Kumusta ka nung mga nagdaang araw?
Ikaw ba'y nakakakain ng maayos?
Sarili ba'y inaalagaan ng lubos?
Sa tingin ko ikaw nama'y nakaraosMarahil nababagabag ang iyong isip
Maaari bang saki'y ipasilip?
'Wag mabahala, di ako manggugulo
Sadyang may napagtanto lamang akoHindi ko rin alam kung paano
Kahit ako pa'y tanungin mo
Gulong-gulo rin ang puso ko
Tila nagbago ang aking pagkataoGiliw ko may aaminin ako
Sandali, sana nama'y pakinggan mo
'Pagkat nais ko lamang ipabatid
Na pag-iisip ko'y 'di na makitidBakit? Marahil 'yan ang 'yong tanong
Naalala mo noong ako'y nanghingi ng tulong?
Sa akin ikaw ay may binulong
"Wag kang mag-alala, tuturuan kita"Hay nako naman talaga
Ano bang nangyayari sa akin tuwina?
Ako ba'y tuliro ng dahil sa'yo?
O sadyang nabaliw na talaga ako?Magmula kasi nang makilala kita
Ika'y lagi nang hinahanap-hanap sinta
Kasi kahit 'di pa kita nakikita
Sa'yo lamang ilalaan 'tong bahay-bataNapakahusay mo aking guro
Si tadhana'y tila nagkikipaglaro
Dahil ang iyong mga itinuro
Ay natatak agad sa isip at pusoDadako naman ako ngayon sa'yo
Natutuwa at nagpapasalamat ako
Sapagkat batid kong nalalaman mo
Na ika'y tanggap ko ng buong pusoTuruan mo pa ako ginoo
Lahat ay isasabuhay ko
Nandirito lamang ako
Handang makinig sa mga kwento moHindi kita susukuan
Ako ay handang makipagsapalaran
Ngunit kung ikaw na ang mang-iiwan
Giliw ko, ako' y 'di na lalabanAking hiling sa tuwi-tuwina
Na sana tayong dalawa'y magkita
'Pagkat nais kong iparamdam sinta
Na ako'y maligaya 'pag ika'y nakasamaSubalit ngayo'y wag munang magmadali
Dahan-dahanin nalang muna natin
Halika rito at lumapit sa akin
Sabay tayong magpatangay sa ihip ng hanginSiguro dito nalang muna ako
Maghihintay na lamang sa iyo
Mangangarap na maging tayo
Hanggang sa huling yugto ng buhay ko
BINABASA MO ANG
Poem Compilation
PoetryThese are random poems I wrote dedicated to random people. I hope you enjoy. 💜