99

412 28 56
                                    

Venus' POV

"So ano balak mo this day?" tanong ko kay Kiro at nagsmile. Napakasinungaling ko. Sinabi ko kay Kean na may meeting ako pero ang totoo ayoko lang talaga siya makitang sinusurpresa si Vienne. Tapos heto ako ngayon, kasama si Kiro. Magkakaiba tayo lahat ng ugali at isip kaya hindi niyo rin ako masisisi kung bakit ito ang pinili kong desisyon.

"Wala, spend this whole day with you."

"Wow ha? Yun lang?"

"Actually I have a surprise for you, Venus."

"Ano naman yan?"

"Mamaya na lang, haha. Surprise nga diba?" Oo nga noh.

"Okay. Uhm, so.. kamusta ka na? Nakakuha ka na ba ng trabaho mo doon sa pupuntahan mo?"

"Oo. Ipapasok ako ni Tyler sa pinagtratrabahuan niya atsaka malay mo tamang tao na pala yung makilala ko doon." hindi ko alam kung kinokonsenya ako nito eh.

"I'm sorry Kiro pero hindi natin pwedeng pilitin ang sarili nating mahalin ang taong hindi naman talaga natin mahal."

"I know. Ikaw ba Ven? Anong balak mo? Kayo na ba nung taong sinabi mo sa aking mahal mo?" Natahimik ako sa tinanong niya.

"Hindi pero okay lang yun. Alam mo Kiro? Sa tingin ko ito ang pinakamalaking pagkakamali na nagawa ko."

"Ang alin? Ang bustedin ako?" Mapiling niyang tanong.

"Hindi, ang magmahal ng tao sa maling oras. " sabi ko. Napailing na lang siya at hinawakan ang kamay ko.

"Alam mo Venus, hindi mali ang magmahal. Mas mali ang hindi magmahal." Napangiti na lang ako ng pilit at tumango. Napatingin siya sa relo niya at tumayo na. "Halika na, ipapakita ko na yung surpresa ko para sayo." sabi niya at hinawakan ako sa kamay.

Pumasok na kami sa kotse niya at nagsuot na ng seatbelt. "Saan ba yung surprise?"

"Basta." sabi niya at ngumisi. Nagulat na lang ako mg tinakpan niya ng panyo ang mga mata ko at nagsimula ng magmaneho. "Huwag mong tanggalin yan. Kapag sinubukan mo, itatali ko pati ang kamay mo."

Kinakabahan ako, ponyemas. Kidnap ba 'to? Rape! Rape! Rape— joke. Hindi ako umimik at sinandal ang ulo ko sa gilid ng bintana.

***

Huminto na ang sasakyan at narinig ko ang pagbukas ng pinto ni Kiro sa gilid ko. Inalalayan niya ako palabas at dahan dahang pinaglakad papunta sa dilim.

Hindi ko kasi alam kung saan niya ako dadalhin kaya dilim na lang. May naririnig na akong nagbubulungang boses lalaki kaya lalo akong kinabahan.

"Ayan na siya."

"Paniguradong maganda ang mangyayari ngayon."

"Hindi na ako makapaghintay."

pUT—

"MAMA RAAAAPEEEE!!!!!" sigaw ko bigla na naging dahilan kung bakit pati ang bibig ko ay tinakpan niya. Siniko ko siya sa tyan ng malakas at agad tinanggal ang panyo na nakatakip sa mga mata ko.

........

........

........

................

Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa nakita ko..





Bakit.....

wrong || j.hsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon