CHAPTER 2

0 0 0
                                    

Chapter 2

Nicolas POV

Mag-isa ako ngayon, pupunta sa initiation ng fraternity. Ayaw kase sumali ni George e, dati naman sinasamahan niya ko sa lahat ng bagay, pero ngayon, hindi na. Hayyysss bakit kaya? May nalaman laman pa siyang mag-aaral muna na excuse.

Nandito na ko sa usapang lugar ng initiation, 10 pm na tingin ko may tao na sa loob. Marami kaming new recruits sa frat. At sabay sabay kame ngayon. Kinakabahan nga ako kase first time ko'to. Inaya lang ako ng mga kaklase ko kaya ito napasali ako, mukhang masaya daw to e. Less harm naman daw kase may protector ka pag nasali ka sakanila, at lalo akong sisikat pag ganun.

"Lahat! Umayos ng pila at pumasok ng tahimik!" Sabi nung lalaking lumabas sa gate.

Sumunod naman lahat, pag pasok na pag pasok ko. Wala akong ibang makita kundi yung sign ng ahas na nakapulupot sa bungo na nakadikit sa pader yung unang na notice ko. Pano di mo mano'notice e pagkalaki laki sa pader. Pagtingin ko sa right side yung mga members nandun na, nakasuot ng parang coat silang lahat. Tapos sa left may tatlong tao dun tapos yung isa nakaupo sa gitna nila, siguro siya yung leader, nakatakip yung mukha niya ng mask, smiley face lang yung emoticon. Then nakatingin siya sa mga newbies. Sobrang creepy niya tingnan. Ang bangit pa samen, hindi daw siya kilala sa grupo, iilang tao lang ang nakakakilala sa totoong personality niya, kaya sobrang mysterious ng identity niya. Ayaw daw niya magpakilala, at isa sa mga strict rules yon.

Pagkatapos ng pagtawag sa pangalan namen, binlind fold kame. Syempre wala nakong makikita. Tumahimik ng mga 10 segundo ng biglang may pumalo sa binti ko.

"Ahhhhhhhh!!!" Napasigaw ako sa sobrang sakit.
"TAYOOO!!" Sigaw ng isang lalaki sakin.

Tumayo ako at pinagpatuloy nika yung ginagawa nila. Unti-unti nakong nanghihina, hanggang sa mapaluhod nako. Hindi ko na maramdaman nga binti ko. Parang basag na mga buto ko sa sobrang pagkakapalo.

Hindi ko na kaya....

....

George POV

Nagkaklase na ng napansin kong wala si Nicolas at di pa tumatawag sakin. Bakit kaya walang pasabi yun? Dati tatawag pa sakin yun para magpasundo sa bahay nika pero ngayon wala.

*phone vibrates

Message from Tita Amy

Bakit kaya biglang napatext si tita? Baka hindi na naman umiwi si Nicolas neto at sakin na naman hahanapon, naku batang yon talaga kahit kelan. Binuksan ko yung message ni tita.

***

From: Tita Amy

Anak George, nasa hospital si Nicolas, pero bugbog. Ano bang nangyari sakanya at nagkaganto siya? Sagutin mo naman ako oh. Hindi ko alam ang gagawin ko.

***

THE FRATERNITY LEADERWhere stories live. Discover now