Habang nag da-drive si Zed nakatingin lang ako sa paligid. Ang ganda kasi sobra. Yung parang ayaw mo nang tanggalin yung paningin mo sa labas at nakanganga ka nalang palagi.
Ganito pala talaga kaganda dito sa Manila. Dati pinapangarap ko lang makaputa dito pero ngayon nakikita ko na sila for real. Whaa. Ang saya!
Pangarap ko noon na makapamasyal sa iba't ibang lugar dito kasama si Drey. Sabi pa nga niya magdedate daw kami then bibili kami nung couple shirt at lahat daw ng pang couple tapos magkaholding hands daw kami pag maglalakad kahit in public kasi sweet daw tingnan yun. Bibilhan din daw niya ko lahat ng gusto ko.
Pero hanggang pangarap lang pala yun. Hindi pala pangarap. Panaginip lang.
Sana nga panaginip lang yung nangyayari ngayon para pag kagising ko okay na ko. Atleast hindi totoo ang lahat ng nangyari samin. Hindi totoo na nag exist siya.
*sniff*
*sniff*
*sniff*
"Miss iyakin, ano na naman bang problema mo?"
Ako???
"W-wala."
Hindi ko namalayan. Umiiyak na naman ako. Lecheng buhay to. Bakit ba kasi sa tuwing naaalala ko siya naiiyak ako. Sobra ko ba siyang minahal para maging ganito ako??
I mean, hindi siya yung first boyfriend ko pero bakit nagkakaganito ako dahil sa kanya??
"Anong wala? Hindi pa ba nauubos yang luha mo? Kelan ka ba titigil sa kakaiyak?"
"H-hindi ko alam."
"Wow. Ang dami ng tanong ko pero 'hindi ko alam' lang yung sagot mo huh. Pero seriously, sabi ko naman sayo wag mo na siyang iyakan kasi hindi niya worth yang luha mo."
Eh sa hindi ko alam ang sagot sa mga tanong niya.
"Alam ko na nga yun. Hindi kasi ganun kadali kalimutan ang taong minahal mo ng sobra eh. Alam mo yung pakiramdam na parang walang wala ka---"
"Hey stop that. Magda-dramahan nalang ba tayo dito? Oo naiintindihan ko yang nararamdaman mo. Pero tama na. Let's stop thinking our exes ok?"
Hindi nga kasi ganoon kadali yun eh.
Kulit naman kasi nitong lalaking to.
"S-sige."
Silence.
Ang layo naman ng kakainan namin. Kanina pa kami dito sa daan.
Pero marami na kaming nadaanan na pwedeng kainan eh saan ba talaga kami pupunta??
Gutom na gutom na po kaya ako!
Nakakahiya na magtanong sa kanya. Kanina niya pa ko pinapalubag ang loob baka naman isipin niya na choosy pa ko at ang daming reklamo.
Drive. Drive. Drive. Sa una lang ako nakatingin kasi ayoko na tingnan yung paligid. Naaalala ko lang si Drey.
Then bigla nalang tumigil yung sasakyan.
Anong problema kuya???
"Where here?"
Really? Buti naman.
Bubuksan ko na sana yung door pero naalala ko nilock nga pala niya kanina.
"Patanggal naman nung--"
Then suddenly, lumapit na naman siya sakin at...at...tinanggal yung seatbelt ko. Kala ko kung anong gagawin niya. Sheez! Napapraning na ko.
Hindi naman yun ang pinapatanggal ko ah!

YOU ARE READING
I'm A Victim Of That Stupid Love
Fiksi PenggemarLove? Love gives you hapiness but behind of these love will give you pain. This is all about of two broken hearted person met in the darkest part of their life because of love. While having fun at each other, they fall in love and at the end the boy...