Chapter 3 - Closer

22 0 0
                                    

Sa hallway ng campus………..

“Hi, Ma’am Yeng! Napaganda mo na naman ang araw ko! May exam kami ngayon sa Microbiology, siguro bagsak na naman ako!”

“Bakit mo naman iisipin na babagsak ka? Siguro iyan ang lagi mong iniisip kaya bumabagsak ka minsan. Think Positive!”

“Buti na lang nandiyan kayo. Buti pa kayo, di tulad ng ibang prof. na nangda-down ng estudyante.”

No comment! Sige, mag-aral ka na at pagbutihan mo!”

“Teka po, kailan nga pala ang birthday nyo?”

“January 10. Huwag mo na itanong yung year,ok? Bye! Goodluck!”

January 10 pala. Next year pa iyon pero paghahandaan ko.

January 10……..

“Miss Reyes, pinabibigay ni Mike Delfin” anang secretary ng college department nila, si Marilyn.

“Ano yan?”

“Pillow!”

“Ako rin meron, e. Pero style nya lang iyon para di mahalata na ikaw talaga ang gusto niyang bigyan ng gift.”

“Ganon?”

Sa di kalayuang Filipino restaurant sa university pagkatapos ng pasok………

“Happy Birthday to you, Happy Birthday to you, Happy Birthday, Happy Birthday Happy Birthday to you!!!”

“Wow! Maganda ang tono ninyo in fairness, dear faculty members! Dahil diyan, bukod sa  treat ay may pa-take-home pa kayo!”

“Sana lagi birthday mo! (bumulong) Tingnan mo kung sino ang nandoon sa isang table” ani Marilyn.

“Si Mike Delfin, ano namang problema?”

“Di kaya sinusundan tayo niyan?”

“Hayaan mo lang, di naman siguro.”

“Nakatingin dito!”

“Hep! Ano pinagbubulungan nyo diyan? Ako ba?” tanong ni Mr. Dencio Apacible, Philosophy professor.

“Basta boto ako sa inyong dalawa ni Miss Yeng. NInang ako kapag kinasal kayo! Ok ang loveteam ninyo sa mga students natin at bagay na bagay kayo!” ani Dean Patricia Bonifacio.

“Sang-ayon kami! Cheers!”  hiyaw ng iba pang mga guro.

Kinabukasan………..

“Hi, Miss Yeng! Belated Happy Birthday!” bati ni Mike.

“Thank you! TY sa gift mo, ha? Alam mo, di ka na sana nag-abala.”

“Kung maaari nga ay lahat kayong prof ko ay reregaluhan ko, e.”

“Ganon ba? Thanks uli! Pasok ka na sa class mo, baka ka ma-late.”

“Sabi nyo, e.”

Wala naman palang masamang ibig sabihin ang bata, e.

February, Teacher’s Day…….

“Meron tayong special number para sa Social Science prof natin na si Miss Reyes mula sa first year students. Pero bago iyon ay may message sila para sa kanya. May we call on Miss Reyes to sit here in front for the special number prepared by her beloved students!” Clap!Clap!Clap!

“Si Ma’am Yeng ay istrikto  pero napaka-supportive sa amin. Maaari mo siyang lapitan kapag may problema ka. The best siya pagdating sa love! Sana makita mo na ang prince charming mo, ma’am! Wait, si ma’am nga pala ay mahilig sa guy na may ‘close up smile’. Para sa iyo, “classmates, ready!”

At kinantahan nila ang mahal nilang guro.

“Every now and then, we find a special friend who never let us down. Who understands it all, reaches out each time you fall………….,” sabi ni Annie.

Pagkatapos ng special number ay lumapit si Mike kay Miss Reyes….

“Wala man lang akong naihanda para sa inyo?”

Bakit niya kailangang mag-isip ng kung ano pa ang ihahanda para sa akin?

“Ok lang iyon.”

“Di ok iyon. Sana ay may naibigay man lang ako.”

Sabay kuyog ng first year students kay Miss Yeng.

“Sino yun?” tanong ni Annie.

“Estudyante ko, 3rd year na siya.”

“Mukhang type ka po!”

“Bata pa siya”

 Parang iba na itong si Mike, ha? Di kaya may problema lang ito at kailangan ang counseling ko?

Mataray Pero Malambing                                       Ms RRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon