chapter 5- Parking 5

72 1 0
                                    


Candice'sPOV

HI guuuuuuuuuuuuuuuuuys! So eto papasok na ako sa school ngayon. Nakasakay na ako sa jeep papuntang school.

Manong: iha nandito na tayo

Candice: Salamat po Manong!!

Siguro nagtataka kayo kung bakit ako nagcocommute noh? Kasi hindi ko ginagamit yung sasakyan ko sayang sa gas tsaka dagdag lang yan sa polusyon. Pumasok na ako sa campus at naabutan ko si Casimir na nagiintay sa gate. Sino naman kaya iniintay neto? Baka may girlfriend na toh. Ouch <//3 Pero bakit naman parang may kumikirot sa dibdib ko? Hay ewan. Makapasok na nga.

...: Candice!

Huh? Sino naman yung tumawag sa akin?

...: Candice!

Sino ba yun?!

...: Uy Candice!

Liningon ko naman yung tumawag

Candice: Dane?

Dane: t-tinawag kita di mo naman ako liningon *lapit*

Si Dane ba yun? Ba't parang iba yung tumawag?

Dane: Candice?

Candice: ay oh?

Dane: kanina pa kita kinakausap bakit parang lutang ka? Okay ka lang ba?

Candice: oo ok lang. tara na

At naglakad na kami papasok sa loob.

Casimir's POV

Maaga akong pumasok para intayin si Candice. Gusto ko kasi talaga siyang makausap di kasi siya maalis sa isip ko simula kagabi eh. Lakas na ata ng tama ko sa babaeng yun. Hay.

Teka, ayun na si Candice! Nakita niya ata ako pero di man lang ako pinansin? ouch <//3 pero never say die ang peg ko hahaha. Nakakabakla! Hala! Pumasok na si Candice sa loob ng campus

Casimir: Candice!

Lumingon lingon naman siya kaya patay malisya akong tumayo sa gate. Ang cute niya talaga. Isa pa nga.

Casimir: Candice!

Hanap naman siya ng hanap. Sarap niya pagtripan

Casimir: Can-

...: Uy Candice!

Sino naming tumawag sakanya nun? Panira naman!

Candice: Dane?

Psh! Si Dane nanaman! Lagi nalang umeeksena!

Umalis nalang ako sa sobrang badtrip ko. Naglakad na ako papuntang room nang may maalala ako. Naalala ko yung babaeng tinulungan ko nung first day of school. Di din siya maalis sa isip ko. Basta ang naalala ko lang ay yung kwintas niya na may heart. Oo alam kong madaming babaeng nakakakwintas na heart pero may kakaiba sa heart shaped necklace niya eh. Pamilyar! Parang nakita ko na dati. May diamond siya na maliit sa gitna na nakakorte na letter M. May nagtutulak sa akin na hanapin yung babaeng yun. Pero pano si Candice? Ay nako! Ang gulo!!!!!!! ARGHHHH! Makapasok na nga lang!!

...: BRAAAAAAAAAAAAD!!!!

Ako ba yung tinatawag nila? Di naman siguro

...: HOOOOOOOOOOOY!!!

Peste! Sino ba yun? Napakaiingay naman!

...: Mayghaaaaad! Di na tayo pinapansin ni Fafa Casimir!!!

Deluded Lovers  (KN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon