Hapon na nang maisipan ni Shannon na maghanda na ng makakain dahil nagugutom na rin siya. Tinungo niya ang kusina at hinanda ang mga kakailanganin sa pagluluto. Abala siya sa paghihiwa ng mga rekado nang marinig ang katok sa labas ng pinto niya. Takang napa silip siya sa pinto, wala siyang inaasahang bisita ngayon dahil madalang dumalaw ang ate niyang ganap ng doctor at nagtratrabaho sa General Philippines Hospital dito sa maynila at kung ang ama at kapatid naman niyang bunso ang dadalaw ay pinapaalam muna ito na darating sila dahil sa araw ay wala siya sa condo at laging nasa opisina o kung minsan ay nasa PAO. Kahit nagtataka ay lumapit siya sa pinto at tinignan sa pipole kung sino ang kumatok. Nagtatakang wala siyang makita sa labas ng condo,tuluyan niyang binuksan ang pinto saka nagpalingalinga sa high way ng condo niya ngunit wala siyang makitang tao room.
Tatalikod na sana siya nang mahagilap ng mga mata ang isang punpon na bulaklak sa sahig. Nahihiwagan siyang kinuha iyon at may nakasilid pang card.
"Sino naman kaya ang nagbigay ng bulaklak? Tanong niya sa sarili habang binubuklat ang card.Ganon na lamang ang pagkabigla niya ng mabasa ang nakasulat sa card, nagsisimula naring mamasa ang palad niya na nakahawak sa bulaklak at card.
" Death will come to you BITCH ". Ito ang naka sulat sa card na ikinagulat niya. Sa oras na iyon ay wala siyang maisip kung sino ang nagpadala ng bulaklak at sulat na naglalaman nang pagbabanta sa buhay niya. Saka lang pumasok sa isip niya ang nabanggang Negosyanteng Chinese na si Ray Chua, kinasuhan ito ng isang menor de edad na babae sa kasong rape at pagmamalabis, dahil sa awa sa dalaga at pagka feminist niya na ayaw niyang may inaapi na babae ay siya ang humawak sa kaso at ang kasong hinawakan niya ay naipanalo niya sa korte at napatunayan rin niya na isa itong drug lord kaya sigurado siyang may galit ito sa kanya. "Ngunit nakakulong na ito." Sabi niya sa isip.
Mula sa kinatatayuan ay muli siyang nagpalingalinga sakaling makita kung sino man ang nang-iwan ng bulaklak at sulat. Tuluyan na nga siyang pumasok sa loob ng condo kahit pa naguguluhan sa nangyari at nagsisimulang kabahan. "Kung sino man ang taong iyon kailangan niyang alamin."
Alas-syete palang ng lunes ay pumasok na siya sa Law Firm na pinagtratrabahuan niya,kahapon ay hindi siya mapakali sa natanggap na threat kaya minabuti niyang pumasok ng maaga upang kahit papaano ay mawala sa isip niya ang nangyaring pagbabanta sa buhay niya.
She was busy in her table when someone interrupting her,nag-angat siya ng ulo saka bumaling sa kaibigan na si attorney Mildred Velasco kumaway ito sa kanya at bumati.
"Ang aga natin ngayon ha!sabi nito nang tuluyan makalapit sa kanya.
" yeah, may tinatapos lang". Sagot niya habang binabalik ang atensyon sa pagbabasa.
Akala niya ay nakaalis na ang kaibigang attorney ngunit nasa harapan parin niya ito habang sinusuri siya."Well attorney Villegas, really? Nag-uusisang tanong nito.
" What?
"I smell something."
Natawa na siya sa kaibigan,si attorney Mildred ang syang kaunaunahang naging kaibigan niya mula nang magtrabaho siya bilang lawyer sa film na ito at sila lang dalawa ang close sa opisina dahil may kanya kanyang mundo ang iba pang lawyer na kasama nila,sabi nga "you can't please everybody."
Nature na nito mangkulit at mag-usisa kaya siguro law ang kinuhang propesyon."Ano naman iyon ha! Alam mo ang kulit mo buntis kaba? Biro niya dito upang ibahin ang usapan dahil hindi ito titigil.
" Alam mo attorney Villegas hindi ako buntis dahil hiwalay na kami ng hinayupak na lalaking iyon isang buwan na ang nakakalipas". Halata sa boses nitong naiinis kapag binabanggit ang dating nobyo na ang tinutukoy ay si Fred.
Hindi na lang siya umimik,ayaw niyang sabihin sa kaibigan na nakakatanggap siya ng threat. Gusto niya munang iconfirm kung sino ang taong nagbabanta sa buhay niya.
"Alam mo attorney Velasco pumunta kana nga sa table mo at baka madatnan pa tayo ni judge Troy at sabihing ke-aga aga nagtsitsismisan tayo."
"Oo na po sus, kamusta date nyo ni judge Troy? Birit nito habang Tatawa tawang pumunta sa sariling table.
" Tse! Nasabi na lamang niya rito.
Wala pang kalahating oras nang tawagin siya ng guard mula sa opisina, sinalubong niya ang nag-aalalang mukha nito.
"Attorney, kailangan po ninyong bumaba sa parking area""Bakit?What happened? Hindi niya na pigilang kabahan.
" Kasi attorney yung kotse nyo wasak po ang harapan at-. Hindi na niya pinatapos ito dahil binalot na siya ng kaba.
Dali daling tinungo niya ang elevator ,dinig niya ang pagtawag sa kanya ni Mildred at pag-usisa ng iba pa niyang kasamahan sa opisina.
Nang makarating sa parking lot ay nanlulumong napatingin siya sa wasak na harapan ng kotse niya at mas nadagdagan ang kaba niya nang makitang may nakasulat sa gilid ng kotse."Rest in peace attorney Villegas." Ito ang nakasulat at may naka ukit pang pulang X.
"What happened ? Dinig niyang sabi ni Mildred na nakasunod pala sa kanyang likuran saka dumako ang mga mata sa kotse niya.
" What the hell! Gulat nitong sabi at narinig din niyang napasinghap ang ibang kasamahan niya na sumunod rin sa kanya.Mariin niyang naikuyom ang mga kamay at mahigpit ang pagkakuyom sa skirt upang doon kumuha ng lakas.
BINABASA MO ANG
Unforgettable Night With Mr Governor
Romance(R-18) This story contains mature scene Shannon Villegas was a tigress lawyer inside the court, lalo na sa mga taong mapagsamantala sa kapwa tao. Minsan natalo niya sa korte ang maimpluwensyang tao sa lipunan na syang drug lord slash rapist, dahil s...