CHAPTER 1

1 0 0
                                    

Chapter one

George POV

*krinnnnnggggg... kringggggggg... kringggggg

Ugh! Ang aga aga tawag ng tawag, sarap pa ng tulog ko e. Si Nicolas na naman to.

Pagdiat ng mata ko, hindi nga ako nagkamali.

Calling... Nicolas

Phone conversation

"Hello"
"Preeeee!!! Ano na? Gimising kana dyan, anong petsa na oh! May practice pa tayo. Umayos ka naman, para di ka mapagalitan kay coach. Hindi ka na naman ginising ni yaya mameng. Tsk! Tsk! Ano pupunta ka ba?" Oh! Kulit diba? Dinaig pa niya nanay ko.

Hindi nga ako nagpagising para mahaba tulog ko tapos siya naman pala manggugulo ng tulog ko. Hayyy!

"OO!"

*toot toot toot toot

Binabaan ko na para di na makadakdak pa.

Ako nga pala si Geoge Alexander Montemayor. Oo, MONTEMAYOR. Nagiisang anak ng Congressman, at nagiisa ding namumuhay sa napakalaking bahay na tanging yaya lang ang nag-aalaga sakin. Lahat ng gusto ko nasusunod. Nag-iisang anak e. Nag-aaral ako sa Bringstone University, varsity player ng basketball. Ayaw ko mang sabihin pero MVP ako sa school at gwapo syempre. Habulin ng chicks pero mas focused ako sa pag-aaral. Hanep diba? Yung kaninang maingay? Oo, best friend ko yun. Partners in business yung fathers namen. Den yun palagi kaming magkasama, halos siya na kasama ko lumaki. Kaya ayun hanggang ngayon magkaibigan parin kame.

Pagpasok ko sa gym, sermon kagad na coach ang bungad sakin.

"Yes, Mr. Montemayor. Ang ating MVP." sabi niya at may pa'clap pa ah.
"You're late again, di kaba nahihiya sakanila? Look! Pagod na pagod na sila while you are still in bed sleeping."
"Nandito na ko so what's the point?" Sabi ko, napangisi nalang ako.

Iniwan ko na siya at nagstart na magwarm up.

"Bastos ka talaga! Kausap pa kita!"

....

After ng training, lumapit saken si Nicolas. May kailangan na naman to, papalibre siguro ng Mcdo.

"Pre!" Sabu niya.
"Ano?"
"Sungit ah. May regla ka?"

Aba talagang! Napakakulit.

"Pre naman, kanina ka pa e, ginising mo ko e kakatulog ko lang nun tas ngayon mangungulit ka na naman."
"Ito naman ohhh, may sasabihin lang naman ako e, di naman ako papalibre sa Mcdo, may pera ako ngayon binigyan ako ni daddy."

Hay nako daming satsat.

"Ano ba kasi yun?"
"Pre sasali akong fraternity, sama ka?"
"Dude, alam ba yan ni tita Amy? Baka ano mangyare sayo ah."
"Wag mo na ipaalam sakanya, alam mo namang praning yon eh. Sabi naman nila walang gagawing karumal dumal sakin kaya ayos lang, ano sama ka?"
"Pre, ipapahinga ko nalang, bago ako sumali sa mga ganyan. Sige bahala ka na sa buhay mo!"

Umalis ako at iniwan siya. Bago ako makalabas ng gym, hinabol niya ko.

"Pre sumali kana, iiwan mo ba ko sa part na to?"
"Pre, mag-aaral pa ko tsaka nakakapagod maglaro. Wala din naman sa isip ko yang mga ganyan e."
"Pre, bading ka ba?"

Inambahan ko siya, bading ako? Sa gwapo kong to? Magiging bakla ako? Although rineresto ko yung mga bading, pero ako? Tinatanong ako nitong mokong nato kung bading ako e samantalang siya na kasama ko lumaki, dahil lang sa ayaw kong sumali sa frat? Aba't masasapak ko talaga to.

"Pre, easyhan mo lang."
"Umalis ka na kung ayaw mo masaktan. Uuwi nako. Ingat ka."
"Pre, kung yan talaga desisyon mo mukhang ako lang talaga mag-isa papasok dun. Di ko ini'expect to kala ko sasali ka din."

Nangunsensiya pa ang mokong.

"Tumigil ka nga sa drama mo, hindi mo ko makukunsensya!"

Tuluyan ko na siyang iniwan. Sobrang antok nako at gutom. Haaaayyyy!! Habang naglalakad papuntang parking, may nakita ako sa may tabi ng poste, dalawang tao magkausap, mukhang seryosohan. Napatigil ako kase yung prof namin yun sa Practical Research yun. Si Professor Madrid. Bigla siyang napalingon sa direksyon ko at umalis bigla yung kasama niya. Ang weird ha? Mukhang gangster yung lalaki e.

Lumapit sakin si Prof.

"Mr. Montemayor why are you here?" Bungad niya.
"Ahh sir, pauwi na sana ako from training kaso nakita ko kayo, I was concerned about you kase mukhang gangster yung lalakeng kausap mo e. May ginawa ba siyang masama sayo ma'am?"
"Ohhh... that? Wala, we're just talking about something. Kapitbahay ko yun e and hindi siya gangster, ganun lang talaga siya. Hehe."

Ang cute ni ma'am tumawa, parang angel na nahulog mula sa langit.

"Ahh ganun ba? Ahhm sige ma'am uwi nako."
"Sige. Bye."

Iniwan ko na siya dun, isa na ata yun sa pinakamabait kong prof sa semister na'to. Ang bait sakin e, kahit na pasaway ako sa klase niya. Hahahahahaha gwapo ko kase.

Pagtingin ko sa side mirror upang tingnan siya, bigla na lang siyang nawala within 2 seconds, tumigil ako at hinanap siya. Wala talaga. Kahit na mala'anghel yun mysterious yung pagkatao niya sa lahat.

THE FRATERNITY LEADERWhere stories live. Discover now