Nasaan na ba ako? Saang part na ng Pilipinas to? Luzon? Visayas? Mindanao? Teka, saang part ba ang M-manila?Ahhh. Naliligaw na talaga ko. Nasan na ba kasi yung Andrey na yun. Sabi niya susunduin niya ko once na makarating ako dito sa Manila na to. Kinamalayan ko ba kung paano magsakay-baba sa mga sakayan dito. Sa amin nga kangga lang ang sinasakyan tapos dito may mga malalaking sasakyan na tinatawag na b-bus ba yun at marami pang iba.
Sabagay, masyado nang advance ang mga buhay natin ngayon. Dito sa manila, may magagandang istruktura at sasakyan. Marami din namang magagandang tanawin pero mga gawa na nga tao pero sa amin, sa probinsya namin, tahimik ang buhay at maraming magagandang tanawin na dulot ng sarili nilang taglay.
Pero pagdating sa pag-aaral, hindi rin masasabi na nahuhuli o ang mga pinag aaralan namin ay mababa lamang. Mayroon doong paaralan na advance din at kasing tulad ng paaralan dito sa Maynila. Lahat kami ay binibigyan ng pagkakataon na makapag aral sa paaralan na yaon dahil narin sa kakaunti lamang ang populasyon namin na hindi magiging sanhi ng pag apaw ng mga estudyante. Libre lamang ang pag aaral doon hindi katulad dito. Kaya napakalaki talaga ng pagkakaiba nito sa amin.
Pero teka, nasan na ba talaga siya? Kanina pa ako nag iintay at kanina parin akong pinagtitinginan ng mga tao. Mukha ba kong pulubi dahilan para magsitinginan sila sakin? Maayos naman ang itsura ko. Nakabihis ako ng bestida na floral na kulay blue at naka tsinelas naman ako. Nakapusod din naman ang mga buhok ko. Anong mali dito? Sa probinsya namin, ito ang pinakamaayos na damit namin o mas tamang sabihin na ito ang damit pang alis namin.
Andrey? Andrey?! Ano? Sisigaw na ba ko dit---
Andrey? Si Andrey yun. Nakita ko na siya. Naglalakad siya at mukhang kakarating niya lang. Sabi na nga ba eh hindi niya ko papabayaan dito. Si Andrey lang naman ay boyfriend ko. Almost 1 year na kami at sa 1 year na yun, ngayon palang ako napadpad sa lugar niya at sabi niya ay bibigyan niya daw ako ng trabaho dito and at the same time. Ipapakilala din niya ko sa parents niya.
Pero bakit may kasama siyang babae? Ah, baka kapatid niya kasi nabanggit din niya sakin na may kapatid siyang babae. Ang sweet naman niya, sinama pa talaga niya yung kapatid niya sa pagsundo sa akin. Pero hindi sila magkamukha huh. Malayong malayo.
Lumakad ako papunta sa kanya kasi mukhang hindi papunta sakin yung way niya kaya ako nalang ang pupunta sa kanya baka kasi mamaya mawala siya sa paningin ko at maligaw pa ko ng tuluyan.
Ang bilis naman nila maglakad. I wonder kung bakit kasi tuwing magkasama kami mabagal ang lakad namin na parang dinadama namin yung oras namin sa isa't isa. Oo na masyadong corny. Ew.
"Andrey" sabi ko ng makalapit ako sa kanya. Parehas silang napalingon at parang hindi siya excited na makita ako?
"Who are you?" Tanong noong babaeng kasama niya. Maganda siya at maputi. Almost perfect?
"Ahmm" sasagot palang ako ng bigla siyang sumigaw.
"I said who are you bitch?!"
What? Bitch? Naiintindihan ko yun huh! And sino ako? Ako lang naman ang girlfriend ng kasama mo. Andrey pagtanggol mo ko sa kapatid mo. Ang sama pala ng ugali nitong babae na to. Not perfect duh!
Pero sabi nga 'di ba be nice to your enemy.
"Girlfriend ako ni Andrey. Nice to meet you sister." Nag offer ako ng shake hands sa kanya at tiningnan niya lang ito na parang nandidiri siya.
"Girlfriend? Duh! Mukhang nakatakas ka sa mental girl. And sister? Magkapatid ba tayo? Watch your words bitch. Hindi mo alam kung sinong kausap mo" bakit sino ka ba? Andrey ano? Hindi ka ba talaga magsasalita jan. Yes, nakatingin lang siya sa amin at parang tuwang tuwa na nanonood ng sabong.
YOU ARE READING
I'm A Victim Of That Stupid Love
FanficLove? Love gives you hapiness but behind of these love will give you pain. This is all about of two broken hearted person met in the darkest part of their life because of love. While having fun at each other, they fall in love and at the end the boy...