Chapter 10- Years Apart

14 0 0
                                    

 Enrolment for Summer Classes starts, sa Faculty Room……

“Good Morning, Miss Yeng!”

“Good Morning, Mart! Musta na?”

“Eto, bumibisita lang para kunin ang TOR. Kayo ang kumusta? Ang pagtatanong ni Mart.

“Ok naman. May raket kasi assigned ako sa enrolment. Hahaha!” ang sagot ni Miss Yeng.

“Ang ibig kong sabihin, Ma’am KA sabay dating ni Dean Berna

“Good Morning, Dean Berna!” bati ni Mart.

“Oh, hi Mart Leynes! Dapat isa sa batch nyo ang mag-top sa board exams, ha? Good Luck!” ang sabi ni Dean Berna.

“Aja!” sagot ni Mart.

Pumasok na si Dean Berma sa office nya at

“Ma’am, kumusta na kayo ni…ni Mike?” tanong ni Mart.

“Ewan ko sa kaibigan mo, teka, breaktime na,” sabi ni Miss Leynes.

“Sabay na tayo mag-snacks, Ma’am,” sabi ni Mart.

“Ok! Pwede na magsabay kumain, graduate ka na naman,” ang pag-i-inform ng guro.

Habang papunta sila sa Cafeteria ay may nakita silang kakilala. Si….Mike at may kasamang babae.

“That answers your question, Mart,” sabi ni Miss Leynes.

“Ma’am, yan ba? Hahaha!” ang tawa ni Mart.

“Sarcastic?” pagtataray ng guro.

“Di nya mahal yan, alam mo na napasubo yung tao,” ang pagtatanggol ni Mart sa kaibigan.

“Alam ko na, iyan ang asawa niya,” ang pag-co-conclude ng guro.

“Hindi po, dala ng kabataan ika nga, mapusok. Nagkaanak sila pero ayaw niyang pakasalan yang kapitbahay nilang yan,” pag-i-isplika ng kaibigan.

“Ganon na lang iyon? Kung sabagay, hindi dapat na gawing dahilan ang bata upang piliting ipakasal ang 2 taong di naman nagmamahalan. Kayo kasing mga lalaki, mahilig mag-experiment!” ani Miss Yeng.

“Yun lang! Hahaha! Order na kayo, KKB, ha, Ma’am” ang tawa ni Mart.

“No problem!” ang pag-a-agree ng guro.

Nakita ni Mart ang singsing ni Miss Reyes.

“Bibigyan din nya kayo niyan baling araw,” sabi ni Mart.

“Ng alin?” tanong ni Miss Leynes.

“Wedding ring! Hahaha!” ang panunukso ni Mart.

Nagtaas-kilay na lang ang guro. Ayaw na niyang umasa pa, sapat na ang nakita niya.

New Environment…..

Raket! Raket! Raket! Panalo ang offer sa kabilang university. Pagsabayin ko na lang kaya? Ang lagay wala na ngang boyfriend, wala pang pera? Go ako, pagsasabayin ko ang dalawang schools! Think positive, Mayette Reyes! Huwag kang aayaw! Centrum lang ang katapat niyan!

After 6 years……………

Nakakaaliw din talaga ang FB. Nakakatuwang malaman ang updates sa friends, family at former students ko.

Message Icon, one message received.

Sino kaya ito?

Dear Miss Yeng,

Hi, Ma’am! Musta na? Anyway, mukha ka namang masaya. Diyan ka na pala nagtuturo sa Manila, sabagay, mas malapit sa place niyo.

Huwag mong sabihing single ka pa rin, magwawala ako rito! Kidding aside, malaki ap ala yung ANAK ko, 9 years old na. Sorry at mas nabigyan ko siya ng importansiya kaysa sa relationship natin. Saka ayokong bigyan ka ng problema kasi maayos na ang buhay nyo. Titiisin ko na lang na di tayo magkasama kaysa magkasama nga tayo pero hindi naman maayos ang buhay natin.

I hope lagi kayong masaya…I STILL LOVE YOU!

Mike

At former love?

Message reply of Miss Yeng…

Dear Mike,

I’m so glad that you’re doing great! Wait, ano bang STATUS nito at nagre-reply na ako? SINGLE! Dapat ba akong matuwa? WORKING AT: St. Luke’s Medical Center as a NURSE! Ipagpatuloy mo lang ang pag-follow sa dreams mo and you’d get there.

NEVER naging isyu ang ANAK mo, kung sinabi mo lang agad di sana DI KA MAGWAWALA diyan ngayon. Hehehe! Nauna sa akin ang anak mo kaya di siya magiging isyu at dapat tanggapin ko siya dahil part siya ng buhay mo. Natututo tayo sa past life natin, di ba?

I’m so happy to what have you become and for who you would become in the future. But you never knew how happy I was meeting you in my past life.

Always take care!

Miss Yeng

Chat message…from Mr. Marasigan

Hey, Miss Yeng! What’s up! Invite kita sa 50th Founding Anniversary ng College of Nursing, ang lola mo na ang may korona. Ako na ang Dean! Expect kita, a?! Sa Sept. 22, Friday at 6pm, be there!

Mataray Pero Malambing                                       Ms RRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon