T.L.I.K 7

26 3 2
                                    

The Love I've Known

Chapter 7

*wooossssh*

*ssssh*

Binuksan ko ang mga gripo sa CR, yes tama basa niyo mga gripo meaning lahat ng gripo sa lababo ng cr binuksan ko. Aba! Kailangan mag aksaya ng tubig, di naman ako nagbabayad. Saka isa pa, naiinis ako kay Hondoy.

"Bulaga!"

Muntik akong magulat, pero hindi talaga ako nagulat. Lumingon ako kung san nanggaling ang sigaw na iyon.

Di na ako magugulat pa sino ba laging nang gugulat sakin? Sino ba laging nang iinis sakin? Kilala niyo naman siguro.

"Aw grabe, hindi manlang nagulat sakin. That hurt. Here." Sabi niya, tinuro yung dibdib at umakto pang parang nasaktan talaga.

Ang arte.

Inirapan ko lang siya, magsasalita na sana ng may narinig kaming nagsalita mula sa pintuan ng CR. "Tama na yang kalandian niyo, maglinis na kayo bago ko pa dagdagan mga gagawin niyo."

Ba, nakakainis talaga tong Hondoy na 'to. Tsh! Kalandian pinagsasabi nito!? Tsk. Since kaninang pag pasok na pagpasok ko palang ng school, pag mumukha na niya ang nakikita ko! Nakaka irita na nga. Yung totoo? Wala ba siyang ibang damit kundi ang mga tanktop na yan? At camouflage na pantalon? O baka naman hindi MGA kundi isang tanktop lang meron siya? Tuwing nakikita ko siya yan lagi sout niya. Impossible namang coincidence lang ang lahat. Kala mo naman bagay sakanya yung sout niya, di naman sya nasa army or anything. Feeling lang talaga.

*flashback*

7:11 am.

Napatayo agad ako ng makita ko yung oras sa Alarm clock ko. Di ko napigilan mapamura dahil late na ako! 7:30 kasi ang start ng mga klase, ilang minutes nalang ako makakapag handa. Hustle.

Pagkatapos ko maligo, mag ayos, dumeretso agad ako sa labas ng bahay at kinuha ang bike ko. Sumakay na ako ng bike at saka nag pidal. 7:28 na ako ng maka alis sa bahay, 2 minutes before the start of classes. Binilisan ko ang pag pidal ko para mabilis din ang takbo ng bike, wala akong pakialam kung sumemplang pa ako. Ang mahalaga ngayon makarating agad ako sa school within two minutes.

Nakalabas na ako ng gate ng village namin, nag salute yung guard na nasa guard house pero di ko pinansin. Nyenye, bahala siya. Late na ako eh.

Nasa daan na ako papunta sa school. Ilang kanto nalang bago ako makarating sa school. Di na ata ako makakapasok sa first class, strict kasi yung teacher namin sa Math eh. Yun pa naman ang first class ko ngayon ayaw niya ng nalelate kung sino late di niya papapasukin sa class niya. Okay lang sakin, alam ko naman na yung ituturo niya ngayon.

"HOY!"

"MOTHER OF EARTH!"

Muntik akong ihagis ng bike ko dahil sa lakas ng pagpreno ko sa bike, buti nalang--

"HOY!"

Putik. Mababalance ko na yung bike eh! Kaso may sumigaw ulit. Ang resulta? Ayun, bumagsak ako kasama yung bike. At ang the best? Hulaan niyo? Bumagsak ako sa basang kalsada na puro putik.

"WHAT THE F."

Nakita kong binagsak niya yung bike niya sa isang tabi at lumapit sakin. "Okay ka lang?"

"Oo okay lang ako, basang basa nga ako sa putik eh? Kita mo? O baka naman hindi? Kasi may mata ka? Okay na okay nga oh! Kita mo! Nadaganan pa ako ng bike ko! Nakikita mo ba? OKAY LANG AKO. OKAY NA OKAY"

The Love I've KnownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon