Chapter 8 "Last Stand Part l"

104 30 4
                                    

Unknown:"Grrrrghh Bloooood" naglalaway at nakakatakot nitong sambit.

[Shin(Reaper) Pov]
Isang nilalang ang lumabas mula sa kulungan, isa syang bampira ngunit hindi maipaliwanag ang bumabalot na masamang enerhiya mula rito.

Sanji(Apollo):"Squad 15 mag-ingat-..." Habang nag sasalita si Sanji agresibong inataki siya ng hindi maipaliwanag na nilalang.

Unknown:"DUGOOOOOOO.!" Napaka bilis nya! kung nahuli lamang ng ilang sigundo si Sanji marahil na puruhan siya sa pag atake nito.

Asar.! gusto kong labanan ang nilalang na ito, ngunit sa kalagayan kong ito malamang ay baka mapaslang lamang ako.

Yomo(Gama):"Leader.!" pag-aalala nito na agad pumunta sa kina roroonan ni Sanji.

Sa mga oras na ito alam kong iniisip ni Sanji(Apollo) na dapat na silang luminas sa lugar na ito, ngunit makikita sa mga miyembro nito na nais nilang pabagsakin ang nilalang na ito lalong lalo na si Yannah.

Unknown:"GUSTO KO NG DUGOOO!" Sigaw ng nilalang na ito, na nagpangiti sa akin dahil ngayon lamang muling tumaas ang aking balahibo.

Papalapit na kila Yannah(Ikarus) ang nilalang na ito.

Sanji(Apollo):"Ikarus, Gama and Delta charge.!" Agad namang nag palit mula sa pagiging range type sila Yannah(Ikarus) at Yomo(Gama).

Note:
Sila Yannah(Ikarus) at Yomo(Gama) ay mga hybrid vampire hunter, na kayang mag palit ng melee at range weapon.

"Interesting."Hybrid pala ang dalawang ito, sige loli(Yannah) ipakita ninyo sa akin kung gaano kayo kalakas.

Habang papalapit sa kanila ang nilalang na iyon, patuloy na nag-iipon ng malakas na enerhiya sila Yannah at dalawa pa nitong kasama upang itira rito.

"Gagawin nilang tatlo ang tirang ginawa ni Delta kay Lancelot(Jack) kanina.?" Marahil kung tatlo silang gagawa, triple ang lakas na pagsapog ang magaganap.

Yannah(Ikarus):"EXPLOSION!"
Yomo(Gama):"EXPLOSION!"
Michaela(Delta):"EXPLOSION!"

Sabay sabay nilang sigaw, at tira sa nilalang na papalapit sa kanila.

"A-ano-. . ." gulat at hindi kuna natapos ang nais kong sabihin pagkat napakalakas ng tirang ito na maari kaming taaman ni Yami-sama(Queen).

Kahit na nahihirapan akong gumalaw dahil sa aking sugat, pinilit kong buhatin si Yami-sama(Queen) upang dalhin sa ligtas na lugar.

Kitang kita ng aking mga mata ang pag tama ng tirang ito sa nilalang na hindi manlang umilag.

Kung kanina sa tirang ginawa ni Delta ay nagdulot ng butas ang silid ng King(Guild master), ngayon naman ay halos masira ang likurang bahagi ng silid na ito.

Mula sa loob ng silid na ito, makikita na ang napakalaking buwan sa labas dahil sa sirang ding ding ng kwartong ito.

"Asar.!" Irita at mahina kong bulong, akala ko ba kakampi ko sila? eh bakit parang gusto rin nila akong isama sa tirang iyon.

Yannah(Ikarus):"Reaper buhay kapa ba?!" Pagtatanong ngunit my nakakaasar na tono nitong sambit.

Sabi na may masamang balak rin sa akin ang babaeng ito, Tsk tsk kung hindi ka lang talaga loli.

Napaka kapal ng usok na bumabalot sa silid na ito dahil sa ginawa nilang atake.

"Sh*t.!" Nanlaki ang aking mga mata sa aking nakita mula sa makapal na usok.

Bu-buhay pa ang nilalang na ito na mukang hindi napansin ng squad 15 dahil sa pag aakalang napatay na nila ito.

Nagbabanta naring umataki ang nilalang na ito kay Yannah(Ikarus).

Half VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon