CASIMIR'S POV
Kakauwi ko lang at magpapalit na ako ng damit.
*kriiiiiiing* *kriiiiiing*
(Phone Conversation)
...: Hello?
Sino kaya to. Unknown number lang eh.
Casimir: Sino 'to?
...: Casimir Buenavista?
Casimir: Speaking. Sino 'to?
...: Mir! OMG! How are you? I missed you so much!
Mir? O.o Wait.
Casimir: Pats?
Pats: Yes! Nakalimutan mo na ba ako? Nakakatampo naman. Hahaha!
Casimir: Hahaha! Di naman naninigurado lang. Nga pala, ba't napatawag ka? Musta pala diyan sa States?
Pats: Actually, nakauwi na ako dito sa Philippines. Dito na daw ako mags-stay. And baka dito na rin ako mag-aral. Haha. Anyways, can we go out? Pwede ka bukas? Miss na miss na talaga kita eh. Hahaha
Casimir: Uhmmm... Let me think. Di ako sure kung pwede ako bukas eh. Kasi may pasok, then may practice yata kami for the upcoming sports fest.
Pats: Ah. Ganun ba?
Casimir: I'm so sorry, Pats. Medyo busy lang ako dahil sa sports fest. Kasi lots of practice ang mangyayari. Practice sa sports, practice pa para sa muse and escort. Don't worry, babawi ako. Promise.
Pats: Ikaw?! Escort?! Hahaha! They might have poor eyesights! Hahaha!
Casimir: Ako pa?! Huh! Casimir Buenavista ata 'to!
Pats: Psh. You're just too tired. Matulog ka na lang. Hahaha!
Casimir: Ang lakas mong mang-asar ah? Humanda ka sakin pag nagkita tayo. Hahaha!
Pats: Hahaha! I'm just joking! Don't you even dare to tickle me or else...
Casimir: Or else what? Wala ka namang laban sa kiliti ko eh. Bleh!
Pats: Whatever Mr. Buenavista. Matulog ka na nga lang. Tell me if you're free bukas ha? Good night!
Casimir: Hahaha! Yes, ma'am! Good night! See you soon.
(End of phone conversation)
Nagtataka siguro kayo kung sino yung kausap ko kanina noh? Sino nga ba? Hulaan niyo!! XD jk. Eto na. Papakilala ko na siya sa inyo. Siya si Pats, Patricia Alvarez. Galing siya sa States. Dun na siya nag-aral since nung nagkahiwalay kami. Nagkahiwalay kami 3 years ago. May communication pa naman kami pero bihira na lang kami mag-usap. Weekends lang. Siya nga pala ang girlfriend ko. Hahaha joke lang. Girl bestfriend LANG. Di siya yung type ko noh! Tsaka may Candice na kaya ako. :P So yun nga. Halos 8 years na kaming magbestfriend. Sa isang playground sa village namin kami nagkakilala. Medyo malapit lang ang bahay naming sa isa't isa. Nasa kabilang street lang siya nakatira. Pano kami nagkakilala? Long story. Nakakatamad magkwento. Pero dahil masipag ako at sayang ang POV ko, sige, ikekwento ko na. Hahaha
(Flashback)
Nasa playground ako. Dito kami lagi naglalaro nung mga kababata ko. Pero simula nung nagkahiwa-hiwalay kaming tatlo, ako na lang ang mag-isang pumupunta dito. Naiwan akong mag-isa. Tuwing pupunta ako dito mag-isa, nakaupo lang ako sa isang bench. Nanonood lang ako sa mga batang masayang naglalaro kasama ang mga kaibigan nila. Nakakalungkot mang isipin, kailangan ko pa ring maging masaya. Kailangan kong masanay nang wala sila. Hindi ko alam kung babalik pa sila. Pero kahit na makahanap ako ng mga bagong kaibigan, o kahit na gaano man kami katagal di magkita, hinding hindi ko pa rin sila kakalimutan. Tutuparin ko pa rin ang promise ko sa kanila, sa kanya. Promise na hinding-hindi ko kakalimutan. Ang promise na hindi ko sila kakalimutan at hindi ko sila ipagpapalit sa kahit sino man. Lalo na siya, ang nag-iisang girl bestfriend ko.
BINABASA MO ANG
Deluded Lovers (KN)
Fanfiction"Some things are destined to be-- it just takes us a couple of tries to get there" -J.R. Ward Deluded- Being tricked, fooled. The Deluded Lovers is a story about 2 people who are being tricked by the people around them. Former Title- The Prejudice L...