Magandang araw Ginoo
Ako'y naririto upang magbahagi sa'yo
Ng damdaming ngayon pa lang
Naramdaman ng aking pusoNais ko lamang ipabatid
Na ang hangarin ko'y totoo
Kaya sana'y 'wag magbago
Ang iyong pakikitungoLabis akong nagagalak
Sa iyong pagpapaunlak
Na ako'y makausap
Sa aplikasyong talamakSa sandaling panahon ng pag-uusap
Ako'y tila nasa alapaap
'Di na ibig pang bumaba sa lupa
Sapagkat ayaw ka nang mawalaMarahil ika'y naguguluhan
Isip mo'y napaparam
Ngunit 'wag mabahala
Magdasal na lamang kay BathalaIhanda ang iyong sarili
Baka ika'y mapangiti
Sapagkat aking tatalakayin
Na nais kitang maging akinIka'y akin nang hinangad
Mula ng ako'y napaigtad
Sa taglay mong kasipagan
Dagdagan pa ng kagwapuhanSubalit ako'y nanghihinayang
Sa mga sandaling tila nasayang
Na para bang bulang naglaho
Napasapo na lamang sa 'king nooKay hirap tanggapin
Na ang puso'y naging alipin
Ngayo'y nag-ngingitngit ang ipin
Pakiramdam ko'y nabitinHanggang ngayo'y naghihintay pa rin
Umaasang mapasaakin
Pagtingin na walang maliw
'Pagkat ako'y tila nababaliwIbig kong ipagpaumanhin
Ang imaheng iyong nabuo
Akala mo siguro'y mahinhin ako
Subalit para palang asoAlam kong mali ito
Ngunit anong magagawa ko
Hinuha ko'y di na magbabago
Ang pagtingin para sayoUnawain mo sana
At 'wag nang magreklamo pa
'Pagkat ako'y masaya na
Sa nararamdaman oh tuwinaPuso ko'y bigyang pansin
Kahit 'di ka na maging akin
Subalit kung iyong mamarapatin
Ay di iwawaksi ang pagtingin
BINABASA MO ANG
Poem Compilation
PoetryThese are random poems I wrote dedicated to random people. I hope you enjoy. 💜