An Unexpected Visitor

566 7 7
                                    

"So, wala ka'ng boyfriend diba?"

"Meron," sagot ni Yuna sa nagtatanong. Makulit ito. Kanina pa siya hindi tinatantanan. Mukha namang maayos, kaya lang hindi niya gusto ang attitude nito. Parang hinuhubaran siya kung makatingin. Kanina pa ito roon, pero dahil bumili naman sa restaurant ay di nila mapaalis. Hindi pa nito inuubos ang biniling pagkain at inumin na basta nalang iniwan sa mesa nito. 

"Niloloko mo lang yata ako eh," hirit pa nito. Hindi na niya ito sinagot dahil hahaba lang ang diskusyon nila.

 Nakatanghod ito sa counter ng grocery store kung saan siya nakatoka that time. Buti nalang at hindi siya sa barbecue pit ngayon. At least, may counter at screen na nagse-separate sa kanila. Hindi ito mukhang estudyante kahit trying hard itong pumorma na bagets with the colorful sneakers and skinny jeans. Mukha itong mas malapit na sa trenta. 

"Ang damot mo naman, para kinakausap ka lang." 

Hindi pa rin siya nagsasalita. Determinado siyang wag itong patulan. She has learned her lesson. Kapag kostumer, kahit gaano kabarumbado, ang pinakamainam gawin ay manahimik nalang. Huwag lang siyang hahawakan nito dahil maghahalo ang balat sa tinalupan. 

"Pagbilhan mo nga ako nung double A batteries." Maya-maya ay sabi nito.

"Ilan?" walang kakulay-kulay niyang sagot. Feeling niya ay nagpapanggap lang itong bumili para mapilitan siyang kausapin ito.

"Dalawa. Ilang taon ka na?"

"Bakit?" 

"Curious lang. Parang ang bata mo pa kasi para magka-boyfriend."

"Trenta na ako," sarcastic niyang tugon. Iniabot niya rito ang batteries pero imbes na abutin nito iyon, sinakop ng kamay nito ang buong kamay niya! 

"Hindi ako naniniwala," nakakaloko ang ngiti ng lalaki.

 "Bitawan mo'ng kamay ko," she hissed between gritted teeth.

Nakita niyang napansin ni Ian ang nangyayari at akma itong makikialam kung hindi lang --

"If I were you, I'd do as she says." Si Leon! Hindi nila namalayan ang pagpasok nito sa tindahan.

Lumingon ang manyak dito. "Sino ka ba?"

"Only your worst nightmare," sagot ni Leon. "Now get out of my way because I need to talk to her."

Kumunot ang noo ni Yuna. Ano'ng ginagawa nito? Wala siyang natatandaang karagdagang atraso rito. Katunayan, ilang lingo na ang lumipas mula noong mangyari ang insidente sa board meeting. Hindi na niya napagkita ni anino nito sa Ian's Place. Ngayon lang ito muling nagpakita roon.

"Boyfriend ka ba niya?" Tanong ng lalaki, pero hindi na ganun kaangas. Siguro nasense nito na hindi basta-basta ang kausap. Awa ng diyos, binitawan nga nito ang kamay ni Yuna.

Leon scoffed at the question. "She wishes."

"Neknek mo!" angal niya.

"What a sophisticated come back," Leon smirked at her. "Now, get lost!" Baling nito sa makulit na kostumer.

Para naman itong tutang bahag ang buntot na lumayo na. Effective nga siguro ang sindak factor sa personality ni Leon. Bagay na bagay rito ang pangalan. 

"Can you take a break?" Walang pasubaling sabi ni Leon kay Yuna.

Napanganga siya sa tono nitong nagmamando. Nunca pa siyang naka-experience ng ganoong tao: kung mag-utos ay parang balewala, walang paki o please, walang pangingimi, basta nalang nagsasabi ng gustong mangyari. At mukhang ini-expect nito na lahat ng sinasabi ay nasusunod.

The Hotel PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon