CHAPTER 5

12 2 0
                                    

*Niks POV*

"Oy babae!" tawag ko kay Ica.

Ilang beses ko na syang tinatawag pero wala pa rin. WINDANG for short.

"Ica naman,wag ka ngang ganyan." sabi ko sa kanya. Nasa canteen kami ngayon. Ako gising sya tulala.

"Ica! Hindi ka lang pinapansin ni Sky nagkakaganyan ka na?" inis na sabi ko sa kanya.

"Ha? Asan? Asan si Sky?"Okay, paranoid bes. -.-

"Wala! Teka magusap nga tayo ng maayos wag kang maano dyan, Babatukan kita."

"Hindi ko na kaya..." bulong nya na rinig ko naman.

"Pano? Panong hindi eh wala ka pa ngang nagagawa para mapatunayang mahal mo sya." sabi ko.

"Pano? Eh, una hindi nya ko pinanpansin, pangalawa hindi nya ko pinapansin, pangatlo hindi nya ko pinapansin at pangapat hindi nya ko pinapansin. Pano ko magagawa yung sinasabi mo?"

"Ewan ko sa'yo Jessica Naira Amorillio. Yan, ang payat payat mo na, wala ka bang balak kainin yang pagkain dyan sa harapan mo?"

"Wala akong gana." sabi nya. Hays ang arte.

"Te? Magdadalawang linggong walang gana? Papakamatay ka?" medyo inis na tanong ko kaya naman nakatanggap ako ng death glare. Pero kumain na din naman sya.

Dalawang linggo syang ganyan, KAMING GANYAN. Sinusundo ko pa yan sa bahay nila para makasiguradong papasok at hindi sya magpapakamatay. Ehem, Pero seriously, lagi syang tulala... Mapahiya ba naman...

Ewan ko kung anong nangyari kay Sky, Iniiwasan nya si Ica. Yung tipong may gustong sabihin pero hindi kayang sabihin. Aish basta ganun.

[FLASHBACK]

Andito ako ngayon sa likod ng halaman at nageespiya. Ang kati na nga eh. Patusok tusok kasi yung dahon, psh. Whatevs. I need to spy the LIRA COUPLE. [LIAN AND NAIRA] (second names nila.)

"Sky!" "Teka! Uy pansinin mo naman ako oh." sigaw ni Ica. Nakakahiya nga sya eh, nasa grounds lang naman sya at nagsisigaw habang ang hinahabol nya malapit na sa gate palabas ng school.

"Sky, teka kau-ARAY!" boom tanga! Psh. Hays. Nadapa ang loka. Nasa harap na nya yung bato eh hindi pa nakita. Minsan nga dadalhin ko to sa Eye clinic. Psh. -.-

Si Sky naman napalingon sa nahimigang pagdaing ng isang matalik na kaibigan. lewls, ang lalim. ¤_¤

*Forward, backward, forward, backward, backward, kamot sa batok, pout , talikod, alis.* yan lang ang ginawa nya. Psh, babatukan ko yun eh, ano bang problema nya?

Si Jessica naman, pinagtitinginan na nagawa pang umupo at umiyak. Sama ko no? Chos. Tutulungan ko yan no. Eto na nga papunta na.

"Ica..." tawag ko sa kanya.. Pagangat nya ng ulo nya para namang nadurog yung puso ko sa nakita ko. Luhaang kaibigan na nagawa ko pang tawanan kanikanina lang. Hays. Sorry naman.

Nilapitan ko sya at itinayo, Nakita ko ang sugat sa tuhod nya since medyo napataas ang palda nya nung nadapa kaya nasugatan. May gasgas ang siko, puro alikabok ang kamay.

Ngayon, ngayon nya kailangan ng kaibigan...

[End of FLASHBACK]

Napatingin naman ako sa kanya nung narinig ko ang kalansing ng kubyertos nya, senyales na tapos na sya. Nakahinga ako ng malalim at lihim na napangiti. Sa wakas kumain na din sya.

"Ano tara na?" aya ko sakanya at ngumiti. Tumango naman sya bilang sagot.

"Salamat Niks." sabi nya sakin nung makalabas ng canteen, ako naman ngayon ang tumango bilang sagot.

