Kean's POV
"Nasaan na yung girlfriend mo?" tanong ni lola. Kundi lang matanda ito at lola ko, baka naduct tape ko na yung bibig. Ang ingay eh. Kanina pa tanong ng tanong kay tombs eh kakasabi ko palang na susunduin ko palang.
"La, yung totoo? Hindi ka naman naeexcite makita yung girlfriend ko, ano?" Ewan ko ba pero after namin mag-usap ni lola nun eh natutuwa na akong pilosopohin siya. Inirapan ako ni lola at umalis na.
Biglang dumating ang barkada at nagulat na lang ako ng makita si Venus na kasama nila. Lumapit naman ako agad sa kanya."Bakit hindi mo ako hinintay? Susunduin palang sana kita."
"Sinundo na namin fa dahil alam na naming may inaayos ka rin para sa party ni tita. Nandyan na ba siya?" tanong ni Theron sabay akbay sa girlfriend niya.
"Ma'am!" napatingin kami sa tinatawag ni tombs at nagulat ako nang malamang si halmoni pala. Pota, ma'am?
"Venus! Halika ija!" sigaw naman na paanyaya ni lola. Napatingin ako sa mukha ng mga barkada at priceless lahat sila. Tumakbo si Ven papunta dito at agad nagbless.
"Pasensya na po at nalate ako. Magluluto na po ako, ma'am." rinig kong sabi niya. Napangiti naman si lola at sinamahan na si tombs papunta sa kusina.
"Fa, ano nakain ni lola mo?" tanong ni Zander
"Baka walang nakain kaya ganon?" sabi naman ni Ethan na ikinatawa namin.
"Mga gago kayo. Sige na, umupo muna kayo saglit at susundan ko lang sila Ven." paalam ko at tumango naman sila.
—
"Ano ginagawa mo dito apo? Mag-entertain ka na lang ng bisita doon."
"La, I'll help her."
"No need, bads. I can do this. Just enjoy the party." sabi naman ni tombs at sinuot na ang apron.
"Hindi, sasamahan kita dito." sabi ko. Mahirap na at kasama niya pa si lola. Iba pa naman si lola kapag sinumpong.
"Landi mo." bulong niya at umirap. Puta, nakakasuka nga kung tutuusin ang sinasabi ko sa kanya eh.
"Kiss mo nga ako?" bulong ko mula sa likod niya. Siniko niya naman yung tyan ko. Gago, ang brutal.
"Tantanan mo ako, Mr. Buenaventura." bulong niya ng palihim at ngumiti kay lola.
"Lola oh, ayaw ako ikiss ni Venus." sabi ko at nagpout. La, pilitin mo please.
"Dapat lang yun Venus. Ang isang disenteng babae ay hindi papayag na magpahalik na lang basta basta." sabi ni lola at ipapalo sana sa akin ang wooden spoon na hawak niya. Alam ko na bakit sila nagkasundo agad, hays.
"Hays, ang sama niyo. I love you na lang, tombs." sabi ko at kinindatan siya.
"Heh, tigilan mo ako."
"La oh, ayaw ako sabihan ng I love you too. Hindi niya ako mahal, la." sumbong ko ulit at nagpout.
"Venus, mahirap ba sabihin ang mahal mo rin ang apo ko?"
"Ah eh— h-hindi naman po. I love you too, bads." sabi nito at pumilit ng ngiti sa akin. Kinindatan ko naman siya ulit at tumawa ng mahina.
"Arats na sa sogo!" sabi ko na ikinagulat ni lola at dahilan kung bakit ako napukpok ng isang frying pan sa ulo. Nakalimutan kong hinaan boses ko. Puta, masakit.
"Humanda ka mamaya, bads." bulong niya at inirapan ako. Haha, matatakot na ba ako?
BINABASA MO ANG
wrong || j.hs
أدب الهواة【bangtan epistolary series #6】+ Kean just chatted you, ❝may mali na yata sa mata ko❞ ↪ One mistake can destroy everything but the biggest mistake we can ever made is to love the wrong person at the wrong time. started: 101517 ended: 111517