Hi, ako si Nikka! Ang gbff ni Ica.

At kasalukuyan kaming nandito sa salon matapos ko syang ipamili ng damit at kumain. Alam n'yo napakalate bloomer nyan ni Ica. HARD BA? E kasi naman nagpapakamanhid din na di nya mahal si Sky Lian Torrefiel.

"Ahm, Niks? Are you sure? Sobra-sobra na to?" hays. Eto na naman po sya sa pagiging mapilit nya. (>_<)

"Ica naman, sabi nang treat ko to eh." sabi ko sa kanya.

"P-pero..."

"NEXT..." sigaw ni bakla.

"No buts. Just go okay?" she just nodded.

"Ahm, anong gagawin Ma'am Nik?"

"Hmm... Lagyan mo sya nang sided bangs and itrim mo yung hair then color it with brown." paliwanag ko.

"Sure, Ms. Nik!" sabi nya, well kilala kasi ako dito. Suki ako nitong salon na to eh. ^____^

Habang tinitingnan kong ayusan ni Bakla si Ica. May napansin ako sa mga mata nya. Maybe eagerness? Eagerness na balang araw mamahalin din sya ni Sky.

I pity Ica. Ba't ba sa lahat ng lalakeng makikilala nya eh kay Sky pa sya nahulog? Si Sky naman kasi isang manhid din.

How I wish magwork-out tong plano ko.

Phew.

"Ica, may bibilhin lang ako okay? Babalik din ako agad." sabi ko.

"Ow, okay." sabi nya sabay ngiti.

***

*Ica's POV*

Andito ako ngayon sa salon at winawalangya nitong baklang to ang buhok ko. Oh my virgin hair. Mapapagexperementuhan ka na, T_T /le cries blood./

Pero naisip ko, mahal ko ba talaga si Sky? Sabi kasi ng puso ko OO pero sabi nitong utak ko HINDI.

Naalala ko pa nun sabi sakin ni Mama...

"Anak, tandaan mo na kahit anong mangyari lagi mong susundin ang sinasabi ng utak mo."

Should I give up now? Kahit wala pa akong nauumpisahan?

Simula nung bata pa ko, lahat ng gusto ko hinding-hindi ko makuha. NEVER KONG NAKUHA. Pano ba naman si Mama laging sinasabi sakin.

'Bibilhin mo yan? Eh pagtanda mo di mo na naman magagamit yan. Bumili ka na lang ng libro. Mas mabuti pa.' sabi sakin ni Mama yan nung nagmamakaawa akong bilhan nya ako ng manika.

Ang papa ko naman, laging si Mama ang sinusunod. Lagi syang second the motion.

'Anak, sundin mo na lang ang mama mo. Okay? Next time na lang ibibili kita, ha?'

Pero kahit kailan hindi ko nakuha yung next time nayun. Samantalang si Ate.

'Anak, gusto mo ba yan?' tumango naman si Ate.

'Sige ask your mom ha?'

Tumakbo naman si Ate kay Mama.

'Mom, can I have this please?' sabi nya sabay pakita nung manika. Yung mismong manika na hiniling ko na bilhin nila para sakin.

At laking gulat ko na lang nung binili nila yun para kay Ate.

Hindi ko alam, may galit ba sila sakin? Eversince si Ate na ang priority nila, wala namang sakit si Ate e para tratuhin nila ng ganun.

Siguro eto na rin ang dahilan kung bakit gusto kong magustuhan ako ni Sky. Kasi gusto kong maramdaman ang pakiramdam na makuha ko ang gusto ko. Na kahit papano, worth it ang paghihintay ko sa next time nina Papa dahil si Sky naman ang mapapasakin.

BRIDGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon