Kabanata 4

23 0 0
                                    

Tori's POV

Nandito ulit ako sa sementeryo dinadalaw ko si JC. Tatlong buwan na rin ang nakalipas ng iniwan ako ni JC hanggang ngayon sariwa pa rin sa akin ang lahat ng pangyayare parang kahapon lang lahat to nangyare.

"Hi baby, alam mo ba nasa dean lister ako ngayon. Ang tataas na ng grades ko. Alam ko naman na ito yung gusto mo di ba? Ang mag aral ako ng mabuti. Pinag sisikapan ko para sayo. Para sayo lahat to baby" may tumulong luha sa mata

"Baby hanggang ngayon ang sakit sakit pa rin" napahagulgol na ko sa sobrang sakit

"Baby i'm sorry kung lagi na lang akong umiiyak, alam ko na ayaw mong umiiyak ako" tumingin ako sa langit para tumigil ang mga luha ko na bumagsak pero sinong niloko ko tuloy tuloy pa rin e.
Humiga ako sa puntod niya na parang bang niyayakap siya at doon ako nag iiyak.

"Baby *huk* i really miss you *huk* lahat ng puntahan ko ikaw nakikita ko, miss na kita pwede bang yakapin mo ko kahit ngayon lang, pwede bang iparamdam mo sa akin na kasama kita kahit ngayon lang. Kahit ngayon lang" biglang umihip ng malamig na hangin na para bang niyayakap ako. Lalo akong umiyak

"Salamat baby" umupo ako at hinalikan lapida niya para bang siya yon. Tuluyan na kong tumayo pinagpagan ko yung sarili ko at ngumiti ako. Ngiting nasasaktan at nalulungkot.

"Aalis na ko baby, i love you" naramdaman ko nanaman ang pag ihip ng malamig na hangin sa pisngi ko.

Nag lalakad ako sa hallway ng marinig kong may tumatawag sa akin.

"TORIIIIIII" si marie nanaman

"Tori mag hahalloween na. Ano costume mo?"

"Wala"

"Alam ko na tutulungan kita sa costume mo" masayang sabi niya

"Mag white lady ka na lang kaya"

"Ay hindi zombie na lang hahaha"

"Parang ambaduy naman nun, killer clown na lang hahaha"

Huminto ako sa pag lalakad huminto rin siya.

"Alam mo marie kung gusto mo sumali sa halloween party na yan, ikaw na lang. Dahil hindi ako sasama diyan" iniwan ko siya dun ng nakatulala

"Alam mo tori, ginagawa ko lang naman to para sayo. Para kahit papano ay gumaan loob mo, kahit papano ay mabawasan ang lungkot mo, mabawasan yang sakit na nararamdaman mo diyan sa puso mo" sabay turo niya sa puso ko. Ramdam ko yung emosyon ni marie. Napahinto ako sa mga sinabi niyaa pati yung mga dumadaan sa hallway

"Pwes! Di mo kailangang gawin to. Di mo ko kailangang pagaanin ang loob ko. Dahil kahit anong gawin mo yung sakit na nararamdaman ko ay nandito pa rin! At hindi nawawala. Marie ito ang realidad na kahit anong pagaan mo o baliktarin mo man ang mundo yung sakit na nararamdaman ko. Nandito pa rin at hindi nawawala. Kahit sampalin mo ko ng ilang beses mas higit na masakit pa rin yung nararamdaman ko"

"Then fine! Go! Mag palamon ka diyan sa sakit na nararamdaman mo. Ayan gusto di ba? Sige from now on di na kita pakeke alaman" nag walk out na siya
Umalis na rin ako dun.
baby am i being too much? Sobra na ba yung pag tulak ko sa mga nakapaligid sa akin?

Katatapos lang ng klase namin pumunta ako sa field at tumambay sa ilalim ng puno kung saan lagi kaming tumatambay ni JC pag walang pasok. Naisip ko nanaman siya

Flashback

"Byyyy" niyuyugyog ko siya nakahiga kasi siya sa lap ko at nakapikit. Oo nakapikit pero di naman tulog -_- nag tutulog tulugan lang, nakangiti pa ang baliw.

