"Hoy, nakatulala ka naman riyan?"
Napaigtad si Yuna sa boses ng kanyang amo na si Ian.
"Ho?" gulat niyang sambit. Dagli niyang pinagpatuloy ang nakasalang na pork barbecue sa grill na nasa harap ng eatery slash school supplies store na pinagtatrabahuan.
"lagi ka na lang nakatitig sa harap. May crush ka ba'ng estudyante riyan?" Inginuso nito ang isa sa mga backgates ng Merchantmen University. Doon pumapasok ang mga mamahaling sasakyan ng mga estudyante ng naturang ekslusibong eskwelahan. Pinakamalaki at pinakasikat iyon sa kapitolyo, at maging sa lalawigan nila Yuna. Itinanag iyon ng mga negosyante, politiko at malalaking tao sa kanilang probinsya bago pa ang World War 1. Pawang mga anak, o malapit na kamag-anak ng mga kinikilalang business men ang nagsisipag-aral doon. Matatag at prestihiyoso ang naturang institusyon.
"Wala ano," aniya. Mataas ang pader ng eskwelahan pero kita mula roon ang second floor students' hall kung saan madalas tumatambay ang mga estudyante habang hinihintay ang klase o sundo kapag oras ng uwian.
"Eh ba't ka nakatulala riyan?" Sampung taon ang itinanda ni Ian kay Yuna pero bata pa rin itong tingnan at umasta. Parang kapatid kung ituring nito silang mga empleyado doon, kahit siya na isang buwan pa lang namamasukan roon.
"Wala, na-realize ko lang pasukan na naman."
"Makakaipon ka rin, huwag ka'ng mawalan ng pag-asa," tinapik ni Ian ang likod ni Yuna.
Alam nito ang kwento niya. Nagkasakit ang lola niya at naubos ang pera ng kanyang ama sa pagpapagamot rito. Tuloy ay naudlot ang pangalawang taon ni Yuna sa state university. Kung tutuusin, hindi naman Education ang unang choice niya bilang karera. Walang mababa sa pagiging teacher, katunayan ay hanga siya sa mga ito. Pero hindi iyon ang pangarap ni Yuna. Gusto niyang magpakadalubhasa sa mundo ng negosyo. Bata pa siya ay magaling na siya sa numero at pangangalakal. Kung anu-anong raket ang pinapasukan niya para pandagdag sa baon at pambili ng school projects--nagtitindi siya ng yema at kendi sa school, banana cue at camote cue naman na inilalako niya sa mga drayber sa terminal ng bus at traysikel sa palengke tuwing weekend. Alam ni Yuna na pagnenegosyo ang pinakamabilis na daan patungo sa pag-angat. Kung simpleng empleyado lamang siya, maaring guminhawa nga ang buhay niya, pero habambuhay siyang maninilbihan para sa kakarampot na pasweldo ng gobyerno.
Ang problema, kursong Education lang ang afford ng kanyang ama. Swerte kasing nakakuha siya ng full tuition scholarship mula sa state U. Allowance, libro at mga projects na lang ang sagutin ng mga magulang. Pero sa katulad nilang isang kahig isang tuka, malaking bagay pa rin iyon. At ang di inaasahang pagkakasakit ni Lola Femia ang dahilan kung bakit siya napahinto. Pero imbes na magmukmok, minabuti na lamang niyang maghanap ng trabaho pansamantala. At dito nga siya sa Ian's Place napadpad mula na rin sa pagrerekomenda ng dating kaklase sa kolehiyo.
"Kelan pa?" Ayaw niya sanang magreklamo rito pero di niya mapigilan ang sarili. "Baka mas matanda na ako sa mga professors ko bago ako makaipon ng sapat na halaga para makapag-enrol ulit."
Natawa si Ian. "Huwag ka'ng nega. Actually, kung totoo man 'yan, ano naman ang masama? Diba nga iyong nakapasa sa BAR nitong huling taon, halos sitenta na? Eh retirement age na iyon ng mga huwes sa Supreme Court eh. Pero hindi niya inisip iyon. Sabi niya, pangarap niya iyon kaya ginawa niya kahit matanda na siya nang makamit iyon. Kaya dapat ganyan ka rin. Ang bata-bata mo pa o. Eighteen ka lang diba? Huwag ka'ng susuko."
Napangiti si Yuna nang bahagya. Totoo namang nakaka-encourage ang sinabi ni Ian.
"Nakakainggit ang mga anak-mayaman noh?" Sabad ni Effie, na isa sa mga kasamahan niya sa trabaho. "Hatid-sundo ng mga magagarang sasakyan, hindi pinoproblema ang baon o pang-matrikula. Ang sarap sigurong mag-aral kung hindi mo pinu-problema ang pera."
"Isa ka pa. Lagi ka ring nakatulala dito eh," tukso pa ni Ian. Sinasalansan nito ang mga cases ng softdrink sa gilid ng tindahan nito. Darating ang delivery ng bagong cases ng softdrink maya-maya lang. "Crush mo iyong naka-Bat Mobile."
"Boss, si Yuna ang may crush dun."
"Ako?!" itinuro ni Yuna ang sarili sa pamamagitan ng pamaypay na ginagamit sa pagba-barbecue. "Hindi noh. Ang antipatiko kaya nun. Akala mo kung sino."
"Sinisino talaga, anak iyon ng presidente ng Sunshine Hotels. Tanging tagapagmana." Umiling na lang si Ian.
"Kahit na. Wala pa rin siyang karapatang umasta na parang pag-aari niya lahat ng makita. Ang yabang."
"O, cool lang tayo ha. Customers pa rin sila. Huwag mo na lang pansinsin. Balang araw, mahihigitan mo rin sila," pagpapalubag-loob ni Ian. Pumasok na itong muli sa tindahan.
"Hindi na nagawi rito mula nang pagtarayan mo, beks." Si Effie.
"Eh di mabuti. Wala nang buwisit na kostumer." Binabaan niya ang boses sabay tingin sa likod. Kahit mabait si Ian, boss pa rin nila ito. At mahigpit ang bilin nito na maging magalang sa mga kostumer. Lalo na dahil lahat halos ng patrons sa tindahan nito ay pawang may sinasabing tao.
"Guwapo pa rin," ani Effie.
"Walang modo, maarte, mayabang. Mas pangit pa siya sa bakulaw."
"Sobrang laki naman ng galit mo 'dun? Hm..." mapang-intriga ang ngiti ni Efie.
"Hello, Effie, nandito ka nung bastusin ako ng lalaking 'yun. Baka nakakalimutan mo kung paano niya tayo alipustahin!"
Tuluyan nang natawa si Effie. "Hayup! Alipusta talaga eh. Para ka'ng lumang tao kung magsalita!"
"Ugh," umikot ang mga mata ni Yuna. Sabagay iyon naman ang maganda kay Effie. Hindi ito ang tipo na dinidibdib at pinepersonal ang lahat. Kaya nga magaan itong kasama. Pero hindi niya talaga basta-basta makakalimutan ang kahihiyang dinulot ng first and only encounter nila ng lalaking mayabang.
Ano nga ba ang nangyari?
Flashback....
BINABASA MO ANG
The Hotel Prince
Teen FictionTipikal na probinsyana si Yuna--simple, laki sa hirap, pero may ambisyon. Leon is a spoiled brat, hotel heir na sanay nang sarili lang ang iniisip mula pagkabata. Their worlds collide dahil sa di inaasahang pangyayari. Will the collision bring spark...