CHAPTER 6

10 2 1
                                    

*Ica's POV*

"Alam mo, nagtataka na talaga ako jan sa Sky na yan e. Wala namang katakot-takot na dahilan para iwasan ka nya. Lalo na kahapon. To the point na bitawan nya yung libro at matumba ka para lang maiwasan ka." sabi ni Niks na di pa rin makamove-on sa nangyari kahapon.

Kakatapos lang ng klase namen at dumiretso na kami dito sa Starbucks.

"M-may d-dahilan naman eh. Y-yung nangyari last last meeting namin."paliwanag ko.

"Yon??!! Such a lame excuse,hindi yun big deal para iwasan ka ng ganun. Something's fishy with him 'bes." sabi ni Niks.

"Eh? Pano mo naman nasabi bes?" tanong ko.

"Ah, basta. Teka, shopping tayo? 1 palang naman."

"Ha? E sina Mama?"

"Don't ya worry magpapaalam tayo, So, Tara?"

"Sige."

***

Pagkadating namin sa bahay, agad agad na pumasok si Niks sa gate at tumakbo sa may pintuan para kumatok. Wow, baka itour pa nya ko sa bahay nya ^__^ (*Note the sarcasm -_-)

"Manang Jo! Kaibigan ko po!" sabi ko kay Manang dahil hindi naman nya agad ako nakita nung kumatok si bes.

"Ah pasok po Ma'am. ^_^!" sabi ni Manang at pumasok na nga kami.

"Asan po si Mama?"

"Bakit anak? Oh, may bisita ka pala. Maupo kayo." sabat ni Mama, aba mukhang di busy ha.

Nung makupo na si Mama, agad namang nagsalita si Niks.

"Good afternoon po Tita. Ah, pwede po ba kaming magshopping ni Ica? Itetreat ko lang po sya."

"Sino ka naman?" tanong ni Mama. Bipolar ah.

"Ah bestfriend po ni Ica."

Napatingin naman si Mama sakin at itinaas ang isang kilay.

"Ah, opo Mama, pwede po ba?"

"Ah pwede naman, sa isang kondisyon may kasama dapat kayong lalaki." napansin kong nagiisip pa si Mama. At nakitang may tinatawagan sya.

(Mama calling someone)

"Hello? Iho?"

"Oh, pwede mo bang samahan sina Ica na magshopping?

"Ah, para lang safe.

"Sige punta ka na dito ha?"

"Oo ngayon na."

"Sige salamat Sky,Bye!"

...salamat Sky...

...salamat Sky...

...salamat Sky...

Sinabi ba ni Mamang Sky?

Wait, wh-what?

Napansin ko na sinisiko ako ng katabi ko. At pagtingin ko pinanglalakihan nya ako ng mata.

Ugh, wrong move mama! Ang awkward nun!?!? Psh. -.-

"Ma? Pwede po bang ib---"

"Eh, anak naman. Atleast alam kong ligtas kayo. Okay? Kung ayaw niyo, eh walang aalis."

"Ah, hindi naman po sa ayaw namin--"

"Oh, hindi naman pala eh. ^_^!"

Hay mama! >_<

*tok tok tok*

"Aba, ang bilis ah."

Seriously Mama? Kabilang street lang sila Sky eh.

BRIDGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon