*flashback*
Kean's POV
"Hi, mister—"
"Layuan mo ako, miss kung sino ka man. Ayoko pang maputulan ng kaligayahan." seryoso kong sabi ng makarinig ako ng isang boses ng babae mula sa likod ko. Kailangan kong magbehave dahil ayokong sirain ang tiwala ni Venus na binigay niya sa akin.
Hindi ko alam pero siya lang nakapagpabago sa akin. Hays, kaya mahal na mahal ko yung amazona na yun eh.
"Uh, I just wanted to meet y—"
"Pwede ba miss? Kung ayaw mong masampal at masakal ng girlfriend ko eh layuan mo ako? Hindi mo kilala yun." at uminom na naman ako ng kaunti. Hinawakan niya ang balikat ko kaya agad ko itong nilingon na ikinagulat ko. "Tracy?"
"Hi babe! Yes, ako nga! Ang liit talaga ng mundo noh? Pati ba naman sa ganitong okasyon eh pinagtagpo pa rin tayo." natatawa niyang sabi. Nainis ako bigla ng hindi ko alam ang dahilan. Siguro dahil napakamais niya.
"Ano ginagawa mo dito?"
"Uh, sinusundan ka? Haha."
"Tss."
Nagkaroon ng inuman ang mga kaco-work ko at kasama si Tracy. Hindi ko matandaan kung paano pero sa pagkakaalam ko, isa si Tracy sa mga kaibigan ni Mr. Yu kaya nakasama siya sa event. Dapat pala sinama ko si Venus para hindi ako lapitan nito eh. Kinakantyawan nila akong uminom pero tumanggi ako dahil magmamaneho pa ako pauwi. Nagpumilit sila at inabutan ako ni Tracy ng isang baso na may lamang alak kaya ininom ko ito pero itinigil na din dahil sa bigla akong nahilo.
Nagpaalam na akong mauuna na ako dahil masakit na talaga ang ulo ko pero laking gulat ko ng akayin ako ni Tracy at tinulungang lumabas sa bar.
"Tangina, bitawan mo na ako.. baka makita tayo ni tombs.." sabi ko ng may boses na inaantok. Inirapan niya lang ako at ipinasok sa sasakyan niya. Nagmaneho lang siya at hinayaan ko ang sarili kong makatulog muna.
"Babe.. let's make love.. tonight.." bigla akong natauhan ng marinig ko ang nakakadiring boses ni Tracy na nasa harap ko ngayon at ibinababa ang zipper ng dress niya. Puta, yuck.
"Siraulo ka ba?! Hindi ako maaakit dahil hindi ka sexy, tsk! Atsaka asan tayo? Sa motel? Tangina naman, Tracy!" napakamot ako sa batok ko at galit na umalis sa kwartong iyon.
Sumakay ako sa kotse at nagmaneho na. Buti na lang nawala rin yung sakit ng ulo ko nung nakatulog ako. May nangyari ba sa amin? Pinatulan ko ba siya? Siguro hindi dahil malalaman ko naman ang mangyayari sa amin kahit masakit ang ulo ko diba? Kailangan ko ng umuwi dahil baka nag-aalala na si mama at lola. Hindi pa rin ako nakakatext kay tombs.
Venus' POV
[ flashback pa rin. after 3 weeks ng nangyari kay Kean ]
"Kumain ka ba bads?" tanong ko sa kanya at inihapag ang meryenda sa mesa. Nandito siya ngayon at nakaupo sa sofa. Tumabi naman ako at hinawakan ang kamay ko.
"Tapos na. Ang ganda mo." Kahit anong pilit kong tago ata ng pagkakilig ko sa tuwing sinasabihan niya ako ng matatamis na salita eh hindi ko matago tago dahil sa laging pagpula at pag-init ng pisngi ko.
"Tsk. Wala akong perang pambayad sa papuri mo."
"Pft, ewan ko sayo." sabi niya sabay kurot sa ilong ko na pinalo ko naman. Habang nagkwekwentuhan kami ay bigla na lamang kaming napatigil dahil sa narinig naming sunod sunod na pagdoorbell sa labas.
Lumabas ako at nakita ko ang isang babaeng nakatayo sa harap ng gate at hawak hawak ang tyan niya. Kaibigan siguro ni mama.
"Si Mama po ba? Teka lang ho ah—"
"Si Kean ang kailangan ko, Venus." natigilan ako at dahan dahang napatingin kay bads na nakangiti habang naglalaro ng cellphone niya.
"Kay Kean? Bakit? Kaano ano ka niya?" tanong ko at lumapit sa kanya.
"Maaari ko ba siyang makausa—"
"Tombs, sino ya— Tracy?!"
"Kean.. kailangan kita.."
"Teka, ano ba ang nangyayari?! Magkaano ano ba kayo?! Bads, kaano ano mo siya?"
"A-Ah a-ano k-kasi tombs.. "
"Sumagot ka ng maayos dahil puputulin ko ang ngala ngala mo!"
"Venus, I'm 1 week pregnant and si Kean ang ama." napatigil ang mundo ko ng marinig ang sinabi niya. Unti unting nagsipatakan ang luha sa pisngi ko. Napalingon ako kay Kean at bakas ang gulat niya sa sinabi nung babae.
"Tombs, hindi toto—"
"Umalis ka na."
"Tombs nam—"
"Ang sabi ko, umalis ka na! At ikaw babae ka, sana bago ka nakipagjugjugan sa isang lalaki, siguraduhin mo munang walang girlfriend! Congratulations na lang sa inyong dalawa. I hope maging masaya ang pamilya niyo.."

BINABASA MO ANG
wrong || j.hs
Fanfiction【bangtan epistolary series #6】+ Kean just chatted you, ❝may mali na yata sa mata ko❞ ↪ One mistake can destroy everything but the biggest mistake we can ever made is to love the wrong person at the wrong time. started: 101517 ended: 111517