Hanggang sa Muli

2 0 0
                                    

Masakit ngunit pilit na ipinipikit
Aking mga mata habang nag-iisip
Na kailan ma'y hindi na 'ko uulit
'Pagkat dulot mo'y sadyang kay pait

Ngunit bakit 'di maiwaglit?
Poot, galit at paghihinagpis
Kasabay ng pagbulong ng aking puso
Na sayo minsan na itong tumibok

Mga ala-ala na kay linaw pa
Tamis ng ngiting naghatid ng saya
Kunot ng noo na nagbigay ng pangamba
At yakap na kasing init ng uling na nagbabaga

Lahat ng bagay na ating pinagdaanan
Sa piling mo ako'y nagkaron ng tahanan
Subalit ako na lamang ang naiwan
Sa mundong dati tayo lang ang laman

Dilim o liwanag, ano ba talaga?
Ang nadarama'y 'di na mawari pa
Pagdurusa ko'y 'di na kinakaya
Panahon na ba upang limutin ka?

Sa kabilang banda, ika'y malaya na
Kwento natin ay pilit mong tinuldukan
Paalam na hindi naman makatarungan
Pighati na dulot ng kasarinlan

Nararapat nang itigil ko
Ang pag nanais na buksan ulit ating libro
Na pinuno nang alikabok
Ng nakaraang unti-unting nabubulok

Hanggang sa muli o, aking sinta
Salamat sa letrang ginuhit mo sa mga pahina
Ng ating librong nagwakas na
Hanggang sa muli, mag-iingat ka

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 06, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Poem CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon