Chapter 4: Feelings

3 2 2
                                    

After 30 mins dumating na rin yung food na inorder namin... ni Zed pala.

Whoah! Ang sarap tingnan. Yummy😋

Habang kumakain kami, tingin ng tingin sakin si Zed.

Ano kayang problema nito?

"Bakit ba tingin ka ng tingin?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko na mapigilan kasi nakakadestruct masyado.

Natulala siya o mas tamang sabihin na napaisip siya.

"Well, maganda ka pala miss no?"

A-ano?

A-anong sabi niya? Maganda? Ako?

BALIW NA SIYA DIBA?

"Baliw ka." Naramdaman kong medyo nagblush yung mukha ko.

"Sayo...sayo ata?" Then tumawa siya ng pacute. Take note huh pacute! Hindi ako naiinlove kuya!

Heartbroken ako!

SAWI ako!

Pero kahit na ganun yung pakiramdam ko, nagbublush parin yung mukha ko. Ano ba namang mukha to!

Tumungo ako at hindi ko nalang pinahalata na nagblush ako kasi baka asarin pa ako nito.

Pagkatapos kong kumain pumunta ako sa comfort room.

Then pagpasok ko sa loob may isang grupo ng mga babae na naglalagay ng mga kung ano ano sa mukha nila.

Then napansin ako nung isa sa kanila na kakatapos lang maglagay ng pulang pula na kung ano mang tawag dun sa bibig niya.

"Who is she?" Sabi niya at napansin na din ako ng iba niyang mga kasama.
"Yuck, look at her outfit masyadong ugh!"
"Hahaha, yah right. Paano naman kaya nakapasok dito ang pulubi?"
"Duh, she looks so ewey."
"You're right. Tara na nga baka mahawa pa tayo sa kanya. Look oh I have a goosebumps."

Pakinig kong bulungan nila tungkol sakin at nagsi-alisan na sila. Iwas na iwas pa talaga sila sakin na akala mo ay virus. Ang aarte naman ng mga yun akala mo kung sino. Hindi naman kagandahan at nilagyan pa ng makapal na make-up yung mukha nila.

Sila kaya ang ewey, ang daming arte sa katawan.

"Duh. Yah right. Yuck. Ew." Sabi ko habang ginagaya yung tono ng boses nung mga babae kanina. "Ang aarte, akala mo kung sinong perpekto. Akala mo kung sinong sobrang ganda para makapag sabi sila ng mga ganung salita sa kapwa nila. Nakakahiya sila. Ganito pala ang nga tao dito sa Manila, mga mapanglait..." sabi ko sa sarili ko.

Oo, mukha akong baliw dahil kinakausap ko mag isa yung sarili ko. Pero mas mga baliw yung mga tao dito kanina. Hindi naman sila inaano, pero ang galing nilang mang bully.

"Huwag mo naman lahatin."

S-sino yun? W-walang tao dito ah.

Sino ka??

Multo ba yun?

Ako nalang kasi ang tao dito sa c.r. if I'm not mistaken. (Oh english. Big deal! Hahaha)

"S-sino yan? M-multo ka ba? Wag ka namang manakot."

Natatakot na ko. Bakit ganito dito sa restaurant na 'to? Ang ganda nga, ang sarap ng pagkain pero may multo naman.

Help me! Ayoko na! Takot ako sa multo!

"Well, ang ganda ko namang multo kung nagkataon."

Then may lumabas na babae dun sa isa sa mga cubicle at nagbasa siya ng kamay.

Ah, siya pala. Akala ko kung sino na.

Ang ganda niya huh. Matangkad, maputi, at sexy. Mukha siyang model o yung mga lumalabas sa mga commercial sa tv.

I'm A Victim Of That Stupid LoveWhere stories live. Discover now