"By naman parang kang ano diyan, dali na kasi nagugutom na ko e" habang naka cross pa yung kamay ko

"Don't want"

What the f! Masasapak ko na talaga to!

"By naman di ka ba naaawa gutom na ko"

"then eat!" Nakapikit pa rin siya

"Pano ko kakain nandyan ka"

Tinuro niya yung labi niya at bigla siyang dumilat

"Eat"

Nanlake yung mata ko sa kanya.

"By naman e" namumula na yung mukha ko sa kanya

"Hahaha" umangat siya para maabot yung labi ko. Naramdaman ko na yung pag lapat ng lips namin at unti-unti niyang ginalaw umupo siya at sinandal ako sa puno habang ang kanang kamay niya nasa pisngi ko at ang kaliwa nasa likod ko. Ramdam na ramdam ko yung pag mamahal niya sa bawat halik niya. Huminto siya at pinatong yung noo niya sa noo ko, nakatingin pa rin siya sa lips ko at biglang ngumiti.

"I love you babe" nakangiting sabi niya

"I love you too baby"

"I love you more than everything"

Naramdaman ko nanaman yung labi niya sa labi ko.

Tumayo na siya hintak ako

"Common babe, i'm hungry too hahaha"

Tinignan ko lang ang kamay niya na naka interwine sa kamay ko. I really love this man.

End of flashback

May tumulo nanaman luha sa mga mata ko. Isa na lang alaala ang lahat baby. I wish nandito ka, nandito ka sa tabi ko para maging lakas ko at maging dahilan ng para manatili ako sa mundo. I really miss you baby. Really miss you.





I'm scrolling through my cellphone for the 20th time today

Tss. Bwiset yung radyo nato. Nag dadrive ako ngayon papuntang bataan. Pupunta akong Mt. Samat, pupuntahan ko yung lugar kung saan ko sinagot si JC.

i reading the text to sent me again
Though i memorized it anyway


Namimiss ko nanaman si JC. Kaya eto ako ngayon binabalikan yung mga alaala na meron kami.

It was an afternoon in december
When it reminded of you the day
When we bumped into each other
But you didn't say hi co'z i looked away



Sana nandito ka baby para sabay tayong babalik ng mt. Samat.

And maybe that was the biggest
Mistake of my life.
And maybe i haven't moved since that night.



Malapit na yung anniversary namin ni JC. Baby malapit na ko.


Co'z it's 12:51
And i thought my feelings were gone
But i'm lying on my bed thinking of you again


Oo dahil hanggang ngayon sariwa pa rin sa akin ang lahat. Siguro nga hindi na ko babalik sa dati. Dahil wala na siya.


And the moon shines so bright
But i gotta dry these tears tonight
Co'z your moving on
And i'm not that strong to moved on any longer


Nandito na ko ngayon sa tuktok ng Mt. Samat. Lumabas ako sa kotse at tinignan ang ovelooking ng buong lugar. Ang napaka gandang tanawin dito sa taas. Ramdam ko rin ang lamig, walang masyadong tao ngayon di naman kasi Mt. Samat day ngayon at tsaka January na kasi ngayon.

Tumingin ako sa paligid at parang nakita ko ang sarili ko at si JC 4 years ago. Baby malapit na anniversary natin, gusto ko sanang dito mag celebrate pero ako na lang pala mag isa ang mag cecelebrate.

Sabi mo sa akin babalik tayo dito pag umabot tayo ng 4 years, pero ako na lang ang bumalik kasi di tayo umabot iniwan mo ko agad baby.

Alang ala ko pa kung pano kita sinagot sa lugar na to. Kung pano ka memorable ang lugar na to na puno ng alaala natin. At ako na lang ang may hawak ngayon.

Pag Tinamaan KaWhere stories live. Discover now