Chapter 4 - Express Yourself

22 0 0
                                    

Pauwi si Miss Yeng isang hapon……….

“Ma’am, fish ball po!” alok ni Geno.

“Naku, baka hindi kumakain si Ma’am niyan!” ani Mart.

“Kilala mo si Ma’am Yeng, Mart?” tanong ni Geno.

“Prof siya ni Mart sa Sociology, di ba, Ma’am? paninigurado ni Mike.

“Ah, oo! Isa yang si Mart sa pinakamagaling kong estudyante, maingay nga lang!”

“Pinuri tapos nilaglag! Ha! Ha! Ha!” ang tawa ni Geno.

“O sige, Uwi na ako!” sabi ng guro.

“Hatid ko na kayo” sabi ni Mike.

Ano ba ito? Isegway ko muna para malimutan niya ako ihatid. “Teka, Mart, kilala mo ba si Kaye Jacob?” tanong ni Miss Yeng.

“Yes, Ma’am! Bakit po?”

“Matalino ba? Nakita ko kasi minsan na magkasama kayo. Sige, uwi na ako.”

“Hatid ko na kayo!” sabi uli ni Mike.

“Crush ko nga si Kaye, e.”

“Masama yun, di ba may GF ka na, Mart? Sige na, uwi na ko at baka mauwi pa ito sa sermon.”

“Hatid ko na kayo!” sabi uli ni Mike.

Dumiretso sa paglalakad si Miss Yeng habang sumusunod si Mike. Ayaw niya itong mapahiya sa mga ka-boardmate pero ayaw niya ring ma-identify ito sa kanya. Pero talagang makulit ang binata.

“Magka-subdivision pala tayo, ma’am. Ang liit talaga ng mundo!”

“Sinabi mo!” sabi ni Miss Yeng.

“Matagal na kayo rito?”

“Nito lang school year na ito kasi simula 7am ay may klase ako until 7pm kaya kinailangan ko nang mag-board.” Lam mo na, boom ang Nursing course kaya maraming raket!

“A, ganoon po ba?”   

“Ganoon nga. Pano, see you when I see you na lang!” At nakasapit na sila sa boarding house ng guro.

“Bye po!”  sabi ng estudyante.

Ilang araw pa…….

Ding…dong…

 “Ate Kaye, Ma’am Yeng, may bisita po kayong dalawa”

Bakit kinakabahan ako? “Kaye, may dalaw ka, no?”

“Ma’am, ikaw din kaya!”

“Sige, labasin mo na ang dalaw mo”

Pagkaraan ng ilang minuto……

“Si Mart lang naman, as usual ay manghihiram ng assignment.”

“”Mart, Mart Leynes? Siya ba yung laging pumupunta kamong classmate mo na laging nanghihiram dito? Baka may gusto sa iyo. Uy!”  pagbibiro ni Miss Yeng kay Kaye.

“Ma’am labas na kayo at hinihintay ka na nung kasama niya.”

“Sino yun?”

“Basta! Uuyyyy, si ma’am!!!” kulit ni Kaye.

Kinakabahan talaga ako. “Uy, Mart. Nag-usap na kayo ni Kaye?”

“Ma’am, may kasama ako na gusto kayo makita.”

“Sino? Nasaan siya?”

Binuksan ni Mart ang gate at…..

“Hello, Ma’am!”

“O, M-Mike! Ano ang ginagawa mo rito?”

“Dumadalaw lang po.”

“Dalaw? Wala naman akong sakit, a.”

“Gusto ko lang kayong makita.”

“A, siguro ay may ipapa-counsel ka.”

“M-Meron nga.”

“Ano ba ang problema mo?”

“Kuwentuhan muna tayo, tapos ay sasabihin ko ang problema ko.”

“Fine!”

“Ma’am, marunong ka bang mag-alaga ng bata?” tanong ni Mike.

“Hindi, kasi nung 2 years old pa lang ako ay nasundan na agad ako ng kapatid kong bunso kaya di ko na siya naalagaan,” sagot ng guro.

“Mahilig ka ba sa love songs?” pagtatanong uli ni Mike.

“Oo naman! Ano ito interview? Hahaha” sagot ni Miss Yeng,

Hanggang sa…

“Ang taray naman! Pero alam mo Mart, si Ma’am Yeng, mataray pero malambing!” sab ni Mike.

“Paano mo naman nasabi yan? Uuyyy!” tukso ni Mart.

“Oo nga, paano?” tanong ni Miss Yeng.

“Kasi kahit inaantok kami minsan noon sa klase ninyo ay iniintindi nyo kami at binibigyan ng chance para pumasa at bini-build ang ego. Naalala ko nung minsan akong makatulog at nilapitan nyo ako, nagising ako tapos ay nginitian nyo lang ako ng maasim na ngiti at dali-dali akong gumising.”

“In fairness kasi, bumabawi naman kayo sa mga requirements na ipinapapasa ko sa inyo. Saka yun ang trabaho ko, ang i-build ang self-esteem nyo dahil yun ang training sa amin bilang propesyonal.”

“Talaga naman! Kaya tuloy…kaya…”   

“Kaya ano, Mike?” tanong ni Mart.

“Wala, sasabihin ko sa inyo mamaya.”

“Kahit hindi mo sabihin, alam ko!” sabi ni Miss Yeng.

“A-Ano po iyon?”

“Kaya binobola mo ako.”  Sabay taas ng kilay ng guro.

“Di po, di po” sabi ni Mike.

“Di po talaga, ma’am” pagtatanggol ni Mart sa kaibigan.

“Sige, gumagabi na. Uwi na kayo at mag-aral, ok?”

“Bye, ma’am. Salamat po sa time. Promise hindi ko po kayo binobola.”

“Maniwala ka ma’am, hindi kayo binobola ni Mike” ani Mart.

“Sige na, uwi na kayo, bye!”   

Paglabas sa gate……..

“Ano pa ba ang sinisilip mo Mike, uwi na tayo.”

“Hindi ko naman siya binobola, di ba alam mo naman.”

“Oo, naiintindihan kita pero alam mo naman ang katayuan ninyong dalawa.”

“Pero gusto ko siya. Gusto ko siya talaga!”

“Paano iyan. Alam na ba niya yung sikreto mo?” pagkukumpirma ni Mart.

“Pero napasubo lang naman ako dati, dala ng kabataan ika nga. Totoo pala na ‘it’s sad to belong to someone else when the right one comes along,’ ang kanta ni Mike.

“Bahala ka,” sabi ni Mart.

“Basta ipaparamdam ko sa kanya na gusto ko siya at totoo ang nararamdaman ko. Hindi naman kailangan na maging kami talaga. Ang mahalaga ay naiparamdam ko na mahalaga siya, alam mo iyon.”

“Pare, parang inlove ka na sa tingin ko, Mike.”

“Oo nga, e. Paano kasi, matalino na maganda pa. Pero yung ugali niya ang gusto kong talaga! Yun bang laging nandiyan para sumuporta sa iyo. Alam mo, magiging mabuting asawa at ina siya balang araw!”

“Ay, naku! Bilisan mo nang umuwi, may exam pa ko bukas! Thank You, a!”

“Pareng Mart, thank you talaga sa pagkutsaba mo. Makakaganti rin ako baling araw!” ani Mike.

Nasundan pa iyon ng ilang mga pagbisita na kunwari ay manghihingi ng payo pero nakikipagkuwentuhan lang naman si Mike.

Mataray Pero Malambing                                       Ms RRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon