T.L.I.K 3

43 4 6
                                    

The Love I've Known

Chapter 3

Ami's

"HA!? Dennis!? Sino ba yon!? Ipagpapalit mo ang pagbabalik ni Tita sa lalaking yon?" Sigaw ko kay Elisa na kanina pa nangungulit sakin.

"Sige na please!? Ngayon lang to promise!"

"3 days nalang uuwi na si Tita dito sa Pilipinas tapos makikipagkita kapa diyan sa Dennis na yan? Sino ba yon!? " Nandito kami ngayon ni Elisa sa bahay ko. Nagpunta siya dito para isama ako sa isang Party.

"Si Dennis.." Napatigil siya. "Ah basta! Sige na! Sama kana kasi. Minsan lang naman to e. Please?" sabi niya habang nakapuppy eyes. Kinukulit niya ako kasi crush niya daw yung nag invite na yun sakanya at ang gusto niya sumama ako.

"Eh pano yung pagbabalik ni tita? Di pa nga tayo nakakapag handa eh atsaka isasama mo ako? AYAW.." Every 2 years lang kasi bumabalik si tita dito sa Pinas galing sa Italy, chef at may restaurant kasi si Tita dun. Tuwing babalik si tita kailangan maayos lahat, surprise party lagi hinahanda namin ni Elisa, kami magiinvite sa mga friends ni Tita.. O mga kamag anak namin. Very close si Elisa sa Family namin dahil simula bata palang kaibigan ko na si Elisa.

"Wag mo na problemahin yun! Tinawagan ko si tita kanina, kinamusta ko siya. At hindi ka maniniwala sa nalaman ko! Sabi niya kung may binabalak daw tayo isurprise siya wag na daw natin ituloy, kasi ikaw lang daw gusto niya makita at miss ka na daw niya. Kaya pleaaaase sama kana" yan talaga tayo e. Kapag gusto talaga may paraan. Tinawagan pa talaga si Tita -_-

"Hindi pala ako maniniwala eh."

"Hindi! Huuy. Maniniwala ka sa nalaman ko! Naniwala ka naman diba? Hehe. Sige na kasi!"

"Alam mo naman ayokong lumalabas ng bahay at nakikipag kita sa mga tao diba?"

"Alam ko naman yun e, pero di naman forever ganyan ka Amiiii. Alam ko may pag -asa pa na b--- ay wala. Basta sige naa Sumama kana pleaaase!" Pangungulit niya sakin. Kahit kailan ang kulit nitong babaeng to.

"I'd rather stay home."

"Di ka ndiqkismuqoqmxnuw" may binulong siya di ko lang narinig. May tinatago ba to sakin? Haay.

"Sige na Amii, puhleeeease! Promise ko sayo ngayon lang to at hindi na mauulit. Promise! Cross my heart hope to die." Sabi niya habang cinross niya yung dibdib niya.

"Bahala ka."

"Yaaaay sama na siya!"

---

In the end. Nakulit padin niya ako. Dahilan para sumama ako sa party na to.

Nagbihis ako ng jeans at nagtshirt na light blue, nag sneakers lang ako.

Kung hindi lang talaga matyaga mangulit sakin yan si Elisa edi sana hindi talaga ako makakasama sa party na to.

Sabi sakin ni Elisa itong party daw na to pang alis ng stress. Kasi malapit na daw yung quarter exams kaya nagpa party yung Dennis na yun. Halos lahat ata ng 4th year sa Jirwell Academy imbitado. Feeling college students naman tong mga studyante na to. May pa party party pang nalalaman bago ang exams week. Pero sabagay, strict at mahirap talaga ang mga exams sa Jirwell. Para sakanila. Para sakin hindi naman. Nag-aaral ako eh.

Dami mo talagang alam noh? Yabang.

Epal tong boses sa utak ko.

Eh kung nag aaral nalang sila noh? Kesa magparty. Edi sana hindi sila nahihirapan sa exam. Mga ewan din kasi. May pa wala wala pa ng stress nalalaman. Anung ineexpect nila? Na palaging madali ang exam? Happy go lucky?

The Love I've KnownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon