°
°
°
------------------------------------------------------------------
°
°
°
Dear Diary my Friend,
°
°
°
°
Ang problema hindi pinagtataguan, dapat hinaharap at ginagawan ng solusyon kaya ayun ini-0n na ni Luigi yung cp ko at kakausapin na kung sino man ang tatawag. Hindi naman pwedeng magtatago na lang kami palagi.
First caller, si 'boss' . . . . . madami syang sinasabi pero di ko naman magets dahil si Luigi ang may hawak ng cp. Pero ang sagot lang ni Luigi kay boss ganito ==> "diba kayo ho ang may sabi na wag gawing komplikado ang mga simpleng bagay, kaya eto. Sa totoo lang kayo lang naman ang nagpapa kumplikado eh, wala naman kaming ginagawang masama bakit kelangan pang umabot sa ganun".
°
°
°
Ang sumunod na tumawag ay yung lolo ko diary my friend (father ni nanay). Sinabi nyang nakapag usap na sila ng mga magulang ko at okey na daw ang lahat. Magtiwala daw ako sa kanya, hindi naman daw papayag si ama na paghiwalayin pa kami. Ang sinagot ko lang kay ama ay ==> "sige po sasabihin ko sa kanya, salamat po"
°
°
°
Then kinausap din ako ni tatay, diary my friend alam kong umiiyak sya ng mga oras na yun. Ang bigat ng pakiramdam ko, pano ko nga ba nagawang saktan ang mga magulang ko? Pero pinigilan ko talagang mapaiyak habang kausap ko sya, basta nanhingi lang kami ng tawad sa isa't isa.
°
°
°
T____T nung nag end yung tawag saka ko inilabas yung luhang pinipigil ko kanina, ang sakit pala pag alam m0ng nasaktan yung mga mahal mo ng dahil sayo. Sana lang pagdating ng araw marealize din nila na tama yung naging desisyon ko at sana lang talaga wala akong pagsisihan.
°
°
°
Akala ko last na si tatay sa tatawag pero humabol pa ang nanay. Sinabi nya na umuwi na daw kami bukas at dun na mananghalian sa bahay. Tinan0ng din nya ko kung may nangyari na daw ba sa amin ni Luigi, nung sinabi kong "kagabi lang" . . . . . buntong hininga lang ang narinig ko mula sa kabilang linya.
°
°
°
Alam mo diary my friend habang nagkukwento ako sayo, medyo um0key na ang pakiramdam ko. Para bang nawala yung mabigat na dinadala ko at para bang nabunutan ako ng malaking tinik. Wala na akong dapat itago, hindi na namin kelangan pang magsinungaling.
Sa wakas, LEGAL na din kami ni Luigi :D
°
°
°
°
^_________^
MIYUKI
°
°
°
-----------------------------------------------------------------
°
°
BINABASA MO ANG
^I Found her Lost DIARY^ (2nd Part - COMPLETED)
Romanceeto po ang 2nd half ng IFLD First Part . . . . read nyo din po ito para di kayo mabitin :)) Again, real life story po ito. Enjoy reading ^__^