CHAPTER 7

35 1 1
                                    

*Ica's POV*

Wala na kaming nagawa kundi umikot ng umikot dito sa mall. Buti nga't di pa kami nahihilo. Lels.

Pero seriously, ang sakit sakit na netong paa ko at medyo nahihilo na ako. Eh eto namang katabi ko nasarapan yatang makasama ako. LOL.  XD Ano ba naman ito, nagagawa ko pang lumandi sa kalagitnaan ng awkwardness na ituu. Alam nyo bang pwede nang gawaran ng pamahalaan itong si Sky bilang pinakawalang kwentang kasama sa Mall. Ni wala ngang nagsasalita samin eh. nagpapakiramdaman ba ganun.

Hindi naman kami ganito ah. Bakit ba umabot sa pagiging ganito? Sa pagkakaalam ko wala naman akong nagawang masamang masama para tratuhin nya ako ng ganito. Minsan nakakapagpaisip din, may problema ba? Sakin o sa kanya? Pero leche naman, kung may problema pwede namang pagusapan ah. Hindi yung umaabot sa ganitong sitwasyon. Kung siya hindi nahihirapan pwes ako hirap na hirap na. Kasi naman sya yung bestfriend ko tapos ang cold ng treatment nya sakin, although andyan si bes Niks eh kulang pa rin. Kasi nasanay akong dalawa sila, dalawa silang andyan para sakin handang tumulong  kung kaylangan. Kaso hindi at eto ang cold ni Sky. "Leche".

Parang andrama ko yata masyado.Lels. Jk. Lang. Nahihirapan na lang talaga ako. "Leche talaga."

Teka asan na ba kami? Psh, kabilang side ng mall. Nakailang balik na ba kami rito. Well, I can't count it, maybe my fingers and my toes are not enough. I'm not being exag. guys. Ganyan ang nagagawa ng mga taong nakakaranas ng awkwardness sa kasama, Nakakalibot ng paulit ulit.Lam na?

Well, di ko rin naman masisi si Bes'Niks kasi si Tita (Mama niya) na mismo ang tumawag sakanya. Alam ko naman na hindi ako iiwan ni bes sa ganung sitwasyon kung hindi sya alanganin. Pero naiintindihan ko naman.

Nakita ko sa peripheral view ko si Sky na nakatingin sakin kaya dali-dali akong tumingin sa kanya with BORED-LOOK. Dahil sa totoo lang? Nakakabore. >_______< Hello Sky! Mahalata mo man lang na pagod na pagod na ako at dinadaan ko na lang sa pagkekwento sa mga readers ko ang pagkainis ko sa'yo. Hays. "Leche ka" Sky. =_____=

***

*Sky's POV*

Napatingin ako kay Ica, dahil kanina pa sya sabi ng sabi ng Leche. Well, baka napapagod na sya. Sorry naman ang hirap lang niya iapproach. Pagkatingin ko sa kanya eh napatingin din sya sakin with a bored look.  With matching 'leche ka'.

'Hala ka Sky, anong ginawa mo?"

Aish, konsensya naman. Tigilan mo nga ako.

'Tanga! Ikaw mismo kumakausap sa sarili mo. At saka anong sinasabi mong mahirap iapproach si Ica?'

Totoo naman e, nahihirapan ako.

'Ay tanga talaga. Ang sabihin mo duwag ka lang dahil alam mo sa sarili mong dapat ng simulan.'

Yun nga e, di ko kaya.

'O diba? Hindi talaga sya mahirap iaproach ikaw lang ang may problema.'

Oy hindi totoo yan!

'Napakatanga mo talaga! Kakasabi mo lang kaya.'

Ah ganun ba? E, kanina mo pa kong tinatangang bwiset ka ah.

'Tanga ka kasi talaga. Aminin mo na lang.'

Umalis ka nga.

'Sige try mo tanggalin yung utak mo sayo!'

Psh.

Hay sa wakas tumigil na sya. Pero kailangan ko na ba talagang simulan? Teka ano pa bang ikinababahala ko? Eh, wala naman syang nararamdaman para sakin. Yea, tama yan Sky. Naging crush mo lang naman si Ica diba? Pero mahal mo si Jem. Pero deep inside nasasaktan ako, Sa hindi malamang kadahilanan. Psh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BRIDGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon