Mata, Labi

9 0 0
                                    

Araw na ito ay kay ganda
Tila wala nang sisira pa
Ngunit ibig ko pa sanag makita
Mga mata mong nakakahalina

Mga labi mo aking sinta
Na nagsasabing lumapit ka
Ako ay lagi lamang nandito
Handang sumama sa iyo

Nais kong magpatangay
Sa'yo kahit ako'y malumbay
'Pagkat ika'y parang si inay
Na nagbigay sakin ng buhay

Mata't labi mong mapang-akit
Pati tindig mong marikit
Ako ay laging napapakapit
Kahit na araw ko'y kay pait

Sana'y pagtagpuin ang landas
'Pagkat ikaw ay aking lunas
Kahit araw pa ng undas
Ningning mo para saki'y wagas

Poem CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon