Hindi ko alam kung saan ako pupunta. South, north, east, west? Ni hindi ko nga alam kung ano ang pasikut-sikut dito sa Manila na to.Yes, napapagaralan namin siya school namin pero never kong tinandaan yung mga lugar dito at syempre, di ba iba pag nasa real life situation ka.
Kung hindi lang dahil sa manloloko, mukhang pera at babaerong Andrey na yun hindi sana ako nagkakaganito.
Pinapunta niya ko dito sa Manila for what? Para maging pulubi?
Hindi ko man pinangarap na maging ganito pero wala ata akong choice.
Wala akong kakilala dito, wala akong kamag anak dito at lalong- lalo nang wala akong kaibigan na taga dito dahil hindi pa nga kasi ako napapadpad dito.
Nakalabas na ko ng airport dahil sa tulong ng mababait na tao na napagtanungan ko ang problema ko nalang ay saan at paano ako kakain.
Gutom na gutom na ko kanina pa!
200 pesos nalang ang pera ko. Saan naman kaya aabot to? Eh ang mamahal ng pagkain dito hindi katulad sa probinsya namin, sa 10 pesos lang mabubusog ka na. Dito kahit ata 100 pesos pa ang gastusin mo hinding hindi ka mabubusog.
"Ito ang girlfriend ko."
Out of nowhere, bigla nalang may umakbay sakin at sinabi niya dun sa girl na girlfriend niya ako-
Teka.
Ako??
G-girlfriend?
Kelan pa??
Hindi kita kilala kuya!!!
Pero parang kilala ko yang mukha mo huh.
Teka at parang familiar din yung mukha ni ate girl. Pero malabong siya yun. Iba ang suot nun kanina eh.
"H-huh? G-girlfriend?" Tanong ko dun sa lalaki. Baliw to ah!
"Oo GIRLFRIEND kita. Ano ka ba naman Aimee."
Aimee? Sino si Aimee?
"Kaya pwede ba Drianna layuan mo na ko. Akala ko ba ikaw yung tipo na hindi naninira ng relasyon?"
Ah. So Drianna yung name nung babae. Kawawa naman si ate umiiyak. Parang ako lang kanina...
Erase erase erase. Naaalala ko na naman siya😢
"Babe wag ka namang magbiro ng ganyan. Hindi ako naniniwala na kayo ng babaeng yan. Hindi ganyan ang taste mo. Ew!"
Ang arte nitong babae na to ah. Umiiyak na nga nakakapag inarte pa. Parang yung malanding higad ni Andrey na babaero. Sino nga yun. Si...Brianna.
Oh my! Brianna. Drianna. Magkatunog yung name nila.
Parehas pala sila ng ugali. Hindi sila dapat kaawaan!
"What so ew about me girl huh?" Tanong ko sa kanya. At tinanggal ko na rin kung kamay ni lalaki sa balikat ko. Nakakarami siya huh. Wala pa kayang nakakaakbay sakin. Kahit si Andrey. Aish! He's keep going in my mind!!
Akala niya huh. Probinsyana ako pero marunong akong makipag away sa mga katulad niya.
At marunong din ako mag ENGLISH!
"Babe oh. Look at her. Maawa ka na sa kanya. Huwag mo naman siyang paasahin." Sabi niya at yumapos pa dun sa lalaki.
Ang arte talaga nitong babaeng to. Pinupuno niya ako ha!
"Drianna ano ba?!" Sabi nung lalaki at tinulak niya si ate girl.
Buti nga sa kanya.
"Wala na tayo kaya pwede ba? Masaya na ko kay Aimee at mag pakasaya ka na rin kasama ang lalaki mo!"
YOU ARE READING
I'm A Victim Of That Stupid Love
FanficLove? Love gives you hapiness but behind of these love will give you pain. This is all about of two broken hearted person met in the darkest part of their life because of love. While having fun at each other, they fall in love and at the end the boy...