The Lion's Den

609 13 3
                                    


Hapong-hapo si Yuna nang makauwi na sila sa mansyon ng mga Baraquiel. Pakiramdam niya ay nalibot nila ni Lia ang buong department store sa kakapamili. Mas marami pa yata silang nagastos sa limang oras na pamimili kaysa sa mga huling labingwalong taon niya sa mundo!

Binigyan siya ng isang kwarto sa guest house na nasa likod lang ng bahay, pagkalampas ng swimming pool na mukhang pang-resort sa laki. Napakaganda ng compound ng mga Baraquiel. Well-tended ang lawns at mga gardens, matataas ang mga pader kaya private at secluded ang lugar. Parang hindi niya naririnig ang ingay ng siyudad sa labas. Kung sabagay ay malayo naman talaga sa city proper ang mansyon. Pero ibang-iba talaga iyon sa nakasanayan niyang neighborhood. Sa boarding house na dating tinitirhan, dikit-dikit ang mga bahay. Dinig ang mga pag-uusap, TV, awayan, kahit ultimong pagdighay ng kapitbahay ay nauulinigan pa rin.

"Iba talaga ang mayaman," naisip na lamang niya habang inaayos ang mga gamit.

Ang guest house na kinaibilangan ay isang split level na may tatlong regular sized na bedrooms at isang master suite sa baba. Ang kwarto niya ay nasa second floor. Nilalaan daw sa mga di basta-bastang panauhin ang master suite sa baba. Hindi siya makapaniwala sa luwang ng sariling silid. Mas maluwang pa iyon kaysa kanilang sala at kusina na pinagsama. May sarili siyang closet kung saan mailalagay niya ang mga damit, sapatos, undergarments. May dresser din na may malaking salamin. Queen-sized ang kanyang kama na nalalatagan ng magandang kubrekama. Inamoy niya ang isang unan—napakabango at napakalambot niyon. Ang nag-iisang bintana sa silid ay nakadungaw sa isang bahagi ng pool pero hindi kita mula doon ang main mansion. Higit sa lahat, may sarili siyang banyo! Toilet and bath iyon na ang main motif ay purple, white at green. Para siyang bisita imbes na alalay. Para naman talaga iyon sa mga house guests, dahil ang servant's quarters ay nasa kabilang panig ng solar ng mga Baraquiel. Malaki iyon at parang apartment complex kung titingnan. May kanya-kanyang kwarto ang bawat kasambahay at shared common rooms para sa pagluluto at pagkain ng mga ito, pati na rin ang pagrerelax. Kung tatanungin siya, masaya na siya kahit sa servant's quarters. Step up pa rin iyon mula sa bed space na tinutuluyan niya. But her employers insisted na doon siya sa guest house tumira, dahil technically daw ay hindi naman siya staff kahit pasweldo siya ng mga ito through her scholarship and board. Si Lia naman ay may sariling silid sa loob mismo ng main mansion dahil kailangan daw ito ni Mrs. Baraquiel at all hours of the day. Social secretary slash girl Friday ang role ng babae.

Nang maitabi ang mga gamit ay tinungo niya ang banyo upang makapaligo. Noon lang siya nakaligo sa ganoon kagarang banyo. Samu't-sari ang mga toiletry products at lahat ng iyon napakabango at mukhang imported. Naaliw tuloy siyang buksan ang mga iyon at basahin pati mga labels. Ngayon lang niya nalaman na ang milk, oils at salts ay hindi lang panluto kundi panligo na rin!

Nang matapos, pakiramdam niya ay siya na ang pinakamabango at pinakamalinis na tao sa ibabaw ng lupa. Pakiwari niya ay na-exfoliate ang katakot-takot na dead skin cells at magaspang na balat niya sa buong katawan. Napakalambot at napakabango rin ng kanyang buhok na akala niya ay wala na'ng papangit pa dahil sa damage na gawa ng mumurahing rebond sa salon sa kanto. Parang bawat pores ng kanyang katawan ay humahalimuyak. Kaya pala takot maghirap ang mga mayayaman, muli niyang naisip. Magastos at time consuming ang maging sosyal, konklusyon ni Yuna.

Nang makapagbihis ay nagpahid siya ng lotion sa buong katawan saka lumabas ng kwarto habang sinusuklay ang basa pa'ng buhok. Ayaw niya iyong i-blowdry dahil nakakasira raw ng buhok ang madalas na paggamit niyon.

Wala na'ng ibang okupante ang guest house bukod sa kanya. IN-explore niya ang kabuuan 'nun. Bukod sa kanya ay may apat pa'ng ibang mga kwarto—tatlo sa itaas at isa sa ground floor. Lahat ng mga iyon ay nakakandado. May living room na may maliit na bar (at fully stocked iyon ng mga alak), ang kusina ay maliit lang at ang dinette ay para sa apat ka-tao. May pantry na puno rin ng pagkain. So hindi siya sasalo sa meals ng mag-anak? Sabagay, isa siyang aliping sagigilid at di nararapat sumalo sa hapag ng mga dugong-bughaw. Pero bet niya pa rin ang guest house. Maganda at tasteful ang pagkakaayos ng lahat ng gamit. Kumpleto sa lahat, at moderno ang bawat kasangkapan roon. Napaka-swerte niya, kung tutuusin. Kung ganito ang maging alipin ng mga Baraquiel, wala siyang reklamo! Napasulyap siya sa relos-- alas seis pa lang. Ayon kay Lia, alas otso hanggang alas-nwebe ang hapunan ng mga Baraquiel. Hindi katulad ng mga abang tao, late mag-dinner ang mga sosyal.

The Hotel PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon