BLOOD

19 1 7
                                    


VAL's POV

"Dugo ang bumuhay sayo, dugo rin ang papatay sayo."

Narinig ko na naman ang mga salitang iyon. Yung tinig na iyon. Bakit? Anong kasalanan ko? Bigla na lang may kung anong mainit ang dumampi sa akin. Para akong nasusunog. Bakit ganto ang nararamdaman ko? May mali dito. Para akong nauubos.

"Val!!!"

Bigla akong napabangon. Tiningnan ko ang sarili ko. Buhay pa ako. Hindi ako nasusunog. Hindi ako naging abo.

"What the heck?!" sigaw ko

"God morning din" mukha ng isang anghel ang bumungad sa harap ko. Pero isa na siyang anghel na ibinagsak mula sa langit.

"Teka lang Val, magpapaliwanag ako"

"I don't need your explanation"

"Valentine Malfetto!"

Nagkatitigan na lang kaming dalawa. Bigla akong natauhan.

"I told you" isang nakakalukong ngiti ang binitawan nya bago ako pumasok sa banyo

"Fuck this damn life" napamura na lang ako habang nagmamadali ako nang panliligo.

Di ko alam kung anong sumapi sa akin. Basta nakita ko na lang ang sarili ko na pababa na ng hagdan.

"Sorry, I'm late"

Agad akong dumiretso sa kotse. Seeing his stares at the rare mirror makes me shiver. Kung may kasabihan tayo na "Pumulong na sa lasing, wag lang sa bagong gising" mas paniniwalaan ko pa rin ang sinasabi ng utak ko.

"Wag na wag mong gagalitin ang taong nagmamadali" naibulong ko na lang sa sarili ko.

For Pete's sake, bakit ba kasi tinanghali ako ng gising. Ngayon nga pala ang unang araw ko sa bago kong school. I'm a college student, taking up a Bachelor Degree. Ayoko naman talaga kasi mag-nurse, sila lang ang may gusto. Bakit kaya di na lang sila ang mag-aral ng pinag-aaralan ko? Bakit kaya di na lang sila ang magsaulo ng iba't ibang chemicals, generic name at kung anu-ano pa. Napabuntong hininga na lang ako. Nagsight-seeing na lang ako to relieve my stress.

"Ahhh—ahhh--- yes babe... make it faster babe..."

Pwede na ba akong kainin ng sasakyang ito? Pwede na kaya akong maging invisible na lang. Napapikit na lang ako sa sobrang kahihiyan at agad kong sinagot ang tumatawag. Patay ka talaga sa aking lalaki ka.

"Gago ka. Bakit mo pinalitan ang ringtone mo ha!"

"Ayy oo nga pala. Sorry"

"Fuck you."

"Oh hinay hinay babe, dadating tayo jan"

"Ano ba kailangan mong gago ka?!"

"I'm waiting for you. Andito na ako sa gate. Bye see yah"

Kung pwede lang ibato yung phone ko, naibato ko na sa sobrang iyamot. Pagpatayan daw po ako. He's totally insane.

"Dad, dito na lang ako sa gate"

"Valentine, this is your last chance. You know me right? And my words are my actions"

How can he be an authoritarian man without any gestures? With just a calm face? Anak ba talaga ako ng lalaking to? I can't see myself like him. O baka naman kay mom ako nagmana ng lahat.

"Yes dad, sorry"

"Ok. Take care of yourself"

I really can't take his mood swings but one thing that I am sure, there's a smile on my face.

"Dugo ang bumuhay sayo, dugo rin ang papatay sayo."

Narinig ko na naman ang tinig na iyon. Nagpatingin tingin ako sa paligid ko ngunit wala ni anino ninuman ang nakita ko. Lalo akong kinilabutan. Nagsimula na lang akong maglakad. Di ko alam pero ang bigat ng bawat hakbang ko. Parang may mali sa lugar na ito. Inilibot ko ang paningin ko sa buong lugar. Parang nakita ko na ito. Parang nakarating na ako dito. Parang...

"Valentine Malfetto" isang pamilyar na tinig. Kilala ko ang boses na iyon.

Bago pa siya makapagsalita ulit, nahuli ko na sya.

"Saglit lang naman kasi Val. Pwede naman nating pag-usapan to diba?"

Siya lang pala.

"Tss. Ano bang problema mo ha. Gusto mo talaga akong mapatay ni Dad?"

"Sorry na." Napakamot sya sa batok nya. Nagpapacute ba sya? Pwes. Di uubra sakin yan.

Isang malakas na suntok ang isinagot ko sa kanya at naglakad na ako papasok.

"No doubt talaga yang lakas mo" pailing iling niyang sabi

"Why did they call me Dark Princess if I'm weak, Knight?"

"Itikom mo bibig mo ok?" bigla niyang tinakpan ang bibig ko

"Nagresearch ako kagabi, merong gustong humamon sa atin mula dito. Di pa nila alam na lumipat tayo ng school"

Bigla akong humarap sa kanya.

"Tayo?"

Tumango lang siya.

"Oo kahit walang tayo" seryoso nyang pahayag

"Bakit pati ikaw?"

"How can I live without you... baka matagal na akong namatay" seryoso na talaga sya sa mga sinasabi nya

Venon is my childhood bestfriend and a brother. Di ko nga alam kung lalaki ba talaga to. Bata pa lang siya, binubully na talaga siya. He's too different now. He has a total transformation. I miss those eye glasses, those braces, those jumper style of him. Bigla akong napatawa while remembering all those memories. That's why he calls me Dark. I'm his shadow. I am his strength. I am his everything.

"Ano na namang itinatawa mo jan, nagagwapuhan ka na naman sakin no?"

"You're not handsome ok? So better shut your mouth"

"Fuck!"

Agad akong napahawak sa balikat ko. Dugo. May tumutulong dugo.

"Hey Val, are you ok?"

Blood is my weakness. Naramdaman ko na naman ang mainit na mga dampi. Parang sinusunog ang buo kong katawan. Di ko na alam ang nangyayari. Lumiliwanag ang buong paligid. Lumingon lingon ako sa paligid. May papalapit.

"Ano ba gagawin mo sa kanya? Bitawan mo nga sya"

"May lason yung tumamang kutsilyo sa balikat nya. Kailangang maalis agad"

Yung mainit na pakiramdam na nararamdaman ko kanina, unti-unti nang nawawala. Gumagaan na ang pakiramdam ko. Unti-unti na ring dumidilim ang paligid. Para akong kandilang hinipan sa isang madilim na kwarto.

Secret LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon