Chapter 1: NOT A BABYSITTER

60 3 0
                                    

YOKIKO HELL TAGASHIMA POV

Kasalukuyan akong nasa mission ngayon at isa nalang ang kailangan kong tapusin. nag tago muna ako sa isang malaking drum na nakita ko para mag reload ng bala.

Narinig ko namang may nag salita sa earpiece na suot ko.

“Black malapit na si Dragon sa pwesto mo” pagpapaalala sakin ni Blue.

“Copy”

Sumilip naman ako ng bahagya para masilip kung nasan na si Dragon ang matabang lider ng sindikatong nag bebenta ng mga bata sa mga foreigner para gawing sex slave.

Busyng busy si dragon taba sa pag takas nya wala na rin syang mga tauhan dahil kanina ko pa sila tinapos. Itinutok ko kay taba ang baril ko na kasalukuyang umaakyat sa hagdan pero hindi sya magkasya.

“pst taba!!” agad naman syang lumingon sakin. Nakita ko ang takot sa mga mata na lalong nakapag pasaya sakin.

“p-please m-maawa ka” pag mamakaawa sakin ni taba. Ibinaba ko naman ang barili ko at dahan dahang nag lakad papalapit sa kanya.

“tsk tsk tsk naisip mo bang maawa sa mga batang binenta mo? Hindi diba? Kilala moko dragon ayaw ko ng mga ganong klase ng gawain pero pasensyahan tayo utos eh” pag kasabi ko nun ay agad syang nag labas ng baril at itinutok sakin.

“Wag kang gagalaw hindi ako mag dadalawang isip na barilin ka” nanginginig na banta nya sa akin. Tinuloy ko ang dahan dahang pag lapit sa kanya kaya lang masdo nakong nabobored kaya nung hindi pa nya ako binabaril ay agad ko tinutok sa kanya ang baril ko at agad syang pinatamaan sa gitna ng noo.

“tss bagal mo kasi” sinabi ko yun sa nakahigang katawan ni dragon na may tumatagas na dugo mula sa butas nyang noo.

Nag lakad nako pabalik sa sinasakyang van namin. Nakita ko naman si blue na busy paring nakatingin sa computer nya.

“grabe black pwede naman sa dibdib ang pag baril mamatay rin naman sya bakit sa noo pa kadiri oh!! Nakadilat pa!!”

“tss nag effort ka pa talagang picturan. Tara na kapagod habulin si taba.” wika ko sa kanya. Isinandal ko ang ulo sa head rest ng maka ayos ako ng upo at ipinikit ang aking mga mata.

Ako nga pala si Yokiko Hell Tagashima a.k.a Black ang pangalawang apo ng nagtatag sa Tagashima Clan. Ako ang Kasalukuyang Head ng mga reapers namin sa mafia pero kahit ako na ang head nila ay tumatanggap parin ako ng mga missions mula sa mga boss at iyun ay ang kapatid ko. nagretire na kasi si lolo at ipinamana ang buong clan sa kapatid ko pero wala naman akong sama ng loob dahil una palang ay pagiging head na ng mga reapers ang gusto ko.

“Ay black tumawag pala si boss haru. Kailangan ka daw nya makausap pag balik na pag balik natin” sabi sakin ni blue habang nag ddrive.

“ok” maikling sagot ko kanya.

Pag dating palang namin sa headquarters ay dumiretso nako sa kwarto ni Lolo pero wala naman sya doon.

Dumiretso naman ako sa Hall kung saan may makikita kang dalawang upuan sa harap. Pag pasok ko ay nakita ko si Lolo at ang kapatid ko na seryosong nag uusap.

Pag dating ko sa harap ni ay agad naman akong nag tanong “anong kailangan nyo?” napalingon naman silang dalawa nung marinig nila ako at umakting na parang nasurpresa.

tss alam ko namang kanina pa nila alam na nandito ako.

“oh hi!! kapatid kanina kapa dito?!!” masiglang bati ng kapatid ko.

“oo nga apo kong maganda kanina kapa jan?” tanong naman sakin ni Lolo

“diba galing ka sa mission? May masakit sayo? Ayos ka lang ba napilayan ka ba?” tanong sakin ni Red na nagawa pang bumaba sa upuan nya para icheck ako.

“kumain ka na ba maganda kong apo? Masama ang nag papalipas ng gutom” tanong sakin ni lolo na halatang umaaarte lang.

“oo nga kapatid masama yun! kakainin ng large intestine mo yung small intestine mo. Diba lolo?” at tumango tango naman sya bilang sagot sa tanong ni Red.

Mga isip bata talaga.’

Akiko Hell Tamagashi a.k.a Red - ang unang apo at ang kasalukuyang leader ng Tamagashi Clan and she is my twin sister mas matanda sya pero isip bata namana nya yata yung ugali ni Lolo pero kapag ang kaligtasan na ng Pamilya at ng Mafia namin na ang pinag uusapan ay bigla syang nagiging halimaw kahit ako ay natatakot kapag nag transform nasya sa pagiging demon nya.

At si lolo, sya lang naman ang legend na si Haru Tamagashi a.k.a Blood ang unang pinaka batang nakapag tatag ng pinaka successful na Mafia Clan sa edad na labing pito sa loob ng isang taon at number one Mafia sa Buong Mundo sa loob ng apat na dekada hanggang ngayon.

Nung mapansin nilang hindi ko talaga sasagutin yung mga kalokohan nila ay bigla silang sumeryoso.

“ehem! Ehem! Red” pagkasabi nun ni lolo ay may iniabot sakin si Red na isang folder. Agad ko namang binukasan ang ibinigay na folder sakin ni Red napakunot naman ang noo ko sa mga nabasa ko. Nilingon ko naman si lolo at red ng nakasimagot.

“What.. The.. Fishy.. fish!!” mabagal kong bigkas. Hindi kami pwede mag mura kapag kaharap namin si lolo baka mahampas pa kami ng sapatos nya kaya fishy fish nalang ang sinabi ko.

Nag salita naman si lolo “simula bukas mag aaral ka na sa Monteclaro Academy wag kang mag alala naayos na ni Red ang lahat ng papeles mo hindi ba red?” nakita ko namang proud na proud tumango si Red.

“kailangan mo lang naman bantayan yung apo ng bestfriend ko kilala nyo naman si Arnaldo Monteclaro diba tska yung apo nyang si Kyle?” napatango naman ako. Sya yung matandang laging bumibisita kay lolo sa bahay na namin na laging may dalang chocolate at kasama yung apo nyang stealer noong mga bata pa kami.

“tss babantayan lang pala sya. bakit ako pa madami pa kaming nakapending na mission sa opisina bakit hindi nalang yang si Red ang pag bantayin nyo tutal muka naman syang maraming oras patambay tambay pa dito” nakasimangot kong pag dadahilan kay lolo pero sa totoo lang ayoko lang batayan yung Kyle na yun dahil bata palang kami ay hindi na kami mag kasundo.

“hindi pepwede si Red may mission din sya. Siya ang mag babantay sa isa pang apo ni Arnold na si Kiefer”  nakita ko namang napatango tango si Red bilang pag sang ayon kay lolo.

“de palit nalang kami!!” sagot ko pero agad naman umayaw si Red. Matagal na kasi nyang crush si Kiefer at alam kong naisip nyang pag kakataon na nya to.

“apo tulungan na natin sila nasa panganib ang buhay nila at alam nyo naman kung bakit hindi ba? Maaatim ba ng konsensya nyong may mamatay dahil hindi natin natulungan?” pag ddrama ni lolo habang nag pupunas pa ng fake tears nya. Nakita ko namang parang naiiyak na rin si Red.

“LOLO NAMAN ISA AKONG REAPER AT HINDI LANG BASTA BASTA REAPER! HEAD REAPER AKO LOLO!!  HEAD REAPER! HINDI AKO ISANG BABYSITTER!!!”

Pag kasabi ko nun ay agad naman akong nag walk out. Narinig ko pang may sinabi pa si Lolo

“kasama mo naman si Blue bukas na kayo mag punta sa eskwelahan. wag kayong makikipag away!! Ingat kayo mga apo Labyu mwuaa!!”

aaaarrrrggghhhh!!

~~

Wiiii~!! Chapter 1 done! Dont forget to vote and  comment your thoughts regarding this chapter.

Lovelots! XOXO

THE REAPER: THE TAGASHIMA CLAN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon