Chapter 2

45 7 3
                                    

"APO HINDI PALA ako ang makakasama mo sa paglilibot dahil masakit ang balakang ko."

Napatingin ako kay Lola. Hawak nito ang kanyang balakang at halatang nahihirapan. I quickly go towards her and helped her to sit on one of the couch in the living room.

"Okay lang po Lola siguro bukas nalang ako maglilibot para maalagaan po kita."

"Ay aba huwag na Apo. Tinawagan ko si Tina. Anak ito ng isa nating katulong. Siya ang sasama sa'yo."

"Po? Pa'no po kayo Lola? Dito nalang po ako."

"Huwag na Apo. Libutin mo ang Sitio upang hindi ka mabagot dito." ngumite nalang ako kay Lola at hindi na nagpamilit pa. Alam ko kasing hindi na mababago ang isip niya.

"Sige po Lola. Ihatid ko nalang po kayo sa kwarto." 

Hinatid ko si Lola sa kwarto nila ni Lolo. Wala si Lolo ngayon at may inaasikaso sa farm kaya nag aalala ako kay Lola. Mabuti nalang at may private nurse pala ito.

Hinintay ko na lang sa sala ng mansyon si Tina. Sampung minuto na akong naghihintay wala pa rin siya kaya na isipan ko na lang lumabas. Ayoko pa namang pinaghihintay. Para sa'kin kasi ay mahalaga ang oras. 

Maaliwalas ang hangin sa probinsya. Ang sarap sa pakiramdam ng hangin. Malamig ngunit magaan sa pakiramdam.

"Senyorita Yna?" napalingon ako sa babaeng tumawag sakin. Matangkad ito. Sexy pero morena ang kutis at bagay sa kaniya. Makapal at maayos ang kilay at may maamong mga mata. Maganda siya. Probinsyanang-probinsyana.

Ngumite ako. " Are you Tina?"

"Ay opo. Pasensya na po na leyt ako may pinapautos pa po kasi si nanay." napatungo siya.

Umiling lang ako at nginitian siya. " Okay lang Tina. Tara na?"

"Ahh sige po Senyorita."

"Yna nalang Tina mukhang magkaedad lang tayo eh."

Umiling lang siya at ngumiti. "Hayaan niyo na po ako Senyorita Yna. Hindi po kasi ako sanay na hindi ginagalang ang mga amo ko.""

"But I'm not your Amo. Sila Lola 'yun pero kung ayaw mo talaga okay lang but kindly drop the 'po' word? Para kasing ang tanda-tanda ko na eh."

 tumawa ako ng mahina para hindi awkward. Ramdam ko kasing ilang siya sakin.

"S-sige po-- ahm sige Senyorita Yna."

Ngumiti ako sa kanya at pinauna na siya. Sumakay kaming dalawa sa bisekleta para daw madali naming malibot ang Sitio.

Una niya akong pinasyal sa rice feild ng Sitio De Gracia. Maraming bumabati kay Tina at halatang close siya sa mga tao sa lugar na ito.

"Pst Tina! Sino 'yang babaeng kasama mo? Ang puti ah taga Maynila ba?" tanong ng lalaking nagbubuhat ng sako ng mais.

"Ano ka ba Leonor! Amo ko 'yan. Bumati ka nga!"

"Eherm hi Miss byutipol." he said with matching kindat pa. Napatawa na lang ako and smiled at him.

Nagpedal ulit kami ni Tina.

Tumingin ako sa mga Rice feild na nadadaanan namin ni Tina. Ang ganda. Ang lawak at napakapayapa. Masarap ang simoy ng hangin. Ibang-iba sa syudad na pinaglakihan ko. Kahit na simple lang ang buhay ng mga tao sa Sitio De Gracia ay masaya sila hindi katulad sakin.

I may have luxury bags, clothes and heels but I'm not happy. Siguro dahil parating kinokontrol ng magulang ko ang buhay ko.

At dahil lumilipad ang aking isipan ay hindi ko namalayan ang papalapit na Jeep wrangler. What the hell?! Agad-agad akong umiwas at nabangga sa puno ng saging.

"SENYORITA!"

Nariinig ko ang sigaw ni Tina at mabilis akong nilapitan. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Muntik na akong mabangga! 

Inis akong tumayo at pinagpagan ang suot kong damit. Not minding the bruises I got, I quickly walked towards the Jeepney Wrangler hawak-hawak ang isa kong sapatos na natanggal ko kanina. 

I saw the man's back when he quickly got out of his jeepney wrangler. I didn't think twice and throw my shoe to him. Sapul sa batok.

"What is wrong with you?! Do you want to kill me?! YOU ASSHOLE!" I shouted with anger not minding my bruise on my knees and shoulder. Ramdam kong kumikirot ang sugat sa tuhod ko but I didn't care at all.

The guy quickly turned towards me habang sapo ang batok niyang tinamaan ng sapatos ko. My lips parted when I saw an Adonis. He has the most beautiful gray eyes I've ever seen. He has a pointed nose and has a perfect jawline. Mapula ang labi nito at parang ang sarap halikan.

Bumalik ako sa wisyo when he 'tsked'.

"Hindi ka kasi tumitingin sa daan--

"What the hell?! Are you saying that it's my fault that I almost got into an accident?! Muntik mo na akong mapatay gago!"

"Ang pangit ng ugali. Mga mayayaman nga naman tsk." bulong nito pero narinig ko naman.

"ANONG SABI MO?!"

Pakiramdam kong umuusok na ang ilong ko dahil sa galit. Impokritong lalaking ito! Gwapo nga napakaantipatiko naman! 

"S-senyorita dumudugo na 'yung sugat niyo sa tuhod."

Tiningnan ko ang tuhod ko tama si Tina dumudugo na nga ito. Inalalayan ako ni Tina.

"Dylan humingi ka naman ng pasensya muntik mo ng mabangga ang Amo ko." sabi ni Tina. Napatingin ako sa kanya. Kilala pala niya 'tung kutong lupang Adonis na 'to.

"Kasalanan din naman niya Tina. Kung hindi lang lumilipad ang isip ng babaeng 'yan di sana siya magkakaganyan pch."

Kukunin ko sana ang isa ko pang sapatos para ibato sa kanya pero mabilis na siyang dumistansya saakin. Narinig ko pa itong tumawa ng mahina. Halatang iniinis ako. Kinagat ko 'yung labi ko ng maramdamang kumirot na naman ang sugat ko.

"Ihatid ko na kayo Tina."

"Huwag na. We can manage." I said then rolled my eyes to him. I was about to walk away but I felt the strong pain on my knees causing me to fall to the ground. Just I thought I'll hit the hard ground when I felt a broad shoulder encircled on my waist.

I felt him leaned forward causing his lips to touch my ears. I stiffened when he whispered.

"Mag-ingat ka sa susunod Miss. Hindi sa lahat ng oras may sasalo sa 'yo."



■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■

"It wasn't love at first sight. It was love at first fight."

♡♡♡

No Regrets to have HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon