T.L.I.K 8

36 3 0
                                    

The Love I've Known

Chapter 8

*tin en nin en*

(A/N: Sound po yan ng bell ng school, maiba naman. XD)

Nagising ako ng tumunog yung malaking clock sa school na to, lunch break na pala. 3 hours pala ako nakatulog dito sa ilalim ng puno. Di na ako pumasok ng klase eh, nyanya. Sabi daw kasi may pinuntahan yun ibang teachers, kaya naiwan yung teacher namin sa math. Siya nagturo magdamag pero ang sabi mamayang hapon daw babalik na ang iba pang teachers kaya naman naisip kong hapon nalang ako pumasok. Si Fernando Poe Viras lang naman kasi ang teacher, math pa.

Kung naaalala niyo pa siya, siya ang dahilan kung bakit ako na detain last week. Natulog ako sa klase niya kaya niya ako nireport kay Hondoy. Ipaglalaban niya talaga na idetain ako kasi ako talaga ang pinaka hate student niya, syempre siya naman ang pinaka love na teacher ko. Please note the sarcasm.

Humikab ako at nagunat, tumikim ako bago ko kunin ang bag ko. Tumayo ako ilang sandali lang, hindi ko na pinagkaabalahan pang pagpagin ang palda ko kasi madumi naman na talaga ako, hindi pa ako nagpapalit simula nung naputikan ako.

Nakaupo ako sa damuhan at nakasandal sa puno magdamag. 3 hours ako nandito after nung pagtakbo ko sa CR. Dumeretso agad ako dito sa field, kasi nga nalaman kong si FPV ang teacher this morning classes.

Pagkatayo ko, tinignan ko yung inupuan ko para icheck kung may naiwan ba ako o wala. Iba ang nakita ko, may kamay sa gilid ng puno.

What the food.

Ano yun?

Kakasabi mo lang diba? Kamay. Diba?

Ayan. Umeepal nanaman tong maliit na boses sa utak ko.

Umatras ako at naglakad pa sideways. It's better to be sure, baka mamaya yang kamay na yan biglang hawakan yung binti ko. Tapos yang kamay na yan pagmamay ari ng lupa pala. Edi kinain ako ng lupa diba!?

Nakahinga ako ng maluwag ng malaman kong hindi siya pagmamay ari ng lupa. Grabe, kinabahan ako don ah.

OA mo kasi mag-isip. OA OA OA OA

Epal talaga. Alis nga!

Sinipa ko yung binti ng may ari ng kamay, "HOY!"

"HOOOY!"

Aba, ayaw magising ng isang to!

Nilapit ko yung mukha ko sa tenga niya, "SUNOOOG!"

"Anak ng puto!" Napatayo siya sabay sigaw nanaman, natataranta tinitignan ang paligid "Nasan!? Ano pang ginagawa mo dito!? Tumakbo kana! Sunog! sun--"

Natigil siya sa pagsigaw ng makita niya akong nakatayo sa harapan niya at nagpipigil ng tawa. Grabe, ang saya pala mantrip ng tao? Ngayon ko lang naexperience eh. Nakakatawa. Tinakpan ko yung bibig ko para pigilan ang tawa ko.

Nakita kong nakatingin lang siya sakin habang ako nakangiti pinipigilan padin ang tawa. "Hello!" Asar ko sakanya, with matching wave hands

"Anung trip mo!?" Sigaw niya sakin.

Kala mo naman nakakatakot yung sigaw niya, di naman. "Laugh trip." At saka kumawala ang mga pigil kong tawa.

"Tss."

Sabihin niyo nga sakin, may alam ba kayo tungkol sa lalaking to? Puro 'tss' eh!marunong siya mag snake language? Paki explain.

Anu na ba tong nangyayari sakin? Omaygas. Baliw na ako. Hindi na ako to. Iba na ako. Ano nangyayari sakin? Hala. Bakit ako tumatawa?

The Love I've KnownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon