Two months nang nagsimula ang klase, at 1 month na'ng nag-iintern si Yuna sa Sunshine Hotel.
Dahil sa nalalapit na Foundation Day ng MU, madalas kaysa hindi na kanselado ang mga pasok nila. Nakikisama ang mga prof sa preparations na ginagawa ng buong school para sa foundation day.
"Talaga ba'ng hindi magkaklase ang mga prof, sayang ang oras. Sayang ang tuition," bulong ni Yuna. Iyon ay matapos maghintay ng 30 minutes para dumating ang prof pagkatapos ay may student assistant na dadating para inform sila na wala daw pasok. Hay!
"Alam mo, sa lahat ng mga estudyante, ikaw lang ang di natutuwa na dismissed ang klase," anang boses sa likod niya.
It was Bailey. Di niya napansin na nasa likod niya pala ito, sukbit ang isang malaking canvas bag na naglalaman ng mga art paraphernalia nito. Yuna had never seen her without it. Bailey wore a black dress overall on top of a white button down shirt, Chucks na itim. Naka top knot ang buhok nito. Wala itong make-up pero sobrang ganda ng kutis kaya hindi na nito kailangan iyon.
"Eh, pangatlong klase na itong kinansela sa loob ng dalawang araw. Nakakahinayang. Namasahe pa ako at naghintay. De sana ginawa ko nalang assignment ko sa Statistics."
Natawa si Bailey at sumunod ito sa kanya palabas ng classroom.
"If you need help with Stat, ask Leon. Magaling siya sa Math. He tutored me dati. I'm hopeless pagdating sa numbers."
Napatingin siya rito. Di siya makapaniwala na meron itong isang weakness. Bailey looked self-assured and capable. But then, napansin ni Yuna na lahat halos ng mga anak-mayamang estudyante roon ay ganoon ang aura. They weren't exactly rude, pero hindi ito kiming umasta. Iyong tipo ng mga tao na kahit dadaan sa harap ng maraming tao ay hindi yuyuko. Basta maglalakad lang, normal pace, no fuss. no hand extended in front. Simpleng excuse me, ngiti at iyon na. They all acted like they are where they belong all the time.
But then her face winced at the suggestion. Siya, papaturo kay Leon? That was laughable. Baka sadyain lang nito na mali-mali ang ibigay na sagot at nang mapahamak siya!
"Do you have anywhere you need to be?" tanong ni Bailey.
Flattered si Yuna. Parang gusto siyang makasama nito. Pero bakit?
"Wala naman. Sa totoo lang, ito lang ang klase ko ngayong hapon. Mamayang 4 PM pa naman ang practice sa play."
Dahil sa foundation day ay pansamantalang excused sila Yuna at Leon sa hotel. Varsity si Leon kung kaya puspusan ang ensayo nito sa school gym kasama ang mga teammates sa basketball. Si Yuna na walang kainte-interes sa mga arts ay napilitang mag sign-up sa play dahil iyon lang ang kaya niya. Hindi siya marunong sumayaw, lalong wala siyang K sa singing. At lampa din siya sa ibang sports. Pero kaya niyang mag-memorize. Kaya wala siyang choice kundi mag audition sa play dahil required ang lahat na magparticipate. Kahit extra lang siya sa play, counted pa rin iyon as extra-curricular participation. Iyon daw ang kapalit ng pagka-kansela ng mga klase.
"Oh you're in a play? Which group are you?" Parang natuwa si Bailey sa narinig.
"Little Women. Hindi naman ako magaling, napilitan lang silang kunin ako kasi wala namang ibang nag-audition."
Natawa ulit si Bailey. Parang lahat ng sinasabi ni Yuna, funny para dito.
"Noo, don't say that. I'm sure you impressed them. Well, sino ka sa play?"
"Si Jo."
"No way! You're actually the lead, how lucky!"
"Sabi ng isa ko'ng kasamahan, halos wala naman daw nanonood sa play. Kasi mas dinadayo ang basketball, swimming, volleyball, at iyong dance and singing competitions. Lalo na yung Ms. MU pageant sa last day. Which is okay lang sa akin. Buti nga at wala masyadong makakakita pag nagkalat ako."
BINABASA MO ANG
The Hotel Prince
Teen FictionTipikal na probinsyana si Yuna--simple, laki sa hirap, pero may ambisyon. Leon is a spoiled brat, hotel heir na sanay nang sarili lang ang iniisip mula pagkabata. Their worlds collide dahil sa di inaasahang pangyayari. Will the collision bring spark...