"You made me realize one thing Niks, and that is Never give up on something 'someone' that you love." sabi nya at niyakap ako. Tinap ko lang ang likod nya. I'm proud of her she's strong. Gusto nya naman ngayong ipaglaban ang nararamdaman nya at hindi basta basta ipaubaya ito sa Ate nya.

"Alam mo, hindi talaga dapat sumusuko ang tao pagdating sa pagmamahal kasi yun ay isang espesyal na parte ng pagiging tao." sabi ko sa kanya.

"Bakit ang dami mong alam? Tungkol sa bagay na yun? May experience ka na ba?" tanong nya.

Napatawa ako at umiling.

"Wala, sinasabi ko lang kung anong nandito *points my brain* at dito *points my heart*."

"Sus, me ganun ka pang nalalaman. HAHAHA!" Sa wakas napatawa ko rin sya. ^__^!

"Eh ano nga bang plano mo Jessica? Pano pag hindi ka pala mahal ni Sky?"

"Mahal niya ko... Alam ko... Kahit kaibigan lang..." sabi nya.

Wala na kong nasabi pa at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

Grabe ang nabibigay na hope ng pagibig... Ang tindi!

Papunta na kami sa library, research na lang kasi ang gagawin namin para sa last subject. Pahirap na mga teachers yan e, ayaw pang magturo na lang. Psh =_=!

"Anong book number non Niks?" tanong ni Ica. Inparness di na sya tulala. Baka nakapagisip isip na. Psh, dapat lang. Dalawang linggo na syang windang. Aba, nahihirapan din ako no--!

"Niks!Oy!"

"Ay!Sorry naman, ano yon ulit?"

"Anong book number?"

"3." sabi ko.

"Ah sige."

Napatingin ako sa libro na kukunin ni Ica, dahil sa kabilang side ng bookshelf may humihila din.

Eh? Ngayon naghihilahan na sila.

"Oy, ako nauna dito!" mahinang sabi ni Ica.

"Anong ikaw? Ako kaya!" sabi nung lalaki, kasabay ng paghawi ng ibang libro.

S-sky...

"Sky?" sabi ni Ica.

"Ah, una na ko." sabi ni Sky sabay bitaw dun sa libro na muntik ng ikatumba ni Ica. Buti na lang nahawakan ko sya.

"Sky..." bulong ni Ica, at bumuntong hininga.

***

*Sky's POV*

Pang ilang beses ko na ba syang iniiwasan? Hindi ko din alam...

Gustong gusto ko na syang kausapin ang kaso hindi ko kaya.

Hindi ako galit sa kanya, hindi din ito dahil sa last meeting namin.

Hindi ko alam kung pano sya iaaproach, Kung pano ko sya hihingan ng tulong. Phew.

As far as I know, ako pa ang nagsabi sa kanya na hindi pwedeng hindi magpansinan sa isang araw. Tapos eto ako ngayon. Psh.

Pakibatukan nga ako!?!?

Ay, wag na lang pala...

Siguro galit kayo sakin no?

Lintek na author to, ngayon lang ako binigyan ng POV.

Ako nga pala si Sky Lian Torrefiel. Childhood Bestfriend ni Jessica. Til now na may crush sa Ate nya. Eh? Magkamukha lang naman sila...

18 na ako, at accountancy rin ang course pero di kami magkaklase ni Jessica.

Sa totoo lang, may crush talaga ko kay Espren. Pero naisip ko, mas mahalaga ang friendship namin. Tsaka nung nakita ko yung Ate nya parang nalove at first sight ako.

Nung mga nakaraang araw napansin ko ang pagbabago sa pananamit nya. At mas lalo akong nagandahan sa kanya. Pero hindi nagbago ang pagtibok ng puso ko para sa Ate nya.

At hanggang ngayon palaisipan pa rin sakin kung pano ko sasabihin sa kanya na tulungan nya akong manligaw sa Ate nya.

Weird? Ayaw ko lang maging komplikado ang lahat.

***

[A/N: Okay lang po ba ang mga ud's? Binago ko po Guys. Please comment. And vote, recommend to other readers. Please? Thanks po. Comment suggestions, magdededicate din po ako. Thanks.]

BRIDGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon