°
°
°
°
°
-------------------------------------------------------------------
+Bonus Entry+
°
°
°
°
°
°
Hey its me MIYUKI ^_- . . . . . . 2 years na kaming kasal ni Luigi at one year & half na si baby Shanks namin :D . Hindi perfect ang relationship naming dalawa, sa totoo nga lang di naman natatapos ang buong linggo na hindi kami nagkakatampuhan ; pero syempre nagkakabati din naman kami agad agad.
°
°
°
°
Alam nyo ba madaming humusga saken matapos kong magpakasal sa edad na 18, may nagsabing nasa loob daw ang kulo ko, may iba naman na nagsabing tanga daw pala ako pagdating sa pag-ibig etcetera, etcetera . . . . . pero hindi ko sila pinansin, para san pa? ang mahalaga naman eh masaya ako sa naging desisyon ko. Bakit pa ko magpapa-apekto sa sinasabi nila, kung wala naman talaga silang alam sa totoong nangyari diba?
°
°
°
°
At tulad din ng ibang mag-asawa, hindi din ako close sa byenan ko at ganun din naman si Luigi sa mga magulang ko. Pero hindi ko na lang yun masyado pinansin kasi sa panahon ngayon natural lang naman yata yun :)) at saka ang mahalaga naman magkasundo at nagkakaintindihan kaming mag-asawa.
°
°
°
°
Proud ako kay Luigi kasi alam nyo napaka-responsable nya talaga. Sa edad na 18, binubuhay nya kaming mag ina sa sariling sikap nya. Hindi kami humihingi ng tulong sa mga magulang nya o kahit sa mga magulang ko, tumatayo talaga kami sa sarili naming mga paa. Pinaninindigan talaga namin ang aming binuong pamilya.
°
°
°
°
Sa ngayon, wala naman akong pinagsisisihan sa naging desisyon ko nuon. Masasabi kong masaya at kuntento ko sa buhay namin ngayon.
Hindi man ako nakatapos ng pag-aaral at wala man akong diplomang pinanghahawakan. . . . .alam ko naman na sa puso at isip ng mag-ama ko, ako ang nag-iisang "MAMA CUMLAUDE"
°
°
°
°
°
°
==> part.2
**
BINABASA MO ANG
^I Found her Lost DIARY^ (2nd Part - COMPLETED)
Romanceeto po ang 2nd half ng IFLD First Part . . . . read nyo din po ito para di kayo mabitin :)) Again, real life story po ito. Enjoy reading ^__^