chapter 6- An illusion

51 0 0
                                    

Someone's POV

Naglalakad na ako pauwi. Teka, si Candice yun ah? Himala at hindi siya hinatid ni Dane. Sinundan ko siya para makasiguradong safe siya. Naramdaman niya sigurong may sumusunod sakanya kaya lumingon siya sa likod niya nagtago naman agad ako sa poste na nakita ko. Nang maglakad ulit siya, palihim ko nanaman siyang sinundan. Napansin nanaman niyang may sumusunod sakanya kaya lumingon siya at dahil pinaglihi ako kay Flash ay nakapagtago agad ako sa likod nung puno. Paglabas ko nakita kong ang layo na niya. ANG BILIS NIYA MAGLAKAD! Binilisan ko din ang paglalakad kaso biglang may lalaking nagtakip ng ilong niya

Candice: Omph!!

 Sinusubukan niyang kumawala sa lalaki. Pero bigla nalang hinimatay si Candice at binuhat ng lalaki. Syempre tumakbo ako sa direksyon nung lalaki

Casimir: HOY!

Napalingon naman siya sa akin at parang nagulat kaya tatakbo na dapat siya nang hatakin ko yung t-shirt niya

Someone: at balak mo pang tumakas? San mo siya balak dalhin?!

Hindi naman sumagot yung lalaki at binitawan si Candice tapos humarap sa akin

Someone: G*go ka ah! *boogsh*

Napahiga na yung lalaki at nawalan ng malay. Pinuntahan ko naman si Candice na nakahandusay sa sahig

Someone: Candice *tapik*

tinapik tapik ko yung pisngi niya para magising pero wala talaga. Dinala ko siya sa malapit na hospital dito sa village. Tinawagan ko yung katulong nila. Pano ko nalaman? Nakalagay kasi sa phone niya "Manang" kaya tinawagan ko na. Nang masigurado kong maayos na si Candice ay lumabas na ako at hinabilin sya sa nurse

Someone: Uhmm miss? Uuwi na ako. Dadating na yung kasambahay nila Candice para bantayan siya dito

Nurse: ok po sir

Hinalikan ko muna sa noo si Candice bago lumabas. Pagkauwi ko umakyat na ako sa kwarto at naligo tapos nagbihis, siyempre hahaha. At humiga na. Di ko maiwasang maisip si Candice kaya kinuha ko ang phone ko at tinignan ang picture ni Candice na kinuha ko sa phone niya. At siyempre papalagpasin ko pa ba ang number niya? Siyempre hindi kaya pati cellphone number ay kinuha ko na din J hinalikan ko yun screen ng cellphone ko at maya maya'y nakatulog na din. Nakakapagod hay.

ZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZ

Candice's POV

Hmm..

PATAY NA BA AKO?! Omg NASAN AKOOOO!!!! BAKIT PURO PUTI? NASA LANGIT NA BA AKO? Shet di pwede! Di pa ako nagpapaalam kay Mommy, kay Daddy, kay Bes, kay Casimir! Teka, nasama si Casimir? OMG! Pan—

...: iha buti nalang gising ka na

Ha? Sino nagsalita? Si San Pedro ba yun? O M G nasa langit na nga ata ako!!

...: Iha halika at kumain ka na

Lumapit naman sa akin yung nagsalita. Ayan na! makikita ko na si San Pe—MANANG?

Candice: Manang?

Manang: oh bakit iha?

Candice: bakit po kayo nandito?

Manang: ah kasi kagabi daw may balak kumidnap sayo buti nalang nailigtas ka nung kaklase mo ata kaya tinawagan niya ako at sinabing nandito ka daw

Ahhh! Naalala ko na! Kagabi may sumusunod sa akin tapos hinablot ako at may tinakip sa bibig ko the BOOM! Nakatulog na ako. Pero sino nanaman kaya yung nagligtas sa akin? Nako ha, ang dami naming nagliligtas sa akin.

Deluded Lovers  (KN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon