Tula sa Isang Estranghero

16 0 0
                                    

Magandang araw Ginoo
Ako'y naririto upang magbahagi sa'yo
Ng damdaming ngayon pa lang
Naramdaman ng aking puso

Nais ko lamang ipabatid
Na ang hangarin ko'y totoo
Kaya sana'y 'wag magbago
Ang iyong pakikitungo

Labis akong nagagalak
Sa iyong pagpapaunlak
Na ako'y makausap
Sa aplikasyong talamak

Sa sandaling panahon ng pag-uusap
Ako'y tila nasa alapaap
'Di na ibig pang bumaba sa lupa
Sapagkat ayaw ka nang mawala

Marahil ika'y naguguluhan
Isip mo'y napaparam
Ngunit 'wag mabahala
Magdasal na lamang kay Bathala

Ihanda ang iyong sarili
Baka ika'y mapangiti
Sapagkat aking tatalakayin
Na nais kitang maging akin

Ika'y akin nang hinangad
Mula ng ako'y napaigtad
Sa taglay mong kasipagan
Dagdagan pa ng kagwapuhan

Subalit ako'y nanghihinayang
Sa mga sandaling tila nasayang
Na para bang bulang naglaho
Napasapo na lamang sa 'king noo

Kay hirap tanggapin
Na ang puso'y naging alipin
Ngayo'y nag-ngingitngit ang ipin
Pakiramdam ko'y nabitin

Hanggang ngayo'y naghihintay pa rin
Umaasang mapasaakin
Pagtingin na walang maliw
'Pagkat ako'y tila nababaliw

Ibig kong ipagpaumanhin
Ang imaheng iyong nabuo
Akala mo siguro'y mahinhin ako
Subalit para palang aso

Alam kong mali ito
Ngunit anong magagawa ko
Hinuha ko'y di na magbabago
Ang pagtingin para sayo

Unawain mo sana
At 'wag nang magreklamo pa
'Pagkat ako'y masaya na
Sa nararamdaman oh tuwina

Puso ko'y bigyang pansin
Kahit 'di ka na maging akin
Subalit kung iyong mamarapatin
Ay di iwawaksi ang pagtingin

Poem CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon