The Beginning and The End

4 0 0
                                    

Nang makatungtong ako ng high school hindi ko ini-expect na makakakilala ako ng isang katulad niya. Lalaking handang makipag kaibigan kahit babae ka pa. Lalaking handang maging panyo sa twing may problema ka. Lalaking kaya kang ipagtanggol sa twing inaapi ka. At higit sa lahat, lalaking may care sayo at the same time mahal ka niya. Alam kong bawat babae, ganun yung tipo sa mga lalaki. Kaya ako, napaka swerte ko dahil meron akong siya. Walang araw sa school na hindi kami magkasama. Tag line kase namen sa isa't isa na walang iwanan, forever walang hanggan, Wag kayong bitter, naniniwala talaga ko/kami sa forever.

Habang lumalalim yung samahan namin, napapansin kong unti unti siyang nagbabago. Yung dating 250+ naming conversation sa text per day, ngayon 50 convos nalang at worst kapag may assignments or projects nagiging 5-10 convos nalang. Gusto ko mang tanungin siya kung baka may problema siya or what kaya madalang siyang mag text at magreply sa mga GM ko. Nag rereklamo na nga yung mga pinapadaanan ko ng GM dahil ako na daw yung laman ng inbox nila. Gusto ko lang namang iparating na "Available akong katext, magreply ka naman". Kaya para hindi na makasagabal sa iba pinipiem ko nalang siya kahit yung content ng message ko pang GM. Alam niyo yun, nagpapansin lang ako sa kanya, nagbabakasakaling magrereply siya. Dati kase kahit busy siya, kahit nagluluto, naglalaba or gumagawa ng assignment, i-text ko lang sya and in just a snap may reply agad siya. Sabi niya kase "Kahit gano pa ka-busy ang isang tao, basta sa taong mahal niya gagawa't gagawa ng paraan yan". Sa isip ko, hindi na nya kaya ako mahal? Kase hindi na siya gumagawa ng paraan eh pero sumesegway yung puso ko at naniniwala sa mga pangakong binitawan nya noon na ako lang yung babaeng una at huli nyang mamahalin at hindi sya mag hahanap ng iba dahil ako lang daw sapat na. Pero sa totoo lang, hindi ko alam kung ano yung label namin. Turingan namin mag Bf at Gf pero walang ligaw at pagsagot na naganap. M.U.? I don't think so. Ang sabi niya kase magiging kami din sa right time, sa ngayon okay na daw muna kahit iparamdam namin sa isat isa yung In A Relationship status kahit hindi naman talaga official. Siyempre gusto ko yun, kasi nga mahal ko siya at na-fall ako sa kanya, ikaw ba namang makaranas ng pagtrato niya sakin na dinaig pa yung totoong mag Bf at Gf.

Malaki yung tiwala ko sa kanya, lahat ng problema ko alam niya dahil nasasabi ko yun sa kanya at ganun din naman siya kaya kilala ko na siya. But one day, Hindi ko iniexpect na may makita na dapat ay hindi ko makikita. Nakita ko siya sa park, may kasama siyang babae, masaya sila nagtatawanan habang nagmimiryenda, sinusubuan niya pa nga ng chips yung girl at kapag may ice cream yung gilid nung labi nung girl pinupunasan niya pa. Naramdaman ko yung pag agos ng tubig mula sa aking mata. Hindi ko mapigilan. Nasasaktan ako. Gusto ko siyang lapitan. Gusto kong sabihin sa girl na akin yung lalaking kasama nya. Pero magpapakaselfish ba ko kung alam ko ng mas masaya siya sa piling ng iba? Yang ngiti na yan, yan yung namimiss ko sa kanya. Akala ko sakin niya lang yan ipapakita pero hindi pala. Wala akong ibang magawa ngayon. Na-froze na yung katawan ko sa kinatatayuan ko. Patuloy pa rin na umaagos yung luha ko. Wala akong pakialam kahit maraming tao ang nakatingin sakin. Ang sakit sakit talaga, yung puso ko hiniwa na nga, dinurog pa. Hindi man literal pero sobra pa dun yung sakit na nararamdaman ko.

Then after that scene, a couple of days passed, napag desisyunan kong hayaan nalang silang dalawa. Tutal wala na din naman akong mapapala kapag nanghimasok pako sa relasyon nila. Yes, nabalitaan ko yun, may nagsabi sakin na sila na daw. Kaya siguro hindi na siya nag rereply sakin nun kase nakita na nya yung girl na mas better sakin.

Sa ngayon, ayoko munang humarap sa kanya, baka kase umiyak na naman ako kaya naisipan ko nalang na bigyan siya ng sulat. At least dito masabi ko yung nararamdaman ko at malaman niyang nakasakit siya.

Dear Leif,

Kamusta kana? Ang tagal na nating walang communication ah? Pero mukang okay ka naman na sa piling niya. Masaya ako para sa'yo at para sa inyo. Congrats pala may Gf kana. Alagaan mo syang mabuti ah, wag mo syang sasaktan at paiiyakin. Sana siya na yung babaeng ka-forever mo. Masakit mang isipin, mahirap ding tanggapin pero wala na kong magagawa kahit ang sakit talaga. Nasaktan ako nung nakita ko kayo at hanggang ngayon nasasaktan ako. Pasensya na hindi pa rin ako nakakamove on sayo, mahal pa rin kita kahit nagparaya nako. Kaya nga etong sulat last na, gusto ko lang ilabas yung nararamdaman ko. Asahan mo kapag nagkita ulit tayo naka move on na ko sayo. Pasensya pala kung sakali mang nagkulang ako kaya naghanap ka ng iba. Pasensya na din na baka hindi ko nasuklian yung pagmamahal na binigay mo sakin. Ngayon focus nalang muna ko sa pag-aaral ko. At kayo, sana magtagal kayo at sana wag niyo ding pabayaan pag aaral nyo.

Sige hanggang dito nalang muna. Salamat sa mga memories natin together, I will cherish all those memories.

I Love You and Goodbye!

Love,
-Yay

"Wag kang makuntento sa kung anong meron ka. Lahat ng bagay nagbabago kaya expect the unexpected. Pwedeng ikatuwa mo yung unexpected na yun at pwede din ikalungkot mo yun. Tsaka about sa lovelife problems na katulad ng story ko na yan, hindi pa huli ang lahat, may inilaan talaga si GOD para sa atin, maybe hindi siya yun kaya umaabot sa time na may mang iiwan satin. Learn to accept nalang."

Expect The UnexpectedWhere stories live. Discover now