Reverse

20 2 10
                                    

Sobrang nanghihina pa ang katawan ko. Di ko alam kung bakit.

Gusto kong igalaw ang katawan ko pero di ko magawa.

Gising yung diwa ko pero ayaw ng katawan ko.

Andito sya?

Pero bakit? Paano?

Gusto kong imulat ang mga mata ko para makasigurado ako.

Naririnig ko sila. Bakit ayaw magresponse ng katawan ko?

"Bakit ba kasi hindi natin sya dalhin sa hospital ha?"

"Kapag nalaman nila, lalo lang siyang mamamatay"

"What the fuck! Ano bang klaseng lugar to ha?"

"You don't know everything"

"Gago ka pala eh!"

"Lindon ano ba? Hindi makakatulong yan. Pakinggan na lang muna natin sya"

"Fuck Venon, kapag may nangyari lang talagang masama kay Val, papatayin ko yang hayop na yan!"

"Can you stop cursing, Lindon. I won't help."

"Tss. Okay fine"

Sigurado ako. Siguradong sigurado.

Gusto ko nang gumising. Bakit ba kasi ganto to?

"Control it"

Di ko alam kung saan galing ang boses na yun pero sigurado ako na ako ang kinakausap nya. Parang kinakausap nya ako sa isip ko.

"How?"

Val, baliw ka na ba? Pinatulan mo naman.

"Reverse Psychology"

What the fuck! Kung pwede lang tumalon, nakatalon na ako sa gulat. How can I reverse my situation?

Alalahanin mo Val ang topic nyo sa Pyschology. Isip. Isip. Isip.

Pumikit ako sa isip ko. Natulog ako.

"Hey, Val?"

"Val? Wake up."

It works.

"I'm fine." Ito na lang ang nasambit ko.

Tama ako. Si Lindon. Si Sofia.

Teka bakit may bata? At sino yung isa.

"Simula pa lang to."

Napalingon agad ako kung saan.

"Anong simula?"

"What? Girl, nabagok ba ulo mo? Gusto mo dalhin ka na namin sa hospital?"

"Anong simula Val?"

Napailing na lang ako.

"Wala."

Napatingin ako sa kanang braso ko. Kahit sila.

"Seriously?"

Biglang hinawakan ni Lindon ang braso ko. Alam ko malalim ang hiwa pero bakit?

"I told you, you don't know everything" ang lamig ng boses nya. Tumayo sya.

"I'm Aesculapius, the OIC of this School"

"Ngayon mo upakan Lindon para mapatalsik tayo ulit" sarkastikong bulong ni Venon kay Lindon

"Oh! Hi Mr. OIC" agad namang lumapit si Sofia sa kanya. I knew it. She likes him.

"Sorry for my attitude. Alam ko nag alala kayo sa kanya and sorry about that. That's my fault. Di ko alam na may tao dito. Wala naman kasing dumadaan dito. They always use the left wing gate to enter. That's why I decided to conduct my experiment here. Transferee kayo tama?"

"Yes sir. So kayo ba ang magiging professor namin?"

"No, I'm also a student here. So disregard my position here. We are all the same. I'm a nursing students. At ito? Experiment sya how to deceive a person with this kunai."

"Sabi mo nakakamatay yung lason nya?"

"Yeah. Nakamamatay yung lason nya kapag nagpalinlang sya. This? Antidote sya. Nagspray ako kanina." Habang nagsasalita sya sa akin lang sya nakatingin. Bakit ganto sya makatingin sa akin?

Pinilit kong tumayo. Bakit ganto ang pakiramdam ko? Kanina lang para akong napako sa kinatatayuan ko na halos di ko na maigalaw ang buo kong katawan. But this time, it was just like nothing happens. Yung ba ang epekto ng antidote na yun? So ibig sabihin magaling syang nurse?

"Kaya mo na ba talaga?" inalalayan ako ng Venon at Lindon. Si Sofia? Ayun kausap si... Ano ngang pangalan nun?

"Ang cute naman ng name mo but it sounds so weird I mean, how come that you came up to that name huh?"

"It is a Roman God. The God of healing and medicine"

"Oh that's nice. It suits you"

"Thank you"

Heto na naman yung tingin nyang nakakapanindig balahibo. Aesculapius.

"Let's go. Tara muna sa Cafeteria. Don't worry, my treat"

"Psh. Attention seeker"

Napatawa na lang kami ni Venon. I guess the rival is here. Mainit init ata ang magiging labanan. Lindon is a type of the guy na nasa kanya na ang lahat. Gwapo, athletic at matalino pa. Ang kulang lang sa kanya, girlfriend.Di namin alam kung torpe ba to o baka naman bakla to. Venon and Lindon are twin. Di halata no? They are fraternal twin at sobrang layo talaga nilang dalawa. Venon is a happy-go-lucky man. Bipolar. Minsan seryoso. Minsan naman aakalain mong bagong takas ng mental. They are my childhood friends. Childhood bestfriends.

Si Sofia naman. She's my high school bestfriend. Lahat ng girly thingy alam nya. Mind, heart and soul. She tried to convince me to be like her pero wala talaga. At may sikreto sya na sa akin nya lang pinagkakatiwala. She's totally inlove with Lindon.

"Val nakikinig ka ba?"

"Ha? Ahh oo"

"Ate?" napatingin ako sa batang humihila ng damit ko.

Sya yung bata kanina. Anong ginagawa nya rito?

Itinaas nya ang kanyang mga kamay.

"Karga?"

Napatingin ako kina Venon at Lindon. That anong-gagawin-ko-dito look. Tinawanan lang ako ng dalawa at iniwan akong mag isa sa bata.

"Hmmm asan mama mo? Naliligaw ka ba?" tanong ko sa batang nakahawak pa rin sa damit ko.

Umiling lang sya at nakataas pa rin ang mga kamay nya.

"Harmony..."

Napalingon ako sa tumawag.

"Sorry if she bothered you"

"Ok lang"

Agad naman niyang binuhat yung bata.

"Oh such a cute baby girl. What's your name?"

Agad namang umob-ob yung bata sa balikat ni... what's wrong with his name. I can't remember it.

"She's Harmony. My step sister. Kasama ko sya dito kaya pagala gala sya dito." Sabay ngiti nya

"Oh cute nya naman. Hi baby. Im ate Sofia."

"Pasensya na mahiyain talaga sya e. Tara na?"

At naiwan na lang akong mag-isa. Nauna na sina Venon at Lindon. Ayun naghanap na agad ng babae. Si Sofia? Nasa unahan ko sya habang nilalaro nya si Harmony. At ako, ito naglalakad. Pinagmamasdan ang paligid. Parang may mali sa lugar na to. Yung lalaking yun. Parang may mali sa kanya.

Hinawakan ko ang braso ko. Ramdam ko yung pagkakahiwa ng kunai na yun. Pero bakit parang walang bakas. Hindi kaya galing yun sa Black Demon. Alam na kaya nila na dito kami lumipat? Kailangan kong mag-ingat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secret LